webnovel

Hindi naman kinakailangan

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Chief editor Chai, sandali!" ang tumawag ay ang reyna ng pelikula, si You Si Fei.

"Miss You, may problema ba?" pagtigil ni Chai Yong Li sa kanyang lakad.

Bulong ni You Si Fei, "Rinig ko na kinakalat ni chief editor Chai sa lahat na… iniwan kita at lumabag sa kontrata?"

Sumimangot si Chai Yong Li at hindi sumagot. Ayaw niyang makipagtalo sa isang artista sa publiko.

Malamig na sabi ni Xiao Yu Tong, "Pero Miss You, ginawa mo nga, lumabag ka sa kontrata, hindi natutuwa ang VIVI sa mga pagkalat ng tsismis sa likod ng mga tao, hindi namin makokontrol ang mga iniisip ng mga tao sa 'yo."

Nanuya ang manager ni You Si Fei, "Xiao Yu Tong, alam ng lahat ang lagay ng VIVI ngayon. Handa ang Si Fei namin na mapunta sa cover dahil pinapahalagahan niya ang mga relasyon at ginawa niya iyon para sa dating kaibigan, pero talagang pinagpintasan niyo ang mga litrato ng Si Fei namin…"

Nangasim ang mga mukha ni Xiao Yu Tong at Chai Yong Li.

Pumayag talaga si You Si Fei na mapunta sa cover sa issue, pero para bang nagbibigay ng pera sa mga pulubi ang uglai niya. Matitiis nila ito, pero hindi nila matitiis ang hindi niya pagiging propesyonal.

Hindi lang siya huli at pinag-aantay ang mga crew, pero umaalis siya matapos mag-shooting ng limang minuto at sa huli, hindi magagamit ang mga resulta nito.

Tinanong lang nila na gawin ulit nila ito sa ibang araw, pero direktang tinapos ni You Si Fei ang kontrata at ayaw nang gawin ulit ang shoot...

Nagpatuloy ang manager You Si Fei, "Tutal ayaw niyo ang mukhang binigay namin sa inyo, 'wag niyo kaming sisihin sa pagiging walang puso. Chief editor Chai, pakiusap, pigilan mo ang mga crew member mo sa pagiging walang hiya at sa panggugulo sa akin lagi, pinupina ako ng mga ganyang basura! Pinapasama ang aming Si Fei!"

Nagsalita ang babale at naghagis ng mga dokumento sa mukha ni Chai Yong Li.

Ang mga plano ng shooting ni Chai Yong Li na hinanda niya ng ilang buwan ay nakakalat sa sahig...

Sa sandaling ito, madaming mga tao ang naglalabas pasok sa pinto at napalibot na ang mga artista, pinapanood ang palabas.

"Tsk, hindi talaga alam kumilos nitong si Chai Yong Li. Talagang ginalit niya ang reyna ng relikula!"

"Kasalanan niya sa pagtakwil sa mukhang ibinigay sa kanya; binababa ng Movie Queen You ang pamantayan niya para pumayag sa cover nila."

"Tingin niya pa din na siya ang ninong ng fashion industry? Palala ng palala ang panlasa niya at alam mo ba kung anong klaseng artista ang tinitignan niya ngayon? Ngayon, pinagsama niya ang dalawang lalaki sa cover - kalokohan…"

Tinignan ni Xiao Yu Tong ang mga dokumento na tinatapakan ng mga taong dumadaan at namula ang kanyang mga mata sa galit. "MGA G*GONG 'TO!"

Yumuko si Ye Wan Wan at isa-isang pinulot ang mga papel na may mga bakas ng paa, at inabot.

Mapasalamat na sabi ni Xiao Yu tong, "Salamat…"

Namutla ang mukha ni Chai Yong Li. "Yu Tong, hayaan mo na… tama sila… siguro… hindi na ako nararapat sa industriyang ito… kailangan mo ng maghanap ng ibang landas sa lalong madaling panahon; nahihirapan ka na sa pagdikit pa sa akin…"

Sa mga nagdaang taon, halos lahat ng dating trabahador ng VIVI ay nadagit ng Beauty.

Kinuyom ni Xiao Yu Tong ang kanyang mga kamao. "Chief editor, anong kalokohang pinagsasabi mo?! Hindi ko iiwan ang VIVI…"

Mula sa publisidad ng magasin, kasama niyang nagtrabaho si Chai Yong Lu at lagi niyang nirerespeto ang polisopiya nito sa fashion at etniko pangtrabaho.

Nadismaya si Xiao Yu Tong at pagod na bumulong, "Sayang lang na hindi na lugar ang entertainment industry kung saan pwede mong patunayan ang sarili mo hangga't kaya mo…"

Lumingon si Ye Wan Wan kay Xiao Yu Tong at bumulong, "Hindi naman kinakailangan."

Kung kalaban mo ang mundo, kailangan mong maging malakas na wala nang makakaharang sa daan mo, kahit pa ang buong daigdig…

Chương tiếp theo