webnovel

Believe It Or Not

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Chapter 1521: Maniwala Ka Man O Hindi

"Pa'no kung… Subukan natin babae?"

Sinipa ng malakas ng boss ang blonde na lalaki. "Tanga! Pinapalala mo lang!"

Umungol ang blonde na lalaki at tinakpan ang ulo niya. "Hindi, 'di yun ibig kong sabihin! Baka posible talaga. 'Di mo ba napansin pinalunok niya sa'tin yung mga bomba pero hindi sa dalawang babae? Parang nandiri pa siya sa mga lalaking pinadala natin para sa kanya. Malamang 'di niya gusto mga lalaki!"

Hinimas ng malaking lalaki ang baba niya at pinag-isipan. "Tingin ko, Boss, may punto siya ngayon…"

Nanggigil ang boss. "Kalokohan…"

Isang magandang babae na gusto mga babae at hindi mga lalaki? Hindi siya makapaniwala!

"Boss, subukan lang natin, baka mamamatay lang din naman tayo," bulong ng blonde.

Tingin ng boss na hindi maaasahan ang hula nito, kaya hindi niya tinanggap ang ideya.

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com

Chương tiếp theo