webnovel

Daan-daang Sampal ng Kahihiyan

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Naniniwala ito sa kanya ng ganoon na lamang, at tinulungan pa niya si Xinghe na maghiganti sa Chu Family, hindi na pinahalagahan pa ang dating ugnayan ng kanilang mga pamilya.

Lumabas ang sobrang selos kay Tianxin habang natutuyo na ang mga peke niyang luha. "Naniniwala ka sa lahat ng sinasabi niya?"

"Tama iyon!" Sagot ni Mubai ng walang alinlangan.

Ang sagot niya ay may pinalidad na pakiramdam ni Tianxin na kapag iniutos dito ni Tianxin na patayin ang sarili nito, ay gagawin nito.

Pakiramdam ni Tianxin ay gumuho ang mundo niya. Kanina noong hinuli ang mga magulang niya, hindi siya nakaramdam ng desperasyong kasing tindi nito.

Pero ngayon ang mabigat na desperasyon ay sumasakal sa kanya.

Nawala na ang pagkakataon na mapatay niya si Xinghe at ngayong nakita na niya kung gaano kamahal ni Mubai si Xia Xinghe… Ano pang pagkakataon ang natitira sa kanya?

Hindi na niya mapapakasalan at maaangkin ito!

Ang desperasyon ng pagkawala ni Mubai ang nagpanginig ng hindi mapigilan kay Tianxin. Ang panginginig ay hindi natural at nakakapag-alala, na tila may kung anong lalabas sa katawan nito…

Tiningnan niya ng masama ang dalawa at nagsimulang tumawa. "Xi Mubai, paano ka naging walang puso? Minahal kita ng buong puso't kaluluwa, dapat ay ginantihan mo din ako ng pagmamahal, dahil tama lamang iyon! Bakit hindi mo ako minahal?"

Malamig siyang tiningnan ni Mubai, at hindi sumagot.

Tulad ng isang personalidad na lumitaw, nagsimulang umiyak si Tianxin. Dinakma ni Tianxin ang kanyang puso na parang nasasaktan at umungol, "Alam mo ba kung gaanong sakit ang nararamdaman ko ngayon? Bakit mo ito ginawa sa akin? Bakit?!"

"Dahil pinagtangkaan mo ang babaeng mahal ko," ang sagot ni Mubai ay tila isang malakas na sampal sa kanyang mukha.

Natigilan si Tianxin na parang hindi maintindihan ng utak niya ang sinabi nito.

"Pumapayag kang sirain ang buong pamilya ko dahil sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tianxin habang dinuduro si Xinghe.

"Itutuwid lang kita; ako ang naghihiganti dito," walang emosyong paalala ni Xinghe.

Gayunman, ang balitang ito ay mas masakit para kay Tianxin.

Hindi na sana niya iindahin ang buong operasyon kung si Mubai ang may pasimuno pero ang asintahin ang buong pamilya niya alang-alang kay Xinghe? Ang masakit na katotohanan ang sumira sa puso niya.

Bumalik si Tianxin sa kanyang mga naunang pagtawa. Idagdag pa ang lamig ng gabi, ang mga tawa niya ay nakakapanghilakbot. "Gusto mong maghiganti sa akin pero hindi ito matutupad, hindi ngayong gabi, hindi kailanman! Hanggang hindi ko ito inaamin, wala kayong pruweba, at walang pruweba hindi ninyo ako madidiin! Hindi, sinasabi ko sa iyo, hindi kailanman! Ha ha ha ha ha…"

Ang mayabang na hagikgik ni Tianxin ay naging walang humpay na pagtawa.

Ang mahabang buhok nito ay ginulo ng hangin, at tinakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Ang mga tawa niya ay nagmumula sa ibang lugar mula sa kanyang mahina niyang katwan.

Kahit ang mga bodyguard ay nakaramdan ng panghihilakbot habang tinitingnan siya.

Hindi naapektuhan si Xinghe. Walang pagbabago sa kanyang ekspresyon, ang totoo nga, naiinip na siya.

"Nabaliw ka na ba?" Malamig niyang tinitigan si Tianxin. "Napahanga mo ako sa pag-arte mo, pero sigurado akong mas makakakuha ka ng simpatiya kapag nagmamakaawa ka."

Napatahimik nito si Tianxin at tinitigan niya si Xinghe ng mga matang punung-puno ng lason at pagkamuhi.

Nang-aasar pang dagdag ni Xinghe, "Naaalala ko pa ang ngisi sa mukha mo noong party ni Lin Lin ilang buwan na ang nakakaraan. Ang gabi kung saan nakangiti sa iyo ang buong mundo, hula ko hindi mo inaasahan na magbabago ang lahat ng ganoon na lamang."

Ang mga salita ni Xinghe ay tulad ng daan-daang sampal sa mukha ni Tianxin, ang bawat isa ay nagdaragdag ng pagnanais na sirain at pira-pirasuhin si Xinghe!

Ang mukha niya ay namumula sa galit at pagkapahiya. Si Xia Xinghe, na minsan na niyang tinapakan at pinagtawanan, ay hindi lamang umakyat sa tuktok sa maliit na oras pero nakuha din ang pagmamahal ni Mubai.

Sa pagkukumpara, siya, na dati ay ang orihinal na katipan ni Mubai, ay hindi lamang nawala ang engagement ngunit nasa gitna ng pagkawala ng lahat ng mayroon siya!

Chương tiếp theo