webnovel

Masamang kaibigan

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Pfff--" nadura ni Fei Yang ang tubig na iniinom niya. "Anong sinasabi mo?"

Gulat na tinignan ni Luo Chen si Han Xian Yu.

Pati si Ye Wan Wan ay nagulat din.

Kung ang paksa ng tsismis na ito ay si "Gong Xu", maiintindihan niya tutal normal na ito.

Pero, si Han Xian Yu?

Bagong relasyon ni Han Xian Yu, nalantad?

Kung magkakaroon siya ng listahan ng mga artista na may malinis na rekord sa entertainment industry, paniguradong isa si Han Xian Yu doon.

Mayroon lang siyang isang kasintahan mula nang inumpisahan niya ang kanyang career at nag-atubili. Naghiwalay sila dahil sa niloko siya ng babae at pinagpalit para sa mayamang negosyante.

Gayunpaman, walang sinabing negatibo si Han Xian Yu sa babae sa publiko.

Ang babae mismo ang sabi ng bagay na nakakasira matapos ang eskandalo ni Han Xian Yu para makakuha ng kasikatan. Kinumbinsi niya ang publiko na pedophile si Han Xian Yu at halos nagdulot ito sa kamatayan ni Han Xian Yu...

Mula noon, wala nang mga balita tungkol sa pag-ibig ni Han Xian Yu at nilayo din ang sarili sa mga tsismis.

Sinong babaeng artista naman ang nagawang madawit sa tsimis kasama si Han Xian Yu.

Sa naisip, naging interesado si Ye Wan Wan at agad na pinindot ang entertainment na artikulong pinasa ni Gong Xu sa group chat.

Gayunpaman, nakita ni Ye Wan Wan ang isang malinaw na litrato ng likod ng lalaki at babae sa ilalim ng headlines sa unang pahina.

Si Han Xian Yu ang lalaki at ang babae ay… ay siya?!

Halos mahirininan si Ye Wan Wan sa sarili niyang laway.

Sh*t! Hindi ba ito 'yung araw na nakasalubong niya si Han Xian Yu sa shopping center?

Paano may nakakuha ng litrato nila nang hindi nila nalalaman?

Patuloy na tinignan ni Ye Wan Wan ang artikulo. Buti na lang, hindi nakuha ng photographer ang harap nila at nakuha lang ang likod nila at ilang profile shots.

Mabilis niyang binasa ang nilalaman ng artikulo. Galing sa isang tagahanga ni Han Xian Yu ang litrato. Nakilala ng tagahanga si Han Xian Yu base sa kanyang likod at sa damit na suot, kaya kinuha niya ang litratong ito nang makita niya na may kasama si Han Xian Yu na babae.

Inakusahan siya ni Gong Xu: "Brother Xian Yu, ang sama mong kaibigan! Paano mo kami nalinlang matapos na makapasok ka sa isang relasyon?!"

Hinilot ni Han Xian Yu ang anyang sentido at sumulyap kay Ye Wan Wan, nababalot ng kahiyaan ang kanyang mukha.

Hindi niya inaasahan na may kukuha ng litrato sa kanilang dalawa noong araw na iyon.

Isang malaking pagkakamali ito...

"Brother Xian Yu, sabihin mo sa akin ang totoo! Sino ang babaeng iyon? Si Liu Yinyin? Fue Xue? Chen Xiaochu? Baka si… p*ta! Si Qiao Ke Xin ba?"

Kumibot ang mga labi ni Han Xian Yu. "..."

Sabihin sa kanya ang totoo?

Masasabi ko ba na ang babae sa litrato ay ang mabuti kong kapatid, na si Ye Bai, na kasama nating nakaupo ngayon?

Sumasakit ang ulo ni Ye Wan Wan. Inisip niya ang bawat posibilidad pero hindi niya inasahan na siya mismo ang naghukay sa sariling hukay niya doon.

Wala din sigurong kwenta kung malulumpo ang mga tuhod ko mula sa pagluhod sa kulahan...

Tinignan ni Han Xian Yu ang masigla na s Gong Xu. "Huwag kayong masyadong manghula. Hindi ito tulad ng iniisip mo."

Nagliwanag ang mga mata ni Gong Xu, "Eh ano pala? Ano pala, ano pala, ano pala? Sabihin mo!"

Mapanglaw ang itsura ni Fei Yang. "Paano tayo tutgon?"

Ayaw sabihin ni Han Xian Yu kung sino ang babae at kung ano ang relasyon nilang dalawa, kaya siya ay natataranta din!

"Brother Yang, maaari ba na wala ka din alam tungkol dito?" nang marinig iyon ni Gong Xu, mas lalo siyang namangha. Pati di Luo Chen ay nagpahayag din ng kanyang pagkausosyo, sa madalang na panahon.

Sa abilidad ni Fei Yan, kung alam niya kung sino ang babae at ang relasyon nito kay Han Xian Yu, mabilis siyang gagawa ng pinaka-angkop na tugon doon. Gayunpaman, nag-aalinlangan si Fei Yan, ibig sabihin ay wala siyang alam sa artikulo.

Chương tiếp theo