Si Li Qiao Hong, na nakaupo sa tabi ni Zhao Da Yong, ay mayroong madulas na buhok at may suot na kulay-abo na lumang bistida. Halata sa mukha ang pagkadalamhati at patuloy ang pagyuko para punasan ang kanyang mga luha, "Hindi ko talaga inaasahan na ganoong klaseng tao si Han Xian Yu. Ako pa talaga ang nagdala sa aking anak papunta sa mga kamay ng bastardong 'yon…"
Pareho sila Li Qiao Hong at Zhao Da Yong na ordinaryong tao lamang na nasa pinakababa ng lipunan; mahirap lang ang kanilang buhay, pero nangyari pa ito sa kanila. Nung una silang lumabas sa media, madaming nagbigay ng simpatya sa pinagdaanan nila at natural din, madaming tao ang pinagsumpaan si Han Xian Yu.
Sa loob ng apartment, pinanood ni Fei Yang ang mga-asawa na magpanggap na sila ay kaawa-awa. Malapit na lang ay sasabog na siya sa galit. Hindi na lubusang maisip na ni Fei Yang ang nararamdaman ni Han Xian Yu habang pinapanood pa ito.
"Xian Yu, ayos ka lang ba…" pag-alala ni Fei Yang.
Tahimik na pinagmasdan ni Han Xian Yu ang mag-asawa sa screen, at nang napansin niya ang pagiging pamilyar nito, nagbago ang kanyang itsura, "Siya 'yon..."
"Sino?" hindi maintidihan ni Fei Yang at tumingin kung nasaan nakatingin si Han Xian Yu.
At nakita niya ang isang pamilyar na tao sa press conference--isang lalaki na na nakaupo sa tabi reporter ng Mars Weekly na kamukha ni Ye Bai...
Andyan din siya?
Anong pinaplano ni Ye Bai…?
Imposibleng mapapaikot pa ang sitwasyon sa kalagayan nila ngayon na may matibay na opinyon ng publiko. Kung gusto niyang mapatunayan ang pagiging inosente ni Han Xian Yu sa ganitong okasyon, mas lalo lang lalala ang kaso ni Han Xian Yu.
Kumunot ang kilay ni Fei Yang at hindi ito mapalagay...
Sa live telecast, ang unang taong nagsalita ay ay matangkad na reporter mula sa Southeast Daily na binugbog ni Han Xian Yu, si Yan Zheng Yang.
Karamihan ng nagbabagang balita mula sa insidente ay inulat ng Southeast Daily. At sila din ang responsable sa pagpapahayag at pag-aayos ng press conference na ito.
Dahil sa naging sikat ang istorya na 'to, nakatanggap ang Southeast Daily ng pagkasikat at kapalaran sa industriya at pinuri pa sa pag-eensayo ng etika sa media.
Bago pa makapagtanong ang ibang reporter, nagbigay ng buod si Yan Zheng Yang sa mga sunod-sunod na nangyari sa insidente gamit ang isang slideshow, "Naniniwala akong kalahatan sa inyo ay nakita na ang litrato ni Han Xian Yu sa kanyang kwarto kasama ang mga batang babae at may iba pang nakita na kasama niya sa kama ang iba pang mga bata.
At dahil sa litratong ito, binugbog ako ni Han Xian Yu nang lumapit ako sa kanya para makipagpanayam. Kapag ganyan umakto ang isang artista, may rason ako para paghinalaan siya na bukod sa isyu niyang psychological, may pagkamarahas din ito…"
"Tama! Paano niya nagawang mambugbog ng isang tao?"
"Baka natamaan yung kahinaan niya, huh!"
"Hindi ko maisip kung ano klaseng pagtatrato niya sa mga bata sa lugar niya!"
Sinuportahan ng lahat ang mga sinabi ni Yan Zheng Yang, lalo na ang media-- kinamumuhian nila ang karahasan laban sa mga reporter.
Nagpatuloy si Yan Zhang Yang, "Matapos lumabas sa publiko ang insidente, ang mga masasamang balak sa likod ng kawanggawa ni Han Xian Yu ay unti-unting lumitaw, mula sa paratang ng biktima mismo, sa mga hubad na litarto at ang istoryang ibinunyag ng dating trabahador sa kanyang villa, pati na din ang dati niyang kasintahan na naglantad sa sikreto niyang adiksyon...
"Sa mga ebidensyang 'to, sinusubukan pa din ng mga tagahanga ni Han Xian Yu para malinis ang kanyang pangalan! Hirap pa din silang naghahanap ng butas sa batas! Nakakasuka ito!"
Matapos ang makatarungang pagsasalita ni Yan Zheng Yang, kinuha niya ang mikropono at itinapat sa harap ng tatay ng batang babae at sabing, "Mr. Zhao, Mrs. Zhao, naintindihan ko po ang nararamdaman niyo ngayon at ayoko ko pong maalala niyo ang masasakit na alala, pero para makuha ng kriminal ang kanyang parusa at makamit ang hustisya, sana po ay mabigay niyo ang mga detalye ng insidente at maipakita ang katotohanan sa publiko!"