webnovel

Lalo kang yayaman o lalo kang hihirap

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tumango si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon, "Miss Ye, huwag mo nang alalahanin 'yon. Dadalhin ko dito ang pinakamagaling na gemcutter sa store ko, para sayo."

Dahil doon, umalis ng Hui Cui Workshop si Wan He Yun.

Sa oras na iyon, nagdaldalan ang mga tao na nakapalibot sa buong store. Parang nauntog ng malakas ang babaeng ito na nanggaling sa Si family!

Mamahalin man ang mga magagandang produkto na nanggaling sa Hui Cui Workshop, ito pa rin ang may bukas na bintana.

Ang sinasabing 'bukas na bintana' ay ang pinunasan na maliit na parte sa bato kaya nagsisilbi itong bukas na bintana para makita ang nasa loob, tinitingnan ng mga customers ang kulay at mga detalye na nasa looban ng bato.

Malaking pusta ang mga produkto na nanggaling kay Wan He Yun - hindi sumailalim sa treatment ang mga bato na ito kaya mahirap makita kung ano ang nilalaman nito.

Isa sa mga bato ang mataas ang panganib at isa rin itong mahirap na pamato sa pusta habang ang isa ang may bukas na bintana at mas mababa ang pligro na maidudulot nito. Walang nakakaalam kung saan nakuha ng babaeng ito ang kumpyansa niya na umaabot sa punto na matatalo niya ang mga bato ng Hui Cui Workshop na may bukas na bintana.

Habang naghihintay si Ye Wan Wan, biniyak na ni Huang Shi Xin ang unang bato na binili niya kanina.

"Boss Huang, nakabukas na!"

Unang bato pa lamang ito, pero magandang balita na kaagad ang inihatid nito.

"Congratulations, Boss Huang! Berdeng-berde na icy-jade - ang pagka-berde nito ay ang magandang uri na may transparency. Hindi rin ito ganoon ka-liit - pwede kang makagawa ng halos sampung bracelets at ang matitira ay magagawa mong mga dekorasyon! Kumita ka na!"

Biniyak na ng gemcutter ang unang bato at nakakuha sila ng disenteng piraso ng jade sa loob nito.

Natuwa si Huang Shi Xin nang makita niya ito. Tuwang tuwa rin si Hou Maofeng at humahanga rin ang mga tao na nakapalibot sa kanila.

"Ang Hui Cui Workshop at tunay nga na Hui Cui Workshop - ito ang store na mataas ang posibilidad na makakuha ka ng berdeng jade ng H city!"

"Tama, ipinagmamayabang at karangalan ng city H ang Hui Cui workshop!"

"Tsk tsk, mabilis na umangat ng sampung beses ang pera niya ng ganoon kadali! Kaya pala sinabi ng mga sumusugal ng mga bato: 'Pwedeng lalong maging mayaman at lalong maging mahirap ang mga sumusugal sa bato…"

"Gusto kong makita ang lalabas na materyales na makukuha ng Si family sa kanilang mga bato!"

Naging excited at nagusap-usap ang mga tao nang makita nila na may lumabas na disenteng jade sa Hui Cui Workshop.

Sa oras na iyon, mabilis na dinala ni Wan He Yin sa Hui Cui Workshop, ang pinakamagaling na gemcutter sa kanyang store.

Nagmadali silamg dalawa at ponanood nila ang magaling na pagbubunyang ng bato na binili sa Huang Shi Xin.

Nalungkot si Wan He Yun at nag-aalala siya nang tiningnan niya si Ye Wan Wan.

60 taong gulang na ang gemcutter na dinala ni Wan He Yun. Matagal na siyang hindi nakakapaghiwa ng mga bato dahil nalulugi na ang store. Mas excited pa siya sa lahat nang malaman niya na may transaksyon ang boss niya.

Pangarap ng kahit sinong gemcutter ang makapagbukas ng bato na may nilalaman na magandang jade.

"Hello, Miss Ye, ako po ang gemcutter na si Wang Hu." Tiningnan ng matandang lalaki si Ye Wan Wan at ngumiti siya.

"Hello, Master Wang, pasensya na at inabala pa kita ng ganitong oras." Tumango si Ye Wan Wan.

"Ano, Miss Ye? Simulan na natin? Hindi na makapaghintay ang lahat kung ano ang nakakabighaning materyal ang nasa loob ng mataas na kalidad na mga bato mo!" Inasar siya ni Hou Maofeng.

"Oo naman. Andito na ang gemcutter," sabi ni Ye Wan Wan.

"Magsimula na ba tayo, Miss Ye?" tinanong ng gemcutter ng Glittering Jewels ang instruksyon ni Ye Wan Wan.

"Sige, simulan na natin," sumagot si Ye Wan Wan.

Sinimulan na ng gemcutter ang trabaho niya.

Nakatuon ang mga mata nila Xue Li, ang grupo ng mga eksperto, si Hou Maofeng at ni Huang Shi Xin sa bato na nakalagay sa kamay ni Wang Hu.

Chương tiếp theo