Chapter 686: Hindi Kita Kakainin!
Ilang sandali lang, may kumatok sa pintuan.
Nagmadali si Ning Xi para buksan ito.
Nakatayo si Lu Tingxiao sa pinto. Ngumiti si Ning Xi bago niya ito hinila paloob. "Hindi kita kakainin!"
Mukhang walang magawa si Lu Tingxiao. Siyempre, hindi siya takot sa kanya, kundi sa sarili niya.
"Anong ginagawa mo?"
Nang makita niya na hindi pa ito natutulog ngayong oras ng gabi at nakabukas ang laptop niya sa kama, sumimangot si Lu Tingxiao.
Kinamot ni Ning Xi ang ulo at umupo sa gilid ng kama saka kinuha ang laptop ulit. "Mayroong maliit na problema, hindi naman siya seryoso."
Nagbago ang ekspresyon ni Lu Tingxiao at naglakad palapit sa kanya.
Tinignan niya ang mga posts at naintindihan na ang sitwasyon. Sumunod na segundo, kinuha niya ang kanyang phone.
Napansin ito ni Ning Xi at agad na pinigilan siya. "Anong ginagawa mo?"
"Tinatawagan si Hu Hongda."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com