Humarap si Chu Hong Guang kay Cai Yong Sheng at galit na galit siya. "Yong Sheng, manghingi ka ng tawad kay Xian Yu!"
Sumabog na si Cai Yong Sheng, "Bakit ako manghihingi ng tawad sa kanya? Siya ang nakakaawang aktor hindi ba? Manghihingi ako ng tawad sa kanya? Sino ba siya? Siya dapat ang nanghihingi ng tawad sa akin!"
Nasira na ang kanyang imahe nitong mga nakaraang araw at imposible nang manghingi siya ng tawad sa isang entertainer sa harap ng publiko.
Si Han Xian Yu ay katulad ni Ye Bai at nang iba pa. Iba ang trato sa kanya ng mga tao dahil isa siyang pillar ng Worldwide - lahat ng resources ng Worldwide ay binibigay sa kanya, kaya bakit naman siya aalis para kay Ye Bai lamang…
Sa katotohanan, masyadong mababa ang tingin ni Cai Yong Sheng kay Han Xian Yu. Sa talento niya, hindi na siya umaasa sa kumpanya at ang kumpanya na ang umaasa sa kanya.
Naiintindihan ito ni Chu Hong Guang kaya hinampas niya ang lamesa. "CAI Yong Sheng! Manahimik ka na! Gusto kong manghingi ka ng tawad, naririnig mo ba ako?"
Ayaw nang tingnan ni Han Xian Yu si Cai Yong Sheng na nakaupo sa main seat, at bigla siyang nagsalita ng walang pakirandam, "Chairman Chu, hindi mo na kailangang gawin iyon. Kung wala nang kailangang pag-usapan, pakihanda na lang ang lawyer para hawakan na niya ang contract terminations para sa akin a kay Ye-ge."
Pagkatapos magsalita ni Han Xian Yu, nag-bow siya kay Chu Hong Guang at ito na ang pamamaalam niya sa unang kumapanyang pinagtrabahuan niya.
Umalis kaagad siya ng wala nang ibang sinasabi.
Sa likod niya, tiningnan ni Fei Yang ang papaalis na si Han Xian Yu at may sasabihin pa sana siya, ngunit sa huli, hindi niya na lang ito sinabi.
"Han Xian Yu! Ikaw…"
Bago pa matapos ang sinasabi ni Cai Yong Sheng, biglang umentra sa kanya si Fei Yang, "Director Cai, sinabihan ka na kita na huwag mong gagamitin ang parehas na trick na ginamit mo kay Ye Bai. Mabuting tao si Ye Bai, kaya hindi siya naghiganti at hindi niya pinakita sa publiko ang iskandalo mo. Pero hindi ako katulad niya…"
Huminto ng saglit si Fei Yang at winagayway niya ang kanyang phone, "Oo nga pala, ni-record ko ang lahat ng sinabi mo kanina."
Masyadong mababaw kung gustong gumawa ni Cai Yong Sheng ng artikulo tungkol sa pag-alis ni Han Xian Yu...
Kailangan niyang siguraduhin na makakaalis siya ng malinis kapag umalis na siya. Ayaw niyang makakuha ng kahit ano sa kanya si Cai Yong Sheng na magagamit nito upang sirain siya. Kaya nang mapansin niya na ang mga bagay ay nagkakagulo na, nag-record kaagad siya na may pagpapaalala ni Han Xian Yu na huwag itong lalaban.
Ito nga naman ang trick na kadalasang ginagamit ni Cai Yong Sheng!
Sa totoo lang, dapat matagal nang umalis si Han Xian Yu, lalo na sa estado niya ngayon. Maraming artistang katulad niya ang umalis na sa kanilang mga kumpanya at nagsimula sila ng sarili nilang mga studio.
Tinutulungan nang maghanda at magplano ni Fei Yang si Han Xian Yu, at ilang beses na nila itong pinagusapan noon, ngunit hindi pa nakakapagdesisyon si Han Xian Yu at hindi na rin sigurado si Fei Yang kung ano pang hinihintay ni Han Xian Yu.
Hindi niya inasahan na aalis na lamang kaagad si Han Xian Yu ng kumpanya...
Biglang napaisip si Fei Yang… Hindi kaya, hinihintay na niya na dumating ang araw na ito noon pa lamang?
…
Nagulat si Cai Yong Sheng nang makita niyang umalis si Han Xian Yu at Fei Yang. Namuo ang malamig na pawis sa noo niya at hindi siya makapaniwala sa nakita niya...
Tinitigan ng mga shareholders at managers si Cai Yong Sheng na parang mangmang ang nakikita nila, dahil sa sitwasyon nila ngayon.
Naisip ni Cau Yong Sheng na dahil siya ang pamangkin ni Chairman Chu, pwede na niyang pamunuan ang Worldwide?
Okay lang sana kahit na pinagmayabang niya ang kanyang kapangyarihan sa Dazzling na isang maliit na pangkat lamang, ngunit hindi niya man lang napigilan ang pag-uugali na ito sa Worldwide HQ!
Marami sa mga top management ang naiinis kay Cai Yong Sheng na isang bobo. Sa oras na ito, umaasa silang matunghayan nila ang isang magandang palabas.
Hindi na siya kayang protektahan ni Chu Hong Guang dahil sa nagawa niyang kaguluhan.
Naubos na ang pasensya ni Chu Hong Guang sa kanya, kaya sinabi nito, "Ikaw… kunin mo na sa finance department ang salary at bumalik ka na sa mama mo!"
Nag-panic si Cai Yong Sheng. "A-ano… tito! Bakit mo gagawin ito sa akin?!"