Chapter 1232: Sweet Taste Of Love
Pagkatapos niyang i-post ang mga litrato, libu-libong mga babae ang nabaliw sa comment section!
"Ah! Ang dumi ata ng screen ko!? Madilaan nga!"
"Ito ang sexy-at-home look ng asawa ko. Naloloka na ako!"
"Ang hot naman ng picture na 'to ikaw talaga isa kang dirty little creature!"
…
May napansin naman ang ibang mga netizens…
"Guys, 'di ba parang may…kakaibang kurot ng pag-ibig 'yung picture ni Bro Xi?"
"Oo! Pakiramdam ko para akong in love at first sight! 'Yung pagtingin ni Bro Xi sa'kin parang tumititig siya sa mata ng mahal niya!"
"Nanginginig ako! Naiinggit talaga ako sa photographer ni Bro Xi! Para maging ganyan kalapit sa kanya!"
…
Binasa ni Ning Xi ang mga comment at para bang naintindihan na niya 'yung reaksyon ni Lu Tingxiao nung isang araw.
Hmm, baka naman pala professional pa rin nga ang demonyo? Naakit ko nga ata siya…
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com