webnovel

Ranggo sa klase: Number one!

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Dahil sa estupidong estudyante na umuubos sa oras niya, malapit nang maubos ang pasensya ni Liang Li Hua.

Binuklat naman niya ang report card sa sumunod na pahina.

Ngunit nang sumunod na pahina, nakita niya ang puntos niya sa Language. Natigilan si Liang Li Hua. Hindi siya makapaniwala sa nakita, "Language… 150 points…"

Nagtinginan lang ang mga estudyante sa ilalim ng podium na may halong pagtataka matapos marinig ang mga sinabi ni Liang Li Hua.

"Anong sinabi ni titser? 150 points, ano raw?"

"Nagkamali ba siya?"

"Uh, 0 points kumpara sa 150 points, alin sa tingin niyo ang mali?"

Tiningnan ulit ni Liang Li Hua ang sheet ng paulit-ulit. Tama at klaro naman ang score. Inulit pa niyang kalkulahin ang score at tama nga ang mga marka niya.

Akala niya nakuha niya ang maling report card at tiningna ulit kung tama ang nasa cover. Ye Wan Wan ang pangngalan!

Kumulubot ang noo ni Liang Li Hua at patuloy na tiningnan ang report card. Nang makita ang ikatlong pahina, lalo pa siyang nabigla sa nakita.

Sa ikatlong pahina ng resulta sa English, nakakuha ulit siya ng 150 points!

Paano nangyari 'to?!

Siya ang nagturo ng English at sa oras na 'to., nakuha niya ang pinakamataas na marka. Walan iba ang nakakuha ng ganung kataas na score. Kahit ang pinakamataas man ay 148. Pero ang nakasaad talaga sa report ng exam ni Ye Wan Wan na pinkamataas na marka sa English?

Patuloy na binuklat ni Liang Li Hua ang report card.

Nang makita niya ang pahina ng liberal arts subject, lalong nagulantang sa gulat si Liang Li Hua...

Ang mga marka ni Ye Wan Wan sa Liberal Arts ay 100 sa Kasaysayan, 100 sa Politics, at 100 din sa Geography! Sa kabuuan, 300 ang scores niya!

At sa huling pahina nakasaad ang posisyon sa klase. Si Ye Wan Wan ang top 1 sa klase!

"Titser, hindi mo pa nasasabi ang resulta at ranggo ko," singit ng batang babae na nakaupo sa hulihan at may nanlalamig na mga tingin.

Mahigpit na hinawakan na halos malukot na ni Liang Li Hua ang report card at saka na sumabog pa galit, "Ye Wan Wan! Iba ka talaga! Ang lakas ng loob mong mangdaya!!!"

Tulad ng inasahan niya sa reaksyon ni Liang Li Hua, mahinahong nagtanong si Ye Wan Wan, "Bakit niyo naman po naisip na nandaya ako?"

Lalong nandilim ang mukha ni Liang Li Hua sa inis, "Ah talaga? Hindi ka nandaya? Kung hindi ka nandaya, paano mo nakuha 'yung 150 na score sa Language subject?! 150 na score naman sa English! 300 na score sa Liberal Arts! O maging top 1 sa klase?!"

Matapos marinig"At T ang lahat ng sinabi ni Liang Li Hua, nagulantang ang buong klase.

"Damn! Ano? Pinakamataas na scores sa Language, English, at Liberal Arts?"

"At top 1 pa sa klase? Ye Wan Wan? Nagbibiro ka lang! Paano nangyari 'yun?!!!!"

"Siguradong nandaya siya!"

"Sinabi mo na nandaya ako. May patunay ka ba?" sagot ni Ye Wan Wan.

Malakas na natawa si Liang Li Hua, "Kailangan pa ba namin ng patunay?! Ye Wan Wan, iniisip mo bang mga bobo kami?"

"Kung ganun po, pwede ko bang matanong kung sino pa sa klase ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa subjects na 'to? Kung tanging ako lang ang nakaperfect, maaari niyo po bang ipaliwanag kung paano ako nandaya?" patuloy lang na tanong ni Ye Wan Wan.

Sumagot si Liang Li Hua na may halong panghahamak, "Natural, pinakailaman mo lang ang score mo. Sa utak na meron ka, kahit na payagan ka pang kumopya, hindi ka pa rin naman makakakopya ng tama eh!"

Tumango naman ang mga estudyante para sumang-ayon. Kung nagawa ni Ye Wan Wan na makapasok sa staff room at dinaya ang score niya, maaaring totoo nga ang lahat.

"Ang kapal talaga ng mukha ng pangit na babaeng ito!"

"Iniisip niya na kapag dinaya niya ang scores sa transcript, magbabago rin ang scores sa exam papers? Ang bobo naman!"

"Lalabas din ang katotohanan kapag sinuri ang mga papel niya! Pwede niyang dayain ang transript pero hindi ang exam papers!"

Chương tiếp theo