webnovel

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the authors imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Stories are not mine. There might be based from true stories or is completely fictional. You can send me your stories if you wanted tp share. Just message me.

great_sage00 · Khác
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

Sweetest Lie

SWEETEST LIE

"Please give around of applause, THE THREE G!" The mc said kaya agad kaming tumungtong sa stage at nag position na para sa sasayawin.

Nang magsimula ang tugtog ay nagsimula narin kaming sumayaw ng hiphop, ganadong ganado ang aking sayaw dahil eto ang final para malaman kung sino talaga ang mag wawagi.

Hindi ko maiwasang mag tingin tingin sa audience upang hanapin si Drake, my boyfriend. He promised to me that he'll be here since final Performance na namin but I can't see him in the audience.

"Shayne, focus" Caroline whispered kaya napatigil ako sa paghahanap at itinodo ang sayaw.

Natapos nalang ang aming performance ay hindi man lang nahagip ng aking paningin si Drake, dati ay kapag nanonood s'ya ay lagi s'yang nasa unahan habang hawak hawak ang camera at vinivideohan kami. Pero ngayon ay wala s'ya.

"Anong nangyari sa'yo kanina? You almost messed up the performance kasi hindi ka naka focus!" pagalit na tanong ni Caroline.

"Sorry, hinahanap ko kasi si Drake sa audience kanina" sagot ko habang nagpapaypay sa sarili ko.

"Nakita mo ba?" she asked.

"Hindi eh, busy ata" sagot ko.

"Ay nako, ganyan talaga ang mga lalaki. Magaling lang sa umpisa, boyfriend ko bokalista rin ayon! Nahuli kong may kahalikan na babae na ka banda n'ya rin! Kaya ikaw Shayne ha! 'wag kang magpadala sa mga salita ng mga lalaking iyan dahil ipinanganak ata silang sinungaling" litanya ni Caroline.

"Ang bitter ha, halatang niloko" pang aasar ko at saka tumawa.

"Che!" asik n'ya at uminom ng tubig.

Kahit sa pag announce ng winners ay wala s'ya. Sabi n'ya pa naman ay ililibre n'ya ako ng samgyup pag nanalo kami pero ni hindi ko man lang nahagilap ang kanyang muka.

Papara na sana ako ng taxi pauwi ng may biglang huminto na kotse sa aking harapan, this is Drake's car.

Bumaba s'ya mula sa kotse suot ang puting t-shirt at denim fitted pants.

"Love, I'm so sorry ngayon lang ako. Sakay kana ihahatid kita" saad n'ya at inalalayan ako papasok sa kotse.

Nang makapasok kami ay nagsimula na s'yang magdrive.

"How's your performance?" he asked.

"Ayos lang, panalo kami" matamlay kong sagot.

"Oh? You won! Congrats sa inyo love! Alam kong mananalo kayo eh! Ang galing n'yo kaya lalo na ikaw!" he said happily.

"salamat" I said.

"Bakit parang matamlay ka? Hindi ka ba masaya sa pagkapanalo n'yo?" tanong n'ya.

"Masaya naman, nag expect lang ako na nandon ka" sagot ko ulit.

"I'm so sorry Shayne, may biglaan kasing GIG. Wala ding ibang Vocalist na pwedeng mag substitute sa akin. I just can't leave them alone love. Sorry" he said apologetically.

Napabuntong hininga ako, hindi ko naman s'ya matitiis.

"Ayos lang, naiintindihan ko. Na disappoint lang ako kasi akala ko nandon ka, I waited for you hanggang sa pag announce ng winners" I said.

"Sorry talaga. Babawi ako, as a celebration ililibre kita ng samgyup!" masaya n'yang sabi na para bang bata na pinipilit ako maging masaya kaya napatawa nalang ako.

"I made you laugh! Bati na tayo?" he innocently asked.

"Oo, matitiis ba kita? Basta lang don't cheat" I said.

"Hah! I already got a diamond bakit pa ako maghahanap ng bato diba? No thanks love, you're enough" he said kaya napangiti ako.

"I love you, mahal ko" he uttered and grab my hand and kissed it.

"I love you too" I replied.

Nang makarating kami sa restaurant ay nagsimula na kaming mag order at magluto. It was just a simple date but his presence made it special.

Pagkatapos naming kumain ay napag desisyonan naming mag night drive muna saglit, huminto lang kami malapit sa dagat at lumabas para tingnan ang kalangitan na puno ng mga bituin at ang bilog na buwan.

"Kapag ba nawalan ng ningning ang mga bituin hindi na ba sila magiging maganda? Kapag ba hindi na maliwanag ang buwan, hindi na ba s'ya titingalain ng mga tao?" tanong ko habang nakatingin sa kalangitan at nakasandal sa bisig n'ya.

"Siguro? Pero mangyayari lang iyon kapag umaga na. Kung kelan papalitan na ang mga bituin ng asul na kalangitan at papalitan na ang buwan ng araw" sagot n'ya habang sinusuklay suklay ang buhok ko gamit ang mga dalire n'ya.

"Pag ako ba? Kapag hindi na ganto ang aking itsura hindi mo na ako mamahalin? Pag nawala ko ang sarili ko, will you stop loving me?" I asked.

"No, with your flaws and imperfections I love you. I love you even when you started unloving yourself. I'll be with you, I'll help you fix yourself" he answered.

Ang swerte ko sa kanya, hindi ko alam kung anong nagawa ko para ma deserve s'ya basta ang alam ko. I don't want to end this, it'll be us until the end.

"I love you" I uttered.

'yon nalang ang nasabi ko.

"I love you too, I really do" he replied.

"Wait love, I'll just get my guitar, kantahan kita" He said kaya napatigil ako sa pagsandal kaya tumayo s'ya at nagtuno sa kotse.

Bumalik s'ya sa buhanginan habang nakaharap sa akin at hawak-hawak ang gitara, tila ay handa ng umawit.

"Sa unang tingin, agad na nahumaling

Sa nagniningning mong mga mata

Ika'y isang bituin na nagmula sa langit

Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi

Sadya namang nakakabighani

'Di maipaliwanag ang nararamdaman (ooh)

Namumukadkad ang aking ligaya

Sa tuwing ika'y papalapit na

Hawakan mo ang aking kamay" he sang as he looked at me with his eyes shining. He looks so inlove and happy being with me.

"Oh, Paraluman

Ika'y akin nang dadalhin sa

'Di mo inaasahang paraiso (hoo-hoo)

Palagi kitang aawitan ng Kundiman

'Di magsasawa, 'di ka pababayaan

Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan (hoo-hoo, hoo-hoo)

Mga gunita na laging naiisip (naiisip)

Para-pa-pa-para-Paraluman (hoo-hoo, hoo-hoo)

Para-pa-pa-para-Paraluman (hoo-hoo, hoo-hoo)

Para-pa-pa-para-Paraluman (hoo-hoo, hoo-hoo)" he sang again and smiled.

Napapikit ako ng inilapit n'ya ang kanyang muka sa akin at hinalikan ang tungki ng aking ilong at labi.

"Mahal kita, aking Paraluman" pahabol n'yang sabi kaya napapikit ako.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito n'ya ako kamahal. Pangako kahit bagyuhin ang aming relasyon ay hindi ako susuko sa kanya.

"Ay! Ulan!" napasigaw ako sa gulat ng biglang bumuhos ang mga malalaking patak ng ulan kaya agad kaming tumayo dalawa at inilagay n'ya ang kanyang kamay sa aking ulo upang kahit papaano ay hindi ako maulanan.

Nang dahil sa ulan ay napilitan s'yang iuwi ako kahit gusto pa naming namnamin ang pagkakataon.

Kinabukasan ay naging busy ako sa pagpapractice sa sasayawin namin at nagpapractice din sila Drake para sa GIG daw nila mamayang gabi.

"Sama ka mamaya Caroline? manonood ako ng GIG nila Drake" pag aaya ko kay Caroline habang nagbibihis s'ya.

"Sige, libre mo naman" saad n'ya

"Oo na" sagot ko kaya ngumiti s'ya.

"See you later then!" she shouted habang palabas na kaya tumango nalang ako habang ina arrange ang mga gamit ko sa bag.

Kinagabihan at nagbihis na ako para manood ng GIG nila Drake sa isang bar.

Pagkarating namin ay madami ng tao at nasa stage ang banda nag pe prepare kaya umupo kami ni Caroline sa stool.

People started applauding when Marco, their guitarist started strumming the guitar. Napahiyaw din kami ni Caroline ng magsimulang kumanta si Drake.

I saw a lot of girls shouting Drake's name, sanay na ako actually and it's normal dahil gwapo naman talaga s'ya at nakaka inlove ang boses n'ya.

"I LOVE YOU DRAKE! PLEASE BE MINE!" A girl shouted.

Rinig na rinig ang boses n'ya dahil mas malakas pa ito sa tugtog kaya halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanya, including Drake.

Ngumiti s'ya sa babaeng sumigaw at nagpatuloy lang sa pagkanta kaya naghiyawan ulit ang mga manonood.

"Ang haharot ng mga babaeng 'yan" puna ni Caroline kaya hinayaan ko nalang s'ya.

Nang matapos ang performance nila ay pupunta sana ako sa backstage pero halos puno ang entrance at nakita ko yung babaeng sumigaw kanina at may dala s'yang bouquet at letter.

"Mamaya nalang pala Caroline, antayin ko nalang si Drake sa labas" sabi ko kay Caroline kaya tumango lang s'ya.

Tatalikod na sana kami ng may bigla kaming narinig na hiyawan kaya sumilip ako.

And I saw the girl kissing Drake's cheeks.

"OH MY GOSH GURL, ARE YOU HIS GIRLFRIEND?!" shocked na tanong nong isang babae.

The girl didn't answered but she just smiled.

"Hoy ano tara na" sabi ni Caroline na walang malay sa nangyayari.

I just nod and walk with her as if I didn't saw anything.

Saktong pagkalabas namin ay may natanggap akong message mula sa kanya.

"I didn't saw on the crowd, di ka ata pumunta ka. Wait me in your house, I'll fetch you" sabi n'ya sa text and I replied okay.

Di ako nakita kasi nakatingin sa iba.

"Uuwi na tayo? Akala ko hihintayin pa natin ang boyfriend mo?" nagtatakang tanong ni Caroline.

"Hindi na, sa bahay nalang daw" I said and smiled.

"Sure ka? Okay ka lang ba? Parang nagbago ata mood mo?" she asked.

"Tanga ayos lang, tara na" I said bago kami sumakay sa sasakyan at umuwi na.

Parang wala ako sa sarili, magulo ang utak ko. Iniisip ko yung nakita ko kanina and I'm arguing with myself not to mind that kiss kasi cheeks lang naman and it should be normal kasi fan n'ya.

Nakarating na ako sa bahay pero yun parin ang iniisip ko, I'm trying so hard not to think of it anymore because maybe I was just overreacting but hell my mind would never listen.

"Anak! Si Drake nasa labas!" sigaw ni mama mula sa labas kaya tumayo na ako at lumabas.

I saw Drake wearing different outfit.

"Hey love, sorry to keep you waiting. Medyo natagalan dahil maraming tao hindi ako makalabas agad" he explained after kissing my cheeks.

"Ayos lang, so how was it?" I asked as if hindi ako nanood doon.

"It's fun yet tiring pero I'm fine now. I'm with you" sabi n'ya at ngumiti s'ya.

Fun huh?

Hindi na ako sumagot pero nanatili kaming nakatayo doon.

"Hey? What's wrong? You seem quite" sabi n'ya.

"Nothing, tara pasok ka" aya ko sa kanya kaya pumasok kami sa loob ng tahimik at walang imikan.

Natapos ang gabing iyon ng tahimik, nanghaharana daw s'ya pero I kept quiet lang.

Ilang araw akong ganon, naging busy s'ya at naging busy din kami sa pag papractice para sa sasalihan naming dance competition. Wala akong sinasabi kay Drake but I was cold and it made a hole in our relationship. Parang biglang kaming nagkaroon ng distance sa isa't-isa.

"Hoy girl! May new released song pala sila! Yung banda ng boyfriend mo! Sobrang ganda, nakita ko yung music video. It's about a guy who fell out of love sa girlfriend n'ya ang sakit!" Caroline said while I'm drinking my water dahil water break na at s'ya ay nag scroll sa cellphone n'ya.

Kinuha ko ang cellphone ko para i search ang bagong kanta nila at nakita ko naman agad dahil kalat na kalat ito sa social media. Drake's voice.. I miss him...

This past few days ay cold ako sa kanya pero he always say 'I love you and I really do' in the end of the day.

"Ireto mo nga ako sa composer nila! Comflirt ko lang mukang broken eh" dagdag pa ni Caroline.

"Tumigil ka nga Caroline, ang harot mo!" asik ko kaya napanguso nalang s'ya.

I cannot take a distance anymore, hindi na kami kagaya ng dati at hindi ako papayag. I acted immature lately and I wanna say sorry to Drake, sabi din ng other friends ko ay dapat mag open up ako kay Drake para alam n'ya.

Tinext ko ang isa sa mga ka bandmates n'ya at nagreply itong wala daw silang practice ngayon so baka nasa bahay si Drake.

Gabi na ng umuwi ako mula sa practice at agad akong dumiritso sa bahay nila Drake.

"Good evening po tita, nand'yan po si Drake? Hindi ho kasi s'ya nagrereply" I asked.

"Good evening din Iha, oo nasa kwarto s'ya. Nakatulog ata puntahan mo nalang" sabi ni tita kaya tumango nalang ako at ngumiti.

Kumatok muna ako bago pumasok at nakita ko s'yang naka dukdok sa lamesa at mukang nakatulog nga.

"Love?" mahina kong sabi at hinaplos ang mga buhok n'ya.

Hindi s'ya nagising kaya tiningnan ko ang kabuuan ng muka n'ya

May papel sa ilalim kaya kinuha ko ito at binasa.

It's a story with my name and his name on it, and the story! Eto yung storya sa bagong release nilang kanta.

Nagulat ako ng bigla s'yang magising at pinunasan n'ya ang gilid ng kanyang mga mata.

"Hey, did you cried?" I asked ng mapansin kong namamaga ang mga mata n'ya.

"hindi" tanging sagot n'ya.

"Wee? Umiiyak ka eh!" sabi ko at tumawa.

"Iniiyakan mo to?" natatawa kong tanong at pinakita sa kanya ang papel na hawak ko.

Nagulat ako ng bigla n'ya itong hablutin mula sa akin.

"Hey, anong problema? Sorry for laughing. Did you composed this?" tanong ko.

Tumango lang s'ya ng hindi nakatingin sa akin, he's so strange. Baka nagtatampo sa pagiging cold ko.

"Oh my! I'm so proud of you mahal ko! Sumikat itong kanta n'yo and even Caroline love it! Ang galing mo love congrats!" masaya kong sabi at niyakap s'ya.

I miss this man.

Hindi ko naramdamang yumakap s'ya pabalik, he's acting different.

"May problema ba?" tanong ko pagkatapos humiwalay sa yakap.

Hindi s'ya sumagot but instead he look at the paper and to me.

"What's wrong love? Btw let me asked anong inspiration mo para masulat yung kanta? Pangalan pa natin ang gamit mo" tanong ko.

"I'm sorry.." saad n'ya at umiyak ulit.

I saw tears streaming down from his eyes kaya agad akong nataranta.

"Wait why are you crying? Hey?" tanong ko at inilapit ang muka ko sa kanya.

"My feelings..it was my inspiration. I'm so sorry.. I didn't mean to.. I'm so sorry Shayne" sabi n'ya habang umiiyak.

"What are you talking about? Why are you saying sorry?" naguguluhan kong tanong.

"It's me.. the guy on the song..sorry" he said again.

Mas lalo akong naguluhan pero processing the story of their song agad akong nanlumo. Was it because..

"You..fall out of love?" nanlumo kong tanong.

Nagsimulang manghina ang katawan ko ng tumango s'ya.

"W-when? H-how? Baka hindi ka sigurado mahal ko..baka—baka ano baka nasabi mo lang yan kasi nagkaroon ng distansya sa pagitan natin o baka ano dahil cold ako—hindi ka pa naman siguro sigurado Drake baka nasaktan lang kita patawad" sabi ko at tumayo ng maayos.

"Sorry Drake, I acted immature this past few days kasi ang totoo n'yan nong gabing nagsimula akong manlamig. Nanood ako ng GIG n'yo noon, I wanna surprise you that time pero papasok na sana ako non kaso nakita kong may humalik na babae sa pisnge mo. I overreacted I know I'm sorry" mabilis kong explain.

Trying to convince him.

"..no..matagal na akong nagkaka ganito, this past few days I kept saying I love you and I do because I wanna convince myself that I do because I should love you pero hindi eh! Wala na. Gumising nalang ako isang araw na hindi na interesado sa'yo....na..na..wala ng nararamdaman para sa'yo. I'm so sorry Shayne..ayoko pero wala na akong nararamdaman eh" sabi n'ya

Dahil sa sinabi n'yang yun, lahat ng pag asa ko ay nawala. Wala na ata talaga.

"so it was all a lie? Sinabi mo you love me and you really do but honestly you don't? Minahal mo ba talaga ako?" tanong ko.

"Minahal kita..oo"

"Hindi.. hindi eh kung minahal mo 'ko hindi yun mawawala ng ganon lang Drake. I didn't know that it was you who composed that song, kung hindi ko pa nalaman baka hindi mo din nasabi ang totoong nararamdaman mo" I said.

Hindi s'ya sumagot.

I starred at him again, he's crying at hindi s'ya makatingin sa akin. How can he lie to me.

"Lie to me again.." I whispered.

"I love you" he said.

Lahat ng luhang nakatago ay bumuhos, It was real before and now it turns out to be his sweetest lie. Fuck.

Sana kagaya lang din ng araw, nawawala man sa gabi pero nakikita naman sa umaga. Ang sakit lang, alam kong kaya s'ya umiiyak kasi he's guilty and he also don't wanna ruin us pero wala na yung pagmamahal eh..gumising nalang s'ya ng wala na.

Dedicated to: Mary Shayne

WORDS BY: CRAE WRITES