Chapter 67: Halik sa Ilalim ng Liwanag ng Buwan
Sa Lu residence.
Pagkabalik sa kanyang kwarto, nagbihis kaagad ng pantulog si Ning Xi at kumaripas ng takbo para hanapin ang munting siopao.
"Little Treasure, medyo natatakot si tita sa dilim ngayon eh, pwede ba 'kong makitulog dito?"
Syempre masaya si Little Treasure at walang alinlangang binigyan ng malaking espasyo sa kama si Ning Xi.
"Thank you darling~ good night darling~"
'Lucky charm ko, naniniwala akong ikaw ang makakapagpanatiling ligtas sakin ngayong gabi…'
Sobrang exciting ng mga nangyari ngayong araw, ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya.
Nakukutuban ni Ning Xi na pagkatapos ng araw na 'to, napaka-nipis na lang nung malabong pader na namamagitan sa kanila ni Lu Tingxiao at isang kalabit na lang masisira na 'yun…
Kapag nasira 'yun, 'di niya talaga alam ang gagawin…
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com