June 25, 2019
9:05 p.m.
Sai's POV
"Marry me." I can't take this anymore. Tiningnan ko siya sa mata at bigla akong napatawa... nang malakas.
"Nagpapatawa ka ba? Pfffttt...Marrying me? What kind of condition is that?" Pigil na pigil pa rin ako sa pagtatawa. Sa di malamang dahilan tumawa rin siya. But, a sarcastic one.
"HAHAHA. Do you think I'm kidding?" Napatigil ako sa pagtatawa.
What? So... she is serious. Napakunot naman ang noo ko.
"Ano?! Nababaliw ka na ba?"
"Hindi ako baliw." Sabi niya habang pinapaikot ang mata niya. Nabigla naman ako nang tumawa siya.
"Bakit ka tumatawa?"
"Eh, kasi joke lang naman yun eh. Hinding hindi kita pakakasalan noh. Ang yabang mo kasi." Sabi niya at tinulak ako.
Phew... kinabahan ako dun ah.
"Akala ko kung ano na." Sabi ko habang nakangiti.
"A-ah sige, mauuna na ako. Ingat."
Nagnod ako sakanya. "Ingat din!" Sigaw ko sakanya habang lumalayo na siya.
---
July 1, 2019
8:35 a.m.
Grace's POV
It's been a week after the issue. Nawala na yung mga posts dahil sa tulong ni Jean at nang nurse sa clinic.
Haaaayy... ang dami nang nangyari.
Kasalukuyang nakahiga yung ulo ko sa desk dahil hinihintay pa namin ang beking guro namin. Ang ingay nang room.
"Good Morning Class!" Tumahimik ang buong klase at iniangat ko na ang ulo ko. Nakita ko si Rheinz na nasa tapat ko.
Parang atat na atat na makausap ako. Kumunot naman ang noo ko.
"Ah-ah-ah... tumaas naman ang dalawa kong kilay. Aalis na nga." Sabi niya at pumunta sa kanyang upuan.
Parang siyang ano. Parang ano nga ba. Pansin ko lang palagi siyang nauutal kapag kaharap niya ko siya. Di kaya-
"Friday. Boracay. 8:00. 3 days. Leadership Training." Mabilis na sabi ni ma'am na ikinagulat namin. Tulala kaming lahat.
Ano?
"Malinaw ba?" Tanong ni ma'am sabay hampas nang kanyang stick sa table. Nagulat at tumango kaming lahat nang mabilis.
Ano ba yan? Hindi naman namin maintindihan.
Iniangat ko ang kamay ko at-
"Ano?" Tanong ko kay ma'am at hinihintay ang sigaw niya.
"Makinig kayong mabuti dahil isang ulit ko lang sasabihin ang mga sasabihin ko." Umupo ako at frustrated silang tumango.
"Merong knowledge camp sa Boracay, 3 days at included kayong lahat. Walang maiiwan dapat lahat. 8:00 nang umaga sa Friday dapat nandoon na sa EU Hall with all your things, tent and clothes."
"Dalhin lang yung kasya na damit sa buong 3 araw. 'Wag mag inarte dahil knowledge camp ang pupuntahan natin. Meron kayong tig isang buddy at ipopost ko iyon mamaya sa bulletin board."
"Ang knowledge camp ay may 3 session. First is Team Development Programme. Second is Soft Skills Management Programme. And the last one is Corporate Management Event."
"Maya maya ibibigay ko ang mga flyers tungkol diyan."
https://knowledgecamp.com.my/our-service/#team-development-programme