Hindi nila tinanong ang opinyon ni Luo Chen at bigla na lamang nilang pinalitan ang script.
Mahigpit na sinara ni Luo Chen ang kanyang mga kamao.
Ordinaryo lamang na magtrabaho sa entertainment industry na may ganitong klase ng mga insidente at mas malala pa nga ang na-engkwentro niya...
Gayunpaman, kahit pagkatapos ng kanyang debut, siya ay protektodo ni Ye-ge at hindi siya papayagan ni Ye-ge na gawin ang mga bagay na ito. Ang ipapagawa lamang sa kanya ay galingan niya ang pag-arte niya at magtrabaho siya ng maigi...
Tiningnan ni Cai Yong Sheng si Gong Xu. "Oo nga pala, Gong Xu, huwag mong kalimutan na bugbugin si Luo Chen pagkatapos niyang halikan si Lucy! Gawin mong makatotoo, ha? Malamang, magaling ka sa ganoon, 'di ba? Hahahaha…"
Mahigpit na nakasara ang mga kamao ni Gong Xu kaya naririnig na tunog ng kanyang mga buto at ang mga mata niya ay kulay pula...
Pumalakpak ang direktor. "Sige, sige, pumunta na kayong lahat sa pwesto niyo at maghanda na kayo!"
Natapos ang mga laro tulad ng nasa script at habang nangyayari ito, nilalandi ni Lucy Yang si Luo Chen. Hindi na kayang magtimpi ni Gong Xu habang nanonood siya, ngunit kalmado pa rin si Luo Chen at hindi siya sumabog dahil sa galit.
Pagkatapos ng laro, nag-anunsyo na ang host ng palaruan, "Wow! Ang galing! Congratulations kay Luo Chen at kay Lucy dahil sila ang nakakuha ng first place! Reregaluhan kaya ng yakap ni Diyosang Lucy si Luo Chen?"
Mahiyain na sinabi ni Lucy Yang, "Salamat sa pag-aalaga sa akin habang nagaganap ang laro, Luo Chen. Sobrang saya ko dahil tayo ang nakakuha ng first place! Luo Chen, salamat!"
Pagkatapos niyang magsalita, lumapit si Lucy Yang kay Luo Chen. Parang alam na ni Lucy Yang na magiging mataas ang viewership ng show, pagkatapos nito mapalabas...
Nakatayo sa iisang pwesto si Luo Chen. Nanigas ang kanyang likod habang nababagot si Gong Xu at balisang-balisa si Ye Mu Fan.
Masisira ang persona sa publiko nila Luo Chen at Gong Xu kung susunod sila sa script ng direktor. Magiging totoo ang tsismis na mag-kaaway silang dalawa. At tsaka, magpapaalam na rin si Luo Chen si kanyang imahe na "good boy"...
Mahiyain na nilapitan ni Lucy Yang si Luo Chen at kumiling siya sa mukha ni Luo Chen...
"Putek…" nagkakagulo na si Ye Mu Fan.
Inunat ni Lucy Yang ang kanyang braso upang yakapin si Luo Chen at kinuha niya ang tsansa na ito upang lapitan ang labi ni Luo Chen.
Papalapit na ang labi ni Lucy Yang kay Luo Chen, nang biglang may "swish" at may malakas na humila sa katawan ni Luo Chen—
Naramdaman ni Luo Chen ang malakas na pwersa na humihila sa kanya, para bang sinapak siya ng malakas. Pagkatapos nito, may pamilyar na awra ang nagpakalma sa damdamin niya...
Tumalikod si Luo Chen at hindi siya makapaniwala nang makita niya ang taong humila sa kanya, biglang lumiit ang kanyang mga mata. "Ye… Ye-ge…"
Nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng vintage design sky green colored suit na may pinagrabe pero katangi-tangi na Chinese embroidery sa mga gilid. Makikita ang snow-white top sa kanyang mga manggas at makikita dito ang manipis niyang nga daliri na translucent tulad ng jade. Bumukas ang kanyang bibig at galit siyang tumingin nang patagilid habang ang itsura niya ay walang pakialam at manhid...
Kung nasa makalumang panahon sila, elegante, tanyag at isang hindi mapipigilan na aristokrata ang lalaking nasa harap niya...
Hindi nila alam kung kailan biglang sumulpot si Ye-ge at hinila niya si Luo Chen bago pa siya mahawakan ni Lucy Yang.
"Bumalik ka na pala, Ye-ge!!!" Sabik na sumigaw si Gong Xu.
Natauhan na ang lahat ng tao nang marinig nila ang malakas na boses ni Gong Xu.
Nag-iba ang itsura ni Cai Yong Sheng nang makita niya na biglang sumulpot at umentra si Ye Wan Wan sa shooting. "Ano sa tingin mo ang pinagagawa mo Ye-Bai?"
Ngumiti si Ye Wan Wan at ang boses niya ay parang simoy ng hangin sa bulubundukin nang sinabi niya, "Wala naman, kukunin at ilalayo ko lang ang mga tauhan ko."