"Paano mo inaasahan na magtitiwala ako sa iyo kung literal na katatraydor mo pa lamang sa akin?" Hamon ni Xinghe.
"Isa iyang akusasyon na walang batayan," pagtutol ni Ee Chen nang nakanguso, "Hindi ako kumampi kay Ruobing pero tinulungan kitang gawin ang disenyon, hindi pa ba sapat iyon para ipakita ko sa iyo ang katapatan ko? Hindi ba't sinasagot ko ang bawat isa sa mga tanong mo? Wala akong dapat na itago…"
"Nakalimutan mo na ba ang maliit na katotohanang tinulungan mo siyang nakawin ang disenyo ko?!"
"Ang batayan na iyan ay hindi totoo dahil ang disenyong ibinigay ko ay peke, isinusumpa ko!"
Ang mga labi ni Xinghe ay kumurba at naging ngiti. "Ang disenyong ibinigay mo sa kanya ay magiging peke pa din kahit na planado mo ito o hindi."
Sandaling natigilan si Ee Chen habang unti-unti niyang naintindihan ang katotohanan ng sinabi sa kanya ni Xinghe. Napaungol siya, "So nakadepensa ka pala sa akin simula pa lang."
"At ang katotohanan ang nagpatunay na tama pala ako na gawin iyon." Diin ni Xinghe at napahiyang natahimik si Ee Chen.
Gayunpaman, mabilis na bumalik ang ngiti sa kanyang mukha. "Nakita mo, pinatutunayan lamang nito ang pagpili ko sa iyo kaysa sa kanya! Mas matalino ka at mas maingat kaysa sa kanya. Nangangako ako sa iyo na hindi mo pagsisisihan ang partnership na ito dahil nakapagdesisyon na akong mas dumikit sa iyo!"
"Get out—" biglang utos ni Xinghe.
Nalito si Ee Chen. "Get out?"
"Narinig mo ako. Ang tulong mo ay hindi na kailangan pa para sa artificial limb deisgn. Tungkol sa partnership, hindi pa ako nakakapagdesisyon. Sa araw na ipinasa mo na sa akin ang bagay na nasa pag-aari mo ay ang araw na ikokonsidera ko ang pakikipag-partnership sa iyo."
Hindi naisip ni Ee Chen na magiging malamig siya. Bumubulung-bulong ito na nangatwiran, "Pero ang mga sinabi ko ay totoo. Ako lamang ang mapagkakatiwalaan mo sa mga bagay na iyon…"
"Sarili ko lamang ang pinagkakatiwalaan ko."
"Balik na naman tayo diyan, hindi ba? Sinabi ko na sa iyo, hindi talaga kita trinaydor…"
"Terminolohiya lamang iyan. Binabalaan na kitang magkusa kang umalis bago ko ipatawag ang security."
Sigurado na si Ee Chen na hindi na niya mababago ang isip ni Xinghe kaya wala na siyang nagawa na sinabi, "Sige, aalis na ako. Matapos kitang tulungang makakuha ng maraming impormasyon sa mga taong tulad natin, siguro ay doon mo makikita na kakampi mo ako."
Hindi na sumagot pa si Xinghe at ang kanyang ekspresyon ay hindi mabasa.
Umalis na din pagkatapos noon si Ee Chen.
Nagtataka sina Xia Zhi at Xiao Mo kung bakit pinakawalan na ni Xinghe kaagad si Ee Chen, ng walang malubhang parusa.
Hindi na nagsabi pa ng ibang detalye si Xinghe, ang tanging sinabi niya na ang mga disenyong nasa kamay ni Ruobing ay peke kaya naman nagbigay ito ng kaunting ginhawa kina Xia Zhi at Xiao Mo.
Gayunpaman, napalayas pa din si Xinghe mula sa lab. Ang katotohanan na iyon ay hindi maitatatwa.
Kung walang suporta ng lab, paano nila mabubuo ang disenyo?
Habang nag-dedebate ang isip ni Xinghe kung tatawag kay Mubai para humingi ng tulong, biglang tumunog ang kanyang telepono. Mula ito sa dati niyang asawa.
Nagdalawang-isip si Xinghe ng ilang sandali bago ito sinagot, "Hello."
"Nasa labas ako ng bahay mo, lumabas ka muna sandali," sabi nito bago agad na ibinaba ang tawag.
Agad na isinara ni Xinghe ang telepono at naglakad patungo sa kanyang front door.
Tumingin siya sa labas ng bintana. Sumapit na ang gabi…
Nakatayo sa may gilid ng kanyang kotse si Mubai. Pinaimbabawan ng isang simpleng itim na amerikana ang kanyang suot na puting kamiseta para hindi siya ginawin. Nakapamulsa ang kanyang mga kamay at nakatingala siya sa langit na tila ba pinag-aaralan nito ang mga konstelasyon.
Ang mga lampara sa paligid ng Purple Jade Villas ay nakabukas na para sa gabing iyon at ang mga maliliwanag na ilaw ay ipinapakita ang liwanag ng mga kumikinang sa langit.
Ang gabi, mga bituwin, ang lalaki at ang kapaligiran, ang isang romantikong eksena ay kumpleto na.
Lumabas na sa pintuan si Xinghe at lumingon si Mubai ng marinig ang kanyang mga yabag.
Tulad ng maraming romantikong drama, nagtagpo ang kanilang mga mata…
At sa maikling sandali na nagtagpo ang kanilang mga tingin, nakita ni Xinghe ang maraming kumplikadong emosyon na naghahalo sa mga mata nito.
Inialis niya ang tingin at nagtanong, "Bakit mo ako tinawagan?"
"Bakit hindi ka lumapit sa akin nang magkaroon ng isang malaking pangyayari tulad nito?" Balik-tanong ni Mubai.