Chapter 113: Tatlong Buwan (Para Maging Asawa Ko Siya)
Matapos mataranta saglit, hinanap ni Ning Xi si Lu Tingxiao pagkatapos ng hapunan.
Sa isang tahimik na balkonahe, matiyagang nag-antay si Lu Tingxiao sa sagot nito.
Huminga ng malalim si Ning Xi, lumingon sa lalaking nasa kanyang tabi at determinadong sinabi, "Lu Tingxiao, yung bagay na sinasabi mo, napagisipan ko na. Pangako, mananatili ako ng tatlo pang buwan ngunit kailangan ko na talagang lumisan pagkatapos nito."
Kahit na walang namamagitan sa kanilang dalawa, lubos pa ring kahina-hinala para sa isang babaeng walang asawa ang mamalagi sa bahay ng iba, at maaaring lumikha ng hindi pagkakaunawaan.
"Salamat." Bugtong hinga ni Lu Tingxiao. Sa parehong oras, may madilim na ilaw ang kumislap sa kanyang mga mata.
"May shooting ka ba bukas? Tanong ni Lu Tingxiao.
Tumango si Ning Xi sabay hinga ng malalim, "Oo."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com