Just One Click Side Story
A/N: Hello! This is Just One Click side story. So you better read that first, before coming here. Hehe Enjoy~
Chapter theme: Want To See You - 831
Belle
"CK, bumangon ka na! Tanghali na! Hihilata ka na lang ba diyan buong araw?!"
Naiinis na hinila ko ang kumot na tumatakip sa buong katawan ni CK, pero ang magaling kong pinsan, nakipagmatigasan. Marahas niyang hinatak mula sa akin ang kumot niya kaya muntik pa tuloy akong masubsob sa gilid ng kama niya. Napasama kasi ako sa paghila niya.
"Sinabing bumangon ka na eh!" bulyaw ko sa kanya. Naipamewang ko ang isang kamay ko habang pinapasadahan siya ng tingin. Bumaling lang ito sa kabilang direksyon ng kama niya para talikuran ako.
"Masakit ulo ko, Belle. Huwag ka namang sumigaw," iritadong sambit niya saka nagtakip ng unan sa mukha at nagtalukbong.
Lumapit ako sa kanya at muling hinila ang kumot niya. Tumalim naman ang titig niya sa akin. Parang lalamunin na niya ako ng buhay dahil sa ginagawa kong paggambala sa tulog niya.
"Please, masakit talaga ulo ko. Lumabas ka muna." Her voice sounded hoarse and she looks like she's really in pain. Dumamba ako sa kanya at sinalat ko ang noo niya pero hindi naman mainit.
"Wala ka namang sakit, nag-iinarte ka lang eh. Gusto mo naman ata umabsent. Pwede ba CK, malapit na graduation natin saka ka pa gumanyan. Umayos ka nga!" litanya ko. Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa inaasal niya. Daig niya pa ang pinagbaksan ng langit at lupa.
"Get out please," mahinang pakiusap niya. Napatakip na lamang ako ng ilong ko nang tumama ang hininga niya sa mukha ko. She smells the reek of beer. Naglasing na naman ata.
Malakas ko siyang nahampas ng ulan sa pagmumukha niya, dahilan para lalo siyang mainis sa akin.
"Ano ba?!" singhal niya. Itinulak niya pa ako pababa ng kama niya.
"Ano? Nag-inom ka na naman?! My goodness CK. Tigilan mo na nga 'yan. Tingin mo ba kung maglalasing ka, susulpot sa harapan mo si Clionna? Hindi naman 'di ba? She left you! She left us ng walang paalam kaya huwag ka nang umasa na babalik pa siya! Nakakainis ka alam mo 'yon? Nakakainis kayo!" dire-diretsong saad ko habang napapapadyak.
Magsasalita pa sana ako pero mabilis din akong nagtikom ng bibig. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko dahil sa sakit na gumuhit sa mga mata ni CK. Nakonsensya ko kaya agad din akong nagyuko.
"Sorry," I whispered. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng kwarto niya. Pagtapak na pagtapak ko palang sa labas, biglang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Napaupo na lamang ako sa sahig, hawak hawak ang naninikip kong dibdib. Umiiyak akong napasandal na lang sa may pintuan. Alam kong may dahilan si Clio sa pag-alis niya, pero hindi ko pa ring maiwasang hindi makaramdam ng pagtatampo sa kanya.
Ako ang bestfriend niya, pero wala man lang akong kamalay-malay sa mga nagaganap sa buhay niya. Wala akong kaalam-alam sa plano niyang pag-alis. Ni ha, ni ho, wala man lang siyang pasabi. Hindi man lang siya magparamdam. I tried reaching out to her, pero mukhang hindi na siya nag-oopen ng mga social media account niya. Mukhang inalis na niya kami sa buhay niya, nang ganun kadali.
Ang sakit. Sobrang sakit maiwan sa ere.
Nakarinig ako ng mga yabag kaya mabilis akong tumayo sa kinalulugmukan ko, sakto sa pagbukas ng pinto ng kwarto ni CK. Bakas ang gulat sa mga mata niya nang tumambad ako sa harapan niya, pero agad na napalitan 'yon ng pag-aalala. Humakbang siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap nang mapansin niya ang pag-iyak ko. Sumubsob na lamang ako sa dibdib niya at doon ko inilabas ang lahat ng sama ng loob ko.
"A-Ang daya daya niya. . . Bakit siya umalis?. . . Bakit niya tayo iniwan? Ayaw na ba niya kong maging kaibigan? Did I failed as a friend?" paghihinanakit ko. Wala akong nakuhang sagot kay CK kundi isang malalim na buntong-hininga lang.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya upang makita ang reaksyon niya. Nakatingala ito, pilit na nilalabanan ang pagtulo ng luha niya. Natutop ko ang sarili kong bibig.
Alam kong siya ang mas higit na nasasaktan sa pagkawala ng babaeng halos ginawa na niyang mundo. Walang wala siguro ang sakit na nararamdaman ko kung ikukumpara ito sa nararamdaman niya.
Nakita ko kung gaano niya pinahalagahan si Clio. Binuhos niya dito ang lahat ng pagmamahal niya at mukhang hindi na siya nagtira para sa sarili niya.
"Babalik siya. Naniniwala akong babalik siya," puno ng pag-asang pahayag niya.
"Paano kung hindi na?"
Tinignan ako ni CK. Her eyes were filled with emptiness. Walang buhay at kislap.
"Babalik 'yon. Hindi niya tayo matitiis," pinilit niyang ngumiti pero nababasa ko ang pangamba sa mukha niya. At the back of her mind, alam kong alam niya na wala ng kasiguraduhan na magbabalik pa si Clio. Ayaw niya lang tanggapin. Nasasaktan ako dahil patuloy pa rin siyang umaasa sa wala.
"Tama na, please?" pagsusumamo ko. I just want her to free herself from all the pain.
Umiling lamang si CK saka sinubsob ang mukha niya sa balikat ko. Tahimik lang kaming parehas habang nasa ganung posisyon. Naramdaman kong nababasa na ng luha niya ang damit ko kaya masuyo kong hinaplos ang mahabang buhok niya.
"H-Hindi ko kayang wala siya. . .Mahal na mahal ko siya, Belle. H-Hindi ko na kaya," pag-amin niya. Nanginginig ang katawan niya habang umiiyak sa harapan ko.
Alam kong madalas kaming mag-asaran ng pinsan ko, but we know how much we love and care for each other. Ayaw ko siyang nakikita na ganito ka-miserable. Ang bigat sa dibdib.
"K-Kaya mo. . . ayaw mo lang. Kaya natin. . . k-kakayanin natin," bulong ko. Garalgal ang boses ko dahil sinasabayan ko ang pag-iyak niya. Ramdam na ramdam ko ang labis na pangumgulila niya sa bestfriend ko.
Halos mag-iisang buwan na mula ng magtungo si Clio sa Canada para sumama sa ate niya. At sa pag-alis niya, nag-iwan siya ng napakaraming tanong sa isip ko at isang malaking puwang sa puso ko.
***
"Nuod tayong sine mamaya?" malambing na tanong ko kay CK nang makalabas kami sa kotse niya pagkatapos niyang mai-park ito. Nasa university na kaming dalawa. Napilit ko siyang pumasok ngayon kahit pa panay ang pagdaing niya sa akin na masakit ang ulo niya dahil sa hangover.
"Bakit?" May himig ng pagtataka sa tono ng boses niya. Umakbay siya sa akin habang naglalakad kami patungo sa building ng department namin.
"Wala lang. Ang tagal na nating hindi naghahang-out na tayong dalawa lang. Bonding tayo, ganun." tugon ko. I heard her chuckled. Mahina niya pang pinisil ang balikat ko.
"Alam ko gusto mo lang akong aliwin. Thanks cous," she replied.
Nilingon ko siya. "Ayaw mo ba?"
"Tayong dalawa lang talaga? Baka isama mo yang boyfriend mo. Ayoko maging third wheel," sambit niya.
"Siyempre hindi. Tayo nga lang eh."
"Okay," matipid na sagot niya.
Nahinto siya bigla sa paglalakad kaya tumigil din ako sa paghakbang ko. Nasa tapat na kami ng Main Building kung saan maghihiwalay ang landas namin ng pinsan ko. Nasa bandang kaliwa kasi ang building ng Engineering Department, samantalang ang HRM department ay katabi lang ng Main Building.
Ngumuso-nguso si CK na parang may itinuturo. Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan namin. Nakita kong nakatayo pala doon si Yvette. Nakatitig siya sa aming dalawa ni CK. Para siyang estatwa na nakatayo lang sa harapan ng Main Building at hindi gumagalaw. Napayuko siya nang paulanan ko siya ng masasamang tingin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng sling bag niya na tila hindi mapakali.
"Belle," sambit niya sa pangalan ko. Mahina lang ang boses niya na parang bumulong lang sa hangin, pero sapat na para makarating sa pandinig ko.
Naikuyom ko ang kamay ko. Parang sisiklab na naman ako sa galit. Naramdaman kong hinawakan ni CK ang kamay ko, pilit na ibinubuka itong muli at pinapakalma ako.
"Just talk to her," udyok sa akin ni CK.
May pag-aalinlangan sa mga mata ko nang tumitig ako sa mukha ng pinsan ko. I saw her nod but I just shook my head wildly.
"Huwag mong hayaan masira ang pagkakaibigan niyo, sayang." pangungumbinsi pa ni CK. "Una na ko." Tinapik niya ang balikat ko bago tuluyang umalis.
Muli kong tinapunan ng tingin si Yvette. Makita ko lang siya, kumukulo na naman ang dugo ko. Naaalala ko na naman ang mga ginawa niya kay Clionna. It was her entire fault, why our friendship fell apart.
Hindi ko kayang gawin ang nais ni CK kaya nilampasan ko lang si Yvette. Binilisan ko ang paglalakad nang maramdaman kong sumusunod siya sa akin. Naririnig ko ang pagtawag ni Yvette sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Hinawakan niya ang braso ko para patigilin ako pero mabilis kong winakli 'yon. Umangat ang isang kilay ko nang tumambad sa akin ang pagmumukha niya na parang maiiyak na.
"Belle! Mag-usap naman tayo," pakiusap ni Yvette. Araw-araw niya itong ginagawa sa akin. Ayaw niyang tumigil sa pangungulit. Naiinis lang ako lalo.
"Hindi ka ba makaintindi? Ayaw na nga kitang makausap! Kaya pwede ba, huwag mo na akong lalapitan!" Malakas na sigaw ko.
Bahagyang napaatras si Yvette dahil sa pagtaas ng boses ko. Kagat niya ang ibabang labi habang may luhang tumutulo na sa mga mata niya. Ang galing! Akala mo siya itong aping-api.
Nagtitinginan pa sa amin ang ilang estudyanteng dumaraan, nagbubulungan, pero wala akong pakialam kahit ano pa ang isipin nila.
"I don't need a friend like you. Mahirap na, baka ipagkanulo mo rin ako isang araw. Kaya tantanan mo na lang ako. Hindi mo pa rin ba gets?!Our friendship is over!" matigas ang bawat salitang lumabas sa bibig ko. Tinalikuran ko si Yvette at muling naglakad palayo sa kanya. Hawak ko ang dibdib ko, parang may mabigat na bato na nakadagan dito. Nag-iinit ang mga mata ko kaya tumingala ako sa langit. Ayokong umiyak. Hindi ko sasayangin ang luha ko sa isang walang kwentang kaibigan. She betrayed us, so she must suffer the consequences.
Galit na galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang patawarin. Siya ang sumira sa magandang samahan at pagkakaibigan namin. Siya ang dahilan kung bakit nagkagulo kaming lahat. Siya ang puno't dulo ng kaguluhan na 'to, kung bakit nasasaktan ngayon ang pinsan ko. Kung hindi niya sana ginawa ang bagay na 'yon, nandito pa sana si Clio. Hindi niya sana kami iniwan.
***
Taas noo akong naglakad sa hallway nang matapos kong ayusin saglit ang sarili ko sa comfort room. Akala ko hindi ko na iiyakan si Yvette, pero mali pala ako. May panghihinayang rin pala akong nararamdaman. Halos apat na taon kaming magkakasama. Hindi ko lubos maisip na hahantong kaming tatlo sa ganito. Umalis pa si Clio, kaya para akong naiwang mag-isa. Walang masandalan. Ayoko lang ipakita kay CK na sobrang apektado ako sa mga nangyayari, dahil mabigat na ang pinagdadaanan ng pinsan ko. Ayaw ko nang alalahanin niya pa ako.
May limang minuto pa bago magsimula ang unang subject namin kaya napakaingay ng classroom namin. Rinig na rinig sa buong hallway ang mga daldalan nila.
"Belle!"
Bahagyang kumunot ang noo ko nang madatnan ko si Mel na nakatayo sa tapat ng pintuan ng room namin. Siya ang captain ng basketball team nila CK. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin.
"What are you doing here?" takang tanong ko. Napasuklay naman siya maikli niyang buhok. Tila nag-aalangan pang magsabi ng pakay niya.
"May problema ba?"
Umiling-iling naman si Mel. "I just want to ask your help. Kumbinsihin mo naman ang pinsan mo na bumalik na sa team."
Naguguluhan ko siyang tinignan. "Hindi ba tinanggal na siya sa basketball team?"
"Binalik na siya ulit. Hindi namin alam kung paano nangyari 'yon, pero sabi ni coach pwede na siyang bumalik," paliwanag niya.
"Totoo ba? Makakabalik na siya sa team?!" pagkumpirma ko. I saw her nod slowly. Halos lumandag sa saya ang puso ko ngunit bigla rin itong lumagapak nang marinig ko ang sunod na sinabi ni Mel.
"Pero ayaw na maglaro ni CK. Gusto na raw niyang tumigil."
Lumukot ang mukha ko. I stared at Mel with disbelief. "Imposible 'yan! She loves basketball! Bakit naman siya titigil?"
"Iyon ang sabi niya sa akin. Last week ko pa siya kinukumbinsi, pero ayaw na daw niya. Wala na raw siyang gana maglaro. Sige na Belle, kumbinsihin mo naman ang pinsan mo. We need her. Alam mo naman na isa siya sa ace player ng team," pangungulit sa akin ni Mel.
Tumango-tango na lamang ako.
Matapos naming makapag-usap, umalis na rin siya dahil magsisimula na ang klase. Pumasok ako sa room namin at naupo na. Saglit pa akong napatulala sa hangin. Hindi ako makapaniwala na aayawan ni CK ang basketball.
Ano bang tumatakbo sa utak ng pinsan ko?