Dumaan ang mata ni Huang Shi Xin sa tumpok ng mga bato ang nairita siya, "Binili ko na ang mga magagandang produkto ni boss Hou; hindi na kita kailangan. Ibalik mo na ang mga produkto mo - huwag lang mangialam sa pagbubukas ng mga bato na ito."
Biglang humarap si Huang Shi Xin kay Hou Maofeng at nagpaliwanag siya, "Huwag kang mainis sa kanya, boss Hou. Gusto mong ibenta noon sa Si family ang mga produktong ito, tama? Hindi ko mabili ang mga produkto mo kaya nagkataon lang na mas mababa ang mga produkto sa tindahan ni Wan He Yun; kaya naisip ko na tanggapin ang alok nila!"
Alam na agad ni Wan He Yun ang nangyayari nang marinig niya ang sinabi nito - Si Huang Shi Xin mismo ang nang-alok ng mga presyo at siya din mismo ang nagpahatid nito sa kanya. Ngunit ngayon, gusto niyang umurong sa kasunduan nila dahil nabili na niya ang mga produkto ni Hou Maofeng.
Umiling si Hou Maofeng at kinausap niya si Huang Shi Xin, "Huwag kang magalit, boss Huang, pero bakit ka tatanggap ng mga basurang produkto?"
Bumuntong hininga si Huang Shi Xin. "Ay, mababa kasi ang presyo ng produkto niya at magkaibigan kasi kami noon pa man. Nagmamakaawa siya sa akin na bilhin ko ang mga ito, kaya naawa ako at naisipan kong gawin na lang siyang charity!"
Natawa si Hou Maofeng. "Hindi mo pwedeng sabihin yan, boss Huang - alam naman ng lahat na halos tatlong taon nang walang nilalabas na disenteng mga diyamante ang Glittering Jewels Pavilion. Alam mo naman siguro na malas ang mga produkto mo, pero tinatanggap mo pa rin ang mga basura na ito. Natatakot ka ba na baka ang kamalasan ang dahilan kung bakit nauubos ang yaman mo, huh?"
Biglang nagbulungan ang ilang mga businessmen at turista nang marinig nila ang sinabi ni Hou Maofeng.
"Sino ang lalaking ito? Sinabi ni Boss Hou na malas ang mga produkto sa store ng lalaking ito? Anong pinaparating niya?"
"Hindi mo siya kilala? Siya si Wan He Yun, ang may-ari ng Glittering Jewels Pavilion. Kilala noon at sikay ang Glittering Jewels Pavilion sa city H. Parehas ito ng kalidad ng Hui Cui Workshop, pero sayang sila, malas kasi si Wan He Yun. Tatlong taon na silang walang nagagawang disenteng kapiraso ng jade kaya wala nang pumupunta sa store niya para bumili ng mga bato…"
"Tama. Alam naman ng lahat na walang nailabas na magandang jade ang Glittering Jewels Pavilion ng tatlong talm na. Mga malas sila, matatalo ang sino man na pupusta sa kanila! Charity lang talaga ang ginagawa ni Boss Huang!"
Walang bibisita sa isang precious stone trade store kapag hindi ito nakapagbenta ng tunay na jade ng matagal na panahon.
Maliban pa doon, magiging sikat at dudumugin ng maraming mga mamimili ang store na biglang swerteng nakakuha ng top-quality jade. Gusto ng lahat na makakuha ng pera kapag sinwerte sila.
Ang isang tindahan na tulad ng Glittering Jewels Pavilion na hindi nakakagawa ng magandang mga jade ay mawawalan ng customers kahit na subukan nilang gumawa ng parehas na kalidad ng materyales sa ibang mga tindahan dahil ayaw ng mga tao na malasin sila.
Biglang kumislap ang mga mata ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang buong usapan.
Glittering Jewels Pavilion… Wan He Yun?
Naging maputla ang ang mukha ni Wan He Yun habang pinapakinggan niya ang mga masasamang komento ng mga tao.
Sinasabi man ni Huang Shi Xin na charity ang ginagawa niya pero sa totoo lang, binenta niya ang mga produktong ito dahil nalugi siya - 70% lang ng orihinal na presyo ang hiningi niya kay Huang Shi Xin. Nakamura si Huang Shi Xin sa mga produktong ito. Hindi niya naman ito magugustuhan kung hindi mura.
Para kay Hou Maofeng, matagal nang magkalaban ang dalawang ito. Ibinulgar niya si Hou Maofeng dahil nagbebenta ito ng mga peke. Simula noon, gusto nang maghiganti sa kanya ni Hou Maofeng.
Ilang taon nang sinusubukan ni Hou Maofeng na sirain ang business niya. Kasama na rin ang dahilan na malas siya at wala siyang nailabas na disenteng jade sa store niya, kaya unti-unting nasira ang kanyang business.
Ngayon, malulugi at magsasara na Glittering Jewels Pavilion kaya nahihirapan na silang isalba ang business nila...
Ngumisi si Hou Maofeng, "Hindi ka talaga sumunod sa konsensya mo, Wan He Yun at binenta mo talaga ang mga walang kwentang bato mo kay boss Huang - wala ka bang professional ethics?"
Alam ni Huang Shi Xin na magkaaway sila Hou Maofeng at Wan He Yun. Okay lang na bigyan ng pabor ni Huang Shi Xin si Hou Maofeng dahil nakabili siya ng magagandang produkto na nanggaling sa store nito.