Sabi ni Si Ye Han, "Huwag kang mag-alala, ako ang mag-aalaga sa kanya."
Parang patalim sa puso ang mga salitang sinambit ni Si Ye Han...
Hindi nakakapagtaka na biglang papunta na pag-iyak ang bata sa sobrang galit...
Sinenyasan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han sa isang tingin niya lamang, bago niya sinuyo si Tang Tang, "Baby, maging mabait ka ha? Huwag mong alalahanin si Mommy. Okay lang si Mommy. Kailangan mong mangako kay Mommy na aalagaan mo ang sarili mo at makikinig ka kay Lolo at Lola. Hindi ka na pwedeng gumawa ng ma-peligrong mga bagay na ika-aalala ng mga tao sayo, okay?"
Hinalikan muli ni Ye Wan Wan ang pisngi ng bata nang makita niyang patuloy na nanahimik lamang ang bata. "Si Tang Tang lamang ang pinakamamahal na baby ni Mommy!"
Kumalma lamang si Tang Tang nang marinig niya ang mga sinabi ni Ye Wan Wan. Tiningnan ng masama ni Tang Tang si Si Ye Han bago niya niyakap ng maigi si Ye Wan Wan at mabigat ang loob niyang tumango-tango.
Sa may bakanteng espasyo sa bakuran:
Lumapit si Ling Feng at Ling Yun na nakasuot ng itim, kay Tang Tang.
"Little Young Master, kailangan na nating umuwi."
Lumuhod si Ye Wan Wan ang maingat niyang niyakap si Tang Tang bago niya ito pinakawalan at hinaplos pa niya ang buhok ng bata. "Sige na."
Siguro dahil ayaw ni Tang Tang na maramdaman ng maramdaman ng nanay niya na malungkot siya kaya tumango na lamang siya. Muling naging malumanay at mapag-isa ang kanyang itsura.
Malumanay na kinausap ng bata si Ye Wan Wan, "Paalam na Mommy…"
Pagakatapos mamaalam ng bata kay Ye Wan Wan, nangangamba nitong tiningnan ang lalaki na nasa tabi ni Ye Wan Wan.
Sa oras na ito, si Si Ye na patuloy na nananahimik, ay biglang lumuhod at binuksan niya ang kanyang mga kamay sa bata.
Tuliro na tinitigan ni Tang Tang si Si Ye Han ng panandalian at dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang ama.
Niyakap ni Si Ye Han si Tang Tang, hinaplos ng malaki at mainit niyang kamay ang likuran ng ulo ni Tang Tang.
Nanginig ng kaunti si Tang Tang, ang madilim at maliwanag na mga mata ni Tang Tang ay biglang napuno ng luha hanggang sa tumulo ito sa kanyang mukha. "Gustong makasama ni Tang Tang si Mommy…"
Gusto kong makasama si Mommy at Daddy...
Huminga ng malalim si Ye Wan Wan at pilit niyang tinago ang kanyang mga emosyon. "Huwag ka nang umiyak baby. Nangangako si Mommy na bibisitahin kita sa hinaharap, okay ba 'yon?"
Hindi ibig sabihin na hindi siya makakahanap ng paraan para makapunta sa Independent State kahit na bawal siyang pumunta sa lugar na ito.
Nabanggit na noon ni Mr. Mu sa kanya na ipinagbabawal ng Independeng State ang mga estranghero na makapasok sa bansa, may batas rin naman sila na pwede silang magpapasok ng mga eksperto sa martial arts.
Tumango ang bata at umalis siya mula sa mga kamay ni Si Ye Han. Sa huli, sinundan niya ang dalawang guwardiya at dahan-dahan siyang umakyat sa helicopter. Unti-unti siyang nawala sa loob ng helicopter.
Sabay-sabay na nakahinga na ng maayos si Nameless Nie at ang grupo niya nang makita nilang umalis na sa helicopter si Tang Tang.
Naisaayos na nila ang problema at nakawala sila ng buhay...
Lumuhod sila Ling Yun at Ling Yun sa harapan ni Nameless Nie sa malayo bago sila umakyat ng helicopter.
Sa isang saglit, pataas ng pataas ang helicopter hanggang sa maging maliit na dot na lamang ito at mawala na sa kanilang mga paningin...
Matagal na tinitigan ni Ye Wan Wan ang langit na walang laman at matagal siyang hindi nagsalita...
Bumuntong hininga ng matagal si Nameless Nie. "Sister Famous Ye, maraming salamat sayo!"
Bumalik na sa realidad si Ye Wan Wan at tiningnan niya si Nameless Nie. "Hindi pa ba kayo aalis?"
Sumagot si Nameless Nie, "May mga bagay pa kami na kailangang asikasuhin dito. Aalis kami sa susunod na mga araw."
Tumango si Ye Wan Wan. "Tapos…"
"Tapos… aalis na din kami ngayon!" Namaalam sa kanya si Nameless Nie.
Deboto: "Huh… aalis na tayo ngayon? Hindi pa tayo kumakain…"
Spray of Flowers: "Iyon lang ang inaalala mo?! Mapalad na nga tayo dahil nakaalis tayo ng buhay!"