Sa sofa, ang mata ni Si Ye Han ay lubhang dumilim at hindi maiinda ang pagka-seryoso sa kaniyang magandang hubog na mukha. Para siyang naglalakad na demonyo na umaaligid sa impyerno, lalong umepekto ang itsura niya dahil sa madugong gabing iyon.
Lubhang lumamig ang buong kwarto dahil sa presensya ni Si Ye Han at ang malalim na ungol ng puting tigre.
Sa oras na iyon, basang-basa ng pawis si Xu Yi dahil hindi niya inasahang darating si Ye Wan Wan at ang malala pa doon, nakita niya ang lahat ng nangyari.
Malaking kasalanan na hindi niya napansin ang presensya ni Ye Wan Wan at hinayaan lang siyang makapasok na ganoon na lamang.
Patay na talaga ako...
Nanginig ang buong katawan ni Xu Yi at ang puso niya ay nadurog na parang abo.
Gayunpaman, sa oras din na iyon nakita niya si Ye Wan Wan na lumalapit papunta kay master at narinig niyang tinanong ni Ye Wan Wan, "Nagugutom ka ba?"
Nanlaki ang mata ni Xu Yi nang makita niya ang ginawa ni Ye Wan Wan, para bang isa itong guni-guni lamang.
A… Anong sinabi niya?
Ang iisang reaksyon ni Ye Wan Wan sa sitwasyong ito ay tanungin lamang ang master kung nagugutom ba siya? At kung gusto niya ng bun.
At parang normal at masayang araw ang tono ng kanyang boses...
Hindi ba dapat sumigaw sigaw siya sa nakakatakot na sitwasyon at tumakbo palayo sa lugar na iyon?
Ang pinaghalong amoy ng dugo at ang dala ni Ye Wan Wan na meatbuns ay kasuka-suka. Parang nasa guni-guni pa rin si Xu Yi habang siya'y nagtititingin kay Ye Wan Wan at kay master na nasa sofa.
Ang mapag-isang binata na nakatayo sa gilid ni Si Ye Han ay nanliliit ang mata na para bang sinesenyasan ng babala si Ye Wan Wan.
Wala nang enerhiya si Ye Wan Wan para pansinin pa ang reaksyon ng binata; tinuon niya ang buong atensyon niya kay Si Ye Han lamang.
Nakikita ni Ye Wan Wan ang maitim na mga mata ni Si Ye Han at ang masiyasat na titig niya na parang binubutas ang laman ng kanyang kaluluwa, kaya naman naramdaman niya na manginig ang kanyang katawan sa sobrang kaba.
Pagkatapos ng nakamamatay na katahimikan, tumingin si Si Ye Han sa nakakaawang meatbun na nasa kamay ni Ye Wan Wan, "Natatakot ka ba?"
Nagulat si Ye Wan Wan, ngunit mabilis siyang nakasagot ng hindi nagdadalawang isip, "Hindi."
Ramdam niya ang pagyanig ng kanyang puso kahit pa sinabi niyang hindi siya natatakot.
Hindi niya alam kung saan nahanap ni Si Ye Han ang lakas ng loob para itanong pa iyon.
Natatakot ba ako?
Kapag hindi ba ako natakot masasabi pa din bang tao ako?
Gayunpaman sa una niyang buhay, masakit na natapos ang buhay ni Ye Wan Wan dahil natakot siya. Ngayon naman, hindi niya pwedeng ipakita kay Si Ye Han kung takot na takot talaga siya. Kung hindi, hindi niya matututunang pigilan ang sarili niya sa tunay niyang nararamdaman kung mauulit ang eksenang ito.
Misteryoso at pabagu-bago ang paguugali ni Si Ye Han. Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, may pagkakataon na galit na galit si Si Ye Han sa kanya pero hindi niya alam kung anong aksyon o komento ang nag-udyok sa kanya para magalit.
Kahit pa sa buhay niya ngayon hindi pa din niya maintindihan si Si Ye Han. Pero magagamit niya ang kanyang karanasan sa unang niyang buhay para pigilan ang kanyang sarili na gumawa ng kahit anong bagay na ikagagalit ni Si Ye Han.
Ilang segundong nakatitig ang kasing itim ng black hole na mga mata ni Si Ye Han sa kinakabahang naghihintay na si Ye Wan Wan. Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung napaniwala niya si Si Ye Han sa mga sinabi niya.
Lumipas ang ilang segundo, kinurot ng malamig na mga daliri ni Si Ye Han ang pisngi ni Ye Wan Wan at ang kanyang malalim na boses ay bumulong, "Mabait na bata."
Kung huhusgahan ko ang nangyari… nasiyahan na siya sa sagot at pagpapanggap ko.
Mukha namang hindi importante kung hindi man niya ako pinaniniwalaan.
Basta tama ang pusta ko!
Ang naninigas na katawan ni Ye Wan Wan ay naging relaxed na-- para bang pagkatapos ng lahat na nangyari alam niyang muntikan na siyang napalapit siya sa sarili niyang kamatayan.