webnovel

Definitely Exciting

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Chapter 57: Siguradong Exciting

Nang oras na para sa makeup ni Ning Xi, nagdabog ang makeup artist at tinawag siya nang pasigaw. "Ning Xi, halika na para sa makeup mo!"

Ibinaba ni Ning Xi ang script at lumapit sa makeup artist. "I appreciate it."

Mabigat sa loob ng makeup artist na gawin ang makeup ni Ning Xi; tinignan ni Ning Xi ang makeup tools at pinigilan gamit ang isang kamay.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Marahang nagsalita si Ning Xi, "Sister Amy, pwede ko po bang gamitin ang sarili kong makeup? Medyo sensitive po kasi 'yung balat ko baka allergic ako sa ibang brands…"

"Hindi pwede, hindi ganun dito. Ikaw ba mananagot kapag 'di maganda yung makeup? 'Di ba okay ka naman kahapon?" naiinip na si Amy at tinignan si Ning Xi na parang nakakaistorbo na siya.

Naglabas ng red packet si Ning Xi mula sa bag at pasimpleng inilagay sa kamay ni Amy. "Sister Amy, baka naman pwedeng exception ako. Tutal, nakasalalay naman sa mukha 'yung mga trabaho natin pati ako, in case lang…"

Ramdam ni Amy ang kapal ng red packet at napaubo siya saglit, at nag-aalangang sinabing, "Fine! Pero kapag sinabi ni direk na may mali sa makeup mo ikaw ang may kasalanan!"

"Syempre. Hindi ikaw ang masisisi Sister Amy!"

Sa mundong 'to, 'di panghabang-buhay ang mga kaaway. Nag-improve ang mood ni Amy mula nang natanggap ang red packet at inasikaso ang makeup ni Ning Xi; sa huli, mas maayos pa nga ang itsura niya kaysa kahapon.

Pagkaalis ng makeup artist, nagkrus ng braso si Ning Xi habang nakatingin mula ulo hanggang paa sa costume na isusuot. Pagkatapos, naglabas siya ng malaking magnet mula sa bag niya at tulad ng isang security inspector, ipinadaan niya 'to sa mga damit at sa sapatos.

Buti na lang, walang problema sa kahit alin.

Itinago na ni Ning Xi ang magnet at nagtaka: how unprofessional! Dapat may karayom sa mga damit para matusok ka, tapos dapat 'di mo makikita kahit anong hanap mo. Dapat may maliliit na thumbtacks sa sole ng sapatos mo para mukhang normal lang kapag naglalakad ka pero kapag mabibigat na galaw mas exciting…

'Di tulad ni Ning Xueluo na naproektahan buong buhay niya at 'di alam ang tunay na paghihirap, matagal nangapa si Ning Xi mula sa laylayan ng industriya; marami na siyang nakita, 'di pwedeng 'di niya mapansin kapag pinagtitripan siya.

Kahit na 'di niya kayang i-check 'yung makeup kit kanina, alam ni Ning Xueluo na allergic sa metal ang balat niya at malamang pinakialaman 'yung makeup.

Pagkatapos magbihis, naghihintay na sa labas 'yung instructor na pinapunta ng director. Habang umaarte ang ibang actors, si Ning Xi, inaaral ang itinuturo sa kanyang dance moves.

Nang tapos na ang taping ng iba, binalikan siya ng director para i-check ang resulta. "Ning Xi, kumusta? Nakita ko sa profile mo na sumasayaw ka before, so tingin ko sapat naman 'yung half say. Kung hindi pa, I can give you a few more days."

"Tingin ko handa na po ako…" ayaw ni Ning Xi maging overconfident.

Tinignan ni Guo Qisheng ang dance instrcutor. "Ano sa tingin mo, Miss Zheng?"

Tumawa ang instructor. "Tignan mo na lang mamaya!"

"Kung ganu'n, let's begin!:

Scene 13: Princess De's Intoxicated Dance

Characters: the Emperor, Princess De, Princess Xian, some concubines, eunuchs, and servants.

Kamakailan lamang, maraming bagong babae ang napiling pumasok sa palasyo. Maraming concubines at mga prinsesa ang pinagtipon ng Emperor sa kanyang silid para sa mga inumin at katuwaan.

Sobrang nahumaling ang Emperor sa mga bagong babae at 'di niya na napansin ang paborito niyang si Princess De.

Bago si Princess De, si Princess Xian ang paborito niya, kaya nang makita ni Princess Xian na nasasantabi si Princess De nagmayabang ito. "Sa palasyong 'to, 'yung mga bago ang laging nakatawa at 'yung mga luma ang laging umiiyak. Akala niya ba talaga sapat na 'yung ganda niya para mahuli ang puso ng Emperor magpakailanman? Tignan natin kung hanggang kailan siya makakatiis!"

Siguro dahil sa pagganap ni Ning Xi bilang Princess De, kaya si Jia Qingqing na 'di kagalingang ang acting dati, maayos ang pagkakaganap ngayon. Nasiyahan ang director sa nakita niya.

Chương tiếp theo