Cathy
SIMULA kagabi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan ang nangyari sa pagitan namin ni Gerald.
Wag kayong malisyo mag-isip ha. Hindi ko pa isinuko ang bataan dahil bawal pa.
Ang hirap lang kasi talagang magmove on sa nangyari na yon.
[Flashback]
Uwian na kaya ako naman itong hindi mapakali. Para akong natatae na naiihi. My god!
"Cath? Let's go?" Tanong niya.
"Sige." Sabi ko tatayo na sana ako para kunin ung gamit ko pero inagaw naman niya sakin kaya pinaubaya ko nalang.
Nalalakad na kami papunta sa parking lot para kunin yung sasakyan niya.
"Akin na yan Gerald baka mamaya sabihin nila kinakawawa kita." Pa-bulong kong sabi pero sapat na para marinig niya.
"Wag na. Ako ang nanliligaw diba." It's not a question. It's a statement.
"Manliligaw?" Tanong ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Yeah. I will court you." Sabi niya tapos pinagbuksan na ako ng kotse niya.
Habang nasa byahe kami tahimik lang sa loob ng kotse. After ilang minute nandito na kami sa tapat ng bahay.
Bababa na sana ako nang biglang hawakan ni Gerald ang kamay ko.
"Cath, please give me a chance na mapatunayan ko sayo na gusto talaga kita. Just please hayaan mo akong manligaw sayo." Sabi niya.
Bigla akong napatingin sa kamay ko atsaka tumingin sa kanya.
Nginitian ko siya. Pwede namang sumubok diba? Kahit ngayon lang gusto kong maramdaman yong pakiramdam na may nagpapahalaga sayo.
"Sige." Sabi ko.
Nagulat ako kasi bigla niya ako niyakap. "S-sorry na bigla yata kita?" Nag-aalala niyang tanong.
"H-hindi ok lang ako. Sige na." Bababa na sana ako pero pinigilan niya ako.
"B-bakit? " Ugh. Wag namang mautal oh.
Nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya yung noo ko. Feeling ko umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha ko.
Ikaw kaya halikan ng crush mo kahit pa sa noo yan, Hindi ka ba kikiligin?
Parang kailangan ko ng pumasok sa loob. Naiihi na yata ako.
"A-ah. Thanks nga pala. Bye! Ingat ka!" Sabi ko at agad agad ng bumaba sa kotse niya.
Nilingon ko siya atsaka kumaway. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa bahay.
[End of Flashback]
Bumalik lang ang diwa ko dahil sa malakas na katok na nagmula sa labas ng kwarto ko.
"Cathy? Wala ka bang balak pumasok ha? Male-late ka ng bata ka." Sabi ni Tita Belle.
"Mamaya na po Tita. Tinatamad pa ako."
"Aba ikaw na bata ka kanina pa kaya naghihintay dito iyong pogi mong sundo." Napabalikwas ako sa higaan dahil sa sinabi ni Tita Belle.
Hala? Sundo? Sino naman yon? Hindi kaya si Gerald yon?
Dali dali akong tumayo at nag-asikaso na.
"Sige po Tita susunod na ako." Saad ko rito at pumasok na sa banyo.
Halos 1-2-3 nga lang ang ginawa kong ligo dahil sa pagmamadali eh. Alam niyo yon? Iyong 1-Toothbrush, kuskos at sabon 2-Shampoo at 3-banlaw. Ni hindi ko nga alam kung ano na ang kinalabasan ng pagligo ko.
Madalas kasi ay inaabot ako ng 30 minutes kung maligo.
Pagkatapos ay nagbihis na ako agad. Hindi na rin naman ako nag-ayos dahil, konting pulbo lang at lip balm ang nilagay ko. At sinuot din ang salamin ko.
Pababa na ako ng makita ko kung sino ang nakaupo sa sala namin at ka-kwentuhan ni Tita.
Sh*t. Siya nga.
Bigla nalang akong na-out of balance at nalaglag sa hagdan.
Katangahan 101
Agad agad akong tumayo at nagkunwaring wala lang ang nangyari kahit pa sa loob loob ko ay nananakit na ang pwet ko.
Nagsmile lang ako at tumayo ng maayos. Wala naman sigurong nakakita eh.
"Okay ka lang?" Nagulat ako dahil nakatayo na siya sa harapan ko.
Ayon! Nakita niya.
"Ha-ha. Anong okay? Okay lang naman talaga ako eh." Saad ko rito. Nakakahiya yon, epic fail ang pagrampa ko.
"Nakita kasi kitang nahulog eh. Sorry kung hindi agad kita nasalo." Nagkamot siya sa kanyang batok ng sinabi niya iyon.
Kahit ako nalang po saluhin mo. Hehe.
"Ay hindi, okay lang ah. Pero dapat binilisan mo, ang sakit kaya ng pwet ko." Hindi na niya narinig pa ang huli kong sinabi dahil sa mahina ko lang naman iyon sinabi.
Umubo si Tita Belle para kuhanin ang atensyon namin ni Gerald. Nginitian ako nito na para bang sinasabi na ang harot mong bata ka!
"Kumain na muna kayo bago kayo pumasok." Aniya.
Niyaya ko na si Gerald at pinaghanda ng makakain. Para naman makita niyang wife material ako.
"May nagpapa-impress." Biglang sabi ni Tita Belle, napansin yata niya ang pag aasikaso ko kay Gerald.
Nahihiya naman akong umupo at kumain nalang.
Narinig ko ang mahinang tawa niya. Tiningnan ko naman ito at inirapan.
Lalong lumakas ang tawa niya at maski si Tita Belle ay sumabay na rin.
PAGKABABA pa lang namin sa kanyang kotse ay napunta agad sa amin—scratch that! Sa akin pala. Halos lahat sila ay masama ang tingin sa akin maya yumuko nalang ako. Ang iba pa nga ay bulong ng bulong. Akala mo naman hindi ko naririnig.
Hinawakan naman ni Gerald ang kamay ko. Naramdaman ko doon ang pagiging secured.
"Attention everyone. This girl beside me is the girl that is so important to me. So don't lay a finger on her. I'm sure your high school life would live a living hell." Saad niya. Tumigil naman ang mga bulungan at nagsipagyuko sila para mawala sa akin ang kanilang atensyon. Ang iba naman ay umiwas ng mga tingin at nag kunwaring may ginagawa.
Sabay kaming naglakad papasok sa classroom. Na magkawak pa rin ang kamay. Bawat madadaanan namin ay umiiwas at binibigyan kami ng daan.
Pagkapasok palang namin ay nagsi-tahimik ang lahat at papalit-palit ang tingin nila. Sa amin ni Gerald, sa kamay namin at kay Kryzelle na kanina pa nakangisi.
"Dont mind her, she's crazy." Bulong ni Gerald.
Hindi ko nalang pinansin si Kryzelle at umupo na ako sa upuan ko.
"Hoy babae! Anong kaharutan yan?" Sabi ni Dara sa akin.
"Wala lang."
"Aba hindi ka manlang ba magku-kwento?" Tumawa naman ako sa reaksyon nito.
"Mamaya na. Mag-review ka muna may quiz tayo sa subject ni Sir Psy."
Inirapan naman ako nito at nagbuklat nalang ng kanyang notes.
Nag-umpisa na rin akong magbasa.