Chapter 1140: Ano Naman Kung Lumpuhin Ka Namin?
Tatlong minuto lang iyon, pero para kay Zhuang Rongguang parang isang dekada na ang nakalipas.
Tinawag ng blonde ang lalaking may tattoo sa tabi niya. Ibinaba nito ang inumin niya at dahan dahang lumapit. Hinawakan niya ang kamay ni Zhuang Rongguang ng mahigpit.
Dinuraan ng blonde ang kanyang kutsilyo. "Gago, tapos na ang oras! Ngayon, isang daliri lang! Tingin mo, alin kaya uunahin ko?"
Pinagmasdan ng blonde ang mga darili niya na parang ahas.
Lumaban si Zhuang Rongguang na parang baliw. "Pakawalan niyo ako, pakawalan niya ako! Tatay ko si Zhuang Liaoyuan at lolo ko si Zhuang Zongren! Kung gagalawin niyo ako, hindi kayo papakalawan ng pamilya ko!"
"Hahahaha… sigurado ka? Kahit ikaw talaga ang anak ni Zhuang Liaoyuan, walang kwenta ka lang na bata, ano naman kung lumpuhin ka namin? Baka pasalamatan pa ako ng pamilya mo dahil tuturuan kita!"
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com