webnovel

Ako ang may lihim na motibo

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tumawa si Lian Wan Jun at tinagi ang kanyang ulp. Puno ng kasiyahan ang kanyang mata nang tignan niya ang kanyang mga anak.

Magkasamang nakaupo at nagbibiruan bilang isang pamilya na parang ito ang hindi niya lubusang maisip noon.

Tila may naalala si Liang Wan Jun nang bahagyang nandilim ang kanyang mukha at nag-aalangang sinabi, "Oh oo nga pala, Shao Ting, tumawag ang mama kahapon at tinanong … na pumunta sa dating bahay sila Mu Fan at Wan Wan kapag sila ay libre…"

Matapos marinig ang sinabi ni Liang Wan Jun, nanlamig ang mukha ni Ye Mu Fan. "Para saan?! Hindi ako pupunta!"

Malinaw na tumingin si Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan at sinabi, "Kamakailan lamang medyo abala si Mu Fan; baka wala siyang oras para pumunta. Siguro sa susunod na buwan. Ge, alalahanin mong bigyan ng regalo si lolo at lola nitong mga susunod na araw - pumili ka ng maganda."

Kaagad na ang palit ng kanyang tono si Ye Mu Fan. "Oh, Sige!"

Hindi napigilang tumawa ni Liang Wan Jun - nagrereklamo si Ye Mu Fan na nakikinig lang ang kanyang ama kay Wan Wan pero ginagawa din niya.

Kahit na hindi mababago ang opinyon ng dalawang matanda kay Wan Wan, hindi pa din niya gustong madamay si Wan Wan at Mu Fan.

Sa katangian ni Mu Fan, madali lang siya samantalahin ni Ye Yiyi at ang kanyang ina...

Buti na lang, hindi mapigilang abisuhan ni Wan Wan si Mu Fan, kaya maluwag ang pakiramdam ni Liang Wan Jun.

Nang makita ang kanyang anak na nagiging maganda at mas matino, ang pakiramdam sa puso ni Liang Wan Jun ay matamis pa kaysa sa honey at nag-aalala niyang tinanong, "Wan Wan, kamusta kayo ni Ah-Jiu?"

Upang tiyakin muli sa kanyang magulang, paulit-ulit na tumango si Ye Wan Wan. "En en, maayos kami! Padating na ang holiday at nag hahanda para maglibot~"

Nang marinig 'yon ni Mu Fan, kagaad na kinabahan ang itsura niya. "Kayo lang dalawa? Hindi maaari! Sasama din ako!"

"No!" direktang tinanggihan siya ni Ye Wan Wan.

Naging matigas ang mukha ni Ye Mu Fan. "Wan Wan, masyado ka pang bata, para maglakbay ng kayo lang dalawa. May lihim na motibo ang lalaking 'yan!"

Mukhang hindi sumasang-ayon si Ye Wan Wan sa kanya. "Oo, syempre siguro may lihim na matibo, pero ako ang mayroong lihim na motibo, kaya hindi ka maaarinh sumama!"

Ye Mu Fan: "…"

Ugh! Binabaliw mo ako!

Sa sumunod sa araw, ang insidente sa Grand Fashion Ceremony ay naulat sa pamamagitan ng media na may kasamang langis at suka [1].

Ang media at publiko ay parehong nasa panig ni Ye Mu Fan - talentado siya, gwapo at mataas ang posisyon, kaya bakit siya mag-aabala na dumihan ang isang walang kwentang pangalan?

Dahil sa hindi niya sinubukang dumihana ng pangalan ni He Jun Cheng, ibig sabihin ito ay isang katotohanan.

Sa may opisina:

Nagbubuklat sa sangkaterbang dokumento si Ye Wan Wan patungkol sa pagkakakilanlan ng mahalagang bato ng may kumatok sa pintuan.

"Pasok."

"Direktor Ye…"

Nang makita kung sino 'yon, medyo kuminang ang mata ni Ye Wan Wan. "Manzhu, maupo ka. May problema ba?"

Nang makatagpo ang mata ng lalaki, bahagyang namula si Shen Manzhu at nag-aalangan naka tayo doon ng matagal bago niya nahihiyang sinabi, "si… direktor… Felix… may ibinigay ba siya sayo?"

Ang mga daliri ni Ye Wan Wan ay bahagyang tumuktok sa makintab na lamesa at sinabi, "Number mo?"

Lalong namula ang mukha ni Shen Manzhu at dumaing, "buong gabi akong naghintay at walang kahit anong tawag na natanggap. Direktor Ye, sobrang hindi mo ba ako gusto…"

Medyo umubo si Ye Wan Wan at pinisil ang kanyang kilay.

Hindi pa siya nakakaranas sa pag ayaw sa babae...

Malinaw na, imposible din ito para sa kanya na magkaroon ng kahit anong karanasan sa ganun.

Madali lang ito sa lalaki - nakakapagsalita lang siya ng walang humaharang sa kanyang isipan, pero itong si Shen Manzhu ay cute at mahinhin na babae. Kapag nilagay niya ang kanyang sarili sa posisyon ng babae at naisip ito, ito ay tunay na walang awa na direktang tanggihan siya.

Chương tiếp theo