webnovel

Kailan ko pa siya inakit?

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sinipa ko 'yung pinto papasok, okay!

Pero kalamado at mahinahon pa din siya - hindi niya ba alam na nagagalit ako?

"Hindi ba mamaya ka pa dadating?" tanong ni Si Ye Han.

Lumapit si Ye Wan Wan kay Si Ye Han at hinampas ang mesa. "Ano? Nadismaya ka ba na maaga ako bumalik at sinira ko ang gabi mo, huh?"

Nalilito si Si Ye Han. "Ano?"

Nagalit si Ye Wan Wan, "'Wag ka ng magpanggap pa! 'Yung babae - 'yung nag-alok sa 'yo ng regalo? Gabi na. Mukhang naging maganda ang pakikipag-usap mo sa kanya, 'no?"

Kumulimlim ang mga mata ni Si Ye Han. "Babae?"

Nang makita ni Ye Wan Wan na nagkukunwari pa din si Si Ye Han, halos sumabog na siya. "Tama - 'yung sekretarya! Mula sa pananamit niya hanggang sa make up at hairstyle niya, halos magkamukha na kami. Pati 'yung mga kilos niya! Halata namang ginagaya niya ako! 'Wag mo sabihing hindi mo masabi na may nagdala sa babaeng 'yan bilang reaglo para sa 'yo!"

Diretsong sumagot si Si Ye Han, "Hindi."

Muntik ng mahirinan sa galit si Ye Wan Wan at hinampas muli ang lamesa. "SINUNGALING! Sobrang mahiyain niyang magsalita. Paano naman 'yung mga malalanding niyang tingin sa 'yo? Paano mo hindi alam na inaakit ka niya?"

Mga ilang segundo nang tinitigan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan.

Galit na galit ang babae - namumula ang kanyang mga pisngi at para bang may pugon na nasusunog sa kanyang mga mata. Maliwanag at emosyonal ang kanyang mga tingin at nayanig si Si Ye Han sa kanyang ganda...

At ang nakapagpakutob ng kanyang puso ay...

Nagagalit… siya dito?

Sa mga galit na tingin ni Ye Wan Wan, dahan-dahang hinawakan ni Si Ye Han ang kanyang batok at hinalikan sa kanyang labi...

Napakurap at nablangko si Ye Wan Wan nang bigla siyang nahalikan. Galit niyang itinulak si Si Ye Han pero nabigo at nakakulong pa din sa mga yakap niya.

Hoy, galit ako, 'di ba?! Pwede bang maging seryoso ka?!

Nandilim ang mga mata ni Si Ye Han at hinalikan siyang muli sa kanyang mapupulang labi at sabi habang nakalapat pa ang mga labi nito sa kanya: "Inakit mo ako."

Sa sandaling naramdaman si Si Ye Han ang mga labi ng babae, para bang nakahanap siya ng lugar kung saan nararapat siya at napayapa siya matapos ang mga araw na nanabik siya dito...

Ye Wan Wan: "…!"

Ano?

Kailan ko siya inakit?

Paano ba gumagana ang utak ng lalaking ito, huh?

Nag-counter-attack siya!

Ilang araw niyang hindi ito nakita. Para bang nawala ang kanyang pagiging malamig at pagkawalang bahala, mas naging matindi ang mga halik nito na para bang isang bola ng apoy para pagurin siya.

Halos mabighani na si Ye Wan Wan sa kagwapuhan nito. Nagising na din ang diwa niya at dumeretso ng tayo bago magpatuloy na magreklamo, "'Wag mo 'kong bigyan ng honey trap na 'yan! Pumunta ako sa isang work trip at nagtrabaho ng maigi, 'tas ikaw niloko mo ako! Paano mo ako nahaharap ng ganito?!"

"Hindi ko napansin 'yung suot niya, kung paano 'yung kilos niya o kung anong itsura niya," sabi ni Si Ye Han.

Gustong sabihin ni Ye Wan Wan na "Bulag ka ba?" pero nagpatuloy si Si Ye Han matapos tumigil saglit. "Iniisip kita."

Ye Wan Wan: "…"

Wah! Saan galit ang mga malalambing na atake na ito...

Medyo bullsh*t ang dahilan na ito, pero base sa EQ ni Si Ye Han, baka totoo nga, eh?

Nagsumikap ang taong nagpadala ng sekretarya na makahanap ng taong tulad nito, pero sa huli, walang pakielam si Si Ye Han sa itsura niya?

Matapos na mapag-isipan itong maigi, naisip ni Ye Wan Wan na kapani-paniwala ito.

"Sige, maniniwala ako sa 'yo ngayon lang…" marahang umubo si Ye Wan Wan at mahigpit niya itong binabalaan, "Kung magtatangka kang maghanap ng ibang babae sa likod ko, babalik ako ng may anak sa labas!"

Chương tiếp theo