Chapter 67: Declaration of War
Emmanuel's Point of View
Ang malapad kong pag ngisi ang siyang pagbagsak ng baso ng cha-a sa sahig mula pagkakabitaw niya nito. Nabuo ang ingay sa buong lugar kung kaya't napatingin ang ibang mga customers sa gawi namin habang ako ay tinitingnan lamang ang babaeng ito (Haley) na nakayuko't hindi gumagalaw sa kanyang inuupuan. Nakahawak lang siya sa bibig niya.
Kaya umarte na ako na nag-aalala ako. "Haley?" Tawag ko sa pangalan niya. "Ano ang problema?" Tanong ko rito at tatayo na sana pero napatingin ako sa alarm sound na nanggagaling sa kanya. Nagmumula iyon sa wrist watch niya kaya taas-kilay ko itong tiningnan subalit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil baka alarm lang ito para sa kanyang pagpasok. Umalis na lamang ako sa aking inuupuan para lapitan siya.
Na sa gilid na niya ako't ipapatong ko na sana ang kamay sa kanyang likod nang magulat na lang ako sa mabilis niyang pagtayo, hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi upang ilapit ang mukha ko sa kanya. Hindi kaagad ako naka-react dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Inilapat niya ang labi niya sa akin at ipinasa sa bunganga ko ang laman ng cha-a na dapat siya ay nakainum. Napasinghap ako kaya nalunok ko ang cha-a na iyon saka ko malakas na tinulak ang babaeng iyon. Nakita ko ang pagbagsak niya sa sahig habang marka naman sa mga tao sa paligid ang pagtataka. Animo'y nagtatanong kung ano ang nangyayari.
Napaatras ako't napasandal sa glass wall hawak-hawak ang aking leeg.
Nararamdaman ko na 'yung epekto nung gamot, kahit iyon lang ang nainum ng babaeng ito kung malakas ang epekto nung drugs na inilagay ng mga kasamahan ko sa cha-a. Wala kang takas.
Wala akong nagawa kundi ang ipasok ang dalawa kong daliri sa lalamunan ko hanggang sa pinaka ibaba ng aking dila dahilan para maisuka ko ang dapat kong isuka.
"Krr…" Narinig ko ang pag react ni Haley Miles Rouge. Wala na siyang kawala, hinawakan na siya nung dalawa kong kasamahan kaya mas nakarinig ako ng bulong-bulongan sa lugar na ito, nagsisimula na silang mataranta.
Tumayo na ako nang maayos at pinatunog ang aking leeg. "Naisahan mo 'ko ro'n, ah?" Lumakad ako palapit sa babaeng iyon na masamang nakatingala sa akin. Naramdaman ko na lumabas ang aking ugat sa sintido dahil nakaramdam talaga ako ng pambihirang galit kaya wala sa oras na sinuntok ko ang sikmura ng babaeng 'to dahilan para lumabas sa bibig niya ang dugo't manlaki ang mata.
Napatayo ang isa sa mga customer. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo sa bata?!" Turo niya sa akin kaya dahan-dahan kong nilingon ang walang hiyang nagtatanong ng mga walang kwentang bagay sa akin.
Nang magtama ang tingin naming dalawa, bumaba nang kaunti ang kamay niyang nakaturo sa akin at tila parang natakot dahil sa paraan ng aking pagtingin.
Inilabas ko ang baril na nakatago sa poketa ko't itinutok sa kanya bago ko iputok mismo sa kanyang noo.
Tumili't sumigaw ang nakararami kasabay ang pagtakbo nila paalis sa lugar na ito, may isang bata naman na nandito't nagsisimula ng umiyak kaya sa inis ko ay hinanap ko iyon upang patahimikin.
Nandoon sila sa kaliwa kong bahagi, akap akap ang batang lalaki ng ina niya sa gilid at nanginginig sa takot na nakatingin sa akin lalo pa noong nagsisimula na akong lumapit sa kanila.
Tumili ang ina at napaupo sa takot, gumapang din ito paatras habang nagmamakaawa na huwag silang saktan at patayin.
Huwag silang saktan? Paano sila mananahimik kung hindi ko sila papatayin?
Nakahinto na ako sa tapat nilang mag-ina kaya mas nanginig ang mga ito kumpara kanina, umingay rin ang bata kaya pumikit nang mariin ang ina at mas niyakap nang mahigpit ang anak.
Inangat ko ang baril ko sa kanila't kinalas ito para sa susunod na pagputok, handako ng pindutin ang trigger. Subalit mabilis akong napalingon sa glass wall nang mabasag ito dahil sa patalon na pagpasok ng isang tao sa hindi ko malaman kung saan galing. Binitawan na niya ang black rope-- o sabihin na nating rope dart upang makarating dito.
Sinundan ko ang tingin nung rope dart.. Nanggagaling siya sa pinakataas na palapag. Baka doon niya isinabit.
Ibinaba ko ang tingin sa taong nakasuot ng kanyang puting maskara. Itinutok niya sa akin ang isa niyang baril at ipinutok sa baril na hawak ko para mabitawan ko iyon at pumaikot-ikot sa sahig.
Napapitlag ako't umatras ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Samantalang nakatayo lang siya roon at nakatingin sa akin. Nang iangat niya nang kaunti ang ulo niya, doon ko nakita ang kulay asul niyang mata dahilan para makaramdam ako ng pangangamba. "Vivien Villafuerte….?" Hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya saka ko naalala 'yung pagtunog ng wrist watch ng Haley Miles Rouge na iyon kanina.
They planned this all along?!
Dikit-kilay kong inilipat ang tingin sa gawi ng kambal niya. "Take her away from here!" Tukoy ko kay Haley Miles Rouge kaya napatingin bigla si Vivien Villafuerte kung nasaan ang kapatid niya kasabay ang pagbato ng dalawa kong kasamahan ng smoke bomb sa sahig at mabilis na umalis sa lugar na ito.
Susundan pa sana niya iyon pero inilabas ko pa ang isa kong baril na nakatago para iputok sa mag-ina ang bala.
Kaya pareho na itong mga nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo. Nakalingon si Vivien Villafuerte sa aking mga pinatay at mukhang nagulat pa sa ginawa ko dahil nakita ko kung paano manlaki ang mata niya. Malamang, nakalimutan na niya 'yung sa mag-ina.
Humalakhak ako sa tuwa. "Talagang nanghihina ka kapag nandiyan 'yang kapatid mo, ano?" Panimula ko kaya inilipat na niya ulit ang tingin sa akin, ibinalik na rin niya 'yung malamig na paraan ng kanyang pagtingin habang sumeryoso na rin ako. "Huwag mo 'kong lalagpasan."
Laraley's Point of View
Pagbabanggaan ng baril, pagputok nito at ang pag-ilag sa bawat atake ang ginawa namin ngayon sa pinakamataas na palapag nito.
Nagulat ako kanina nung mag text ang number ni Haley sa ginagamit na contact number ni Roxas. Nasabi niya na alam na niya kung sino 'yung mastermind, na sa una hindi ko maintindihan kung paano niya nalaman.
Flashback:
Nag-aayos ako ng mga bala ng baril ko't inilalagay isa-isa sa magazine kabilang na rin ang tig-isang puting bala sa dalawa kong pistol gun na nagsesenyales sa existence ni Vivien Villafuerte noong kumatok sa pinto ko si Roxas.
Dito pa rin kami nakapwesto sa abandonadong gusali na hindi lalayo sa area nila Haley para kung magkaroon man ng problema, mapupuntahan kaagad namin. Dito 'yon sa area ng SAED, sa siyudad kung saan nalaman namin na narito lang ang lokasyon ng iba pang nakatagong tao sa B.R.O.
Pumasok si Roxas habang angat-angat ang cellular phone. "Nakalabas na 'yung kapatid mo sa bahay. Pero may kaunti yata tayong problema?" Patanong niyang saad kaya humarap ako sa kanya saka ako tumayo mula sa pagkakaupo sa stool.
Ibinigay niya sa akin ang phone niya para ipabasa sa akin ang message ng kung sino man.
"Pupunta 'yung kapatid mo sa lugar na 'yan, at alam na rin daw niya kung sino 'yung mastermind." Wika ni Roxas habang binabasa ko ang text message.
Today 7:19AM
Roxas. Pakisabi kay Lara na pupunta ako sa District 13th ng SAED, sa may Nwonknu Resto. Unang palapag, hihintayin ko kayo within 8:00 AM sharp. Kilala ko na kung sino 'yung pwedeng maging mastermind.
Iyan ang nilalaman nung text. Nagsalubong ang kilay ko't napahigpit ang hawak sa phone. "Kilala…?" Banggit ko sa sinabi ni Haley.
Inilabas ni Roxas ang tracking device niya. Para lang din itong cellular phone pero kakaunti lang ang pindutan. "Na sa atin pa rin 'yung track ni Haley. At mukhang pupunta nga siya ro'n sa nabanggit niyang lugar ayon dito sa red dot nung program." Inangat niya ang tingin sa akin at bumuntong-hininga. "Gusto talagang magpahabol sa kamatayan 'tong kapatid mo. Pero ano'ng gagawin natin?"
"Ngh." Tumungo ako at muling tiningnan ang mensahe. Huminga ako nang malalim at pumikit ng panandalian bago humarap sa mga kakailanganin kong gamit. "Alam nating na sa SAED din ang mga natitirang tao sa grupo na iyon. Kung nagkataon na si Haley ang unang nakaalam sa ninuno nung platoon na humahabol sa kanya, mas maganda. Mukhang may hindi tayo napansin na si Haley lang ang nakapansin. Kaya pupuntahan natin." Hindi ako sang-ayon dito sa ginawa niya, but I believe she have something in her mind kaya pinapapunta niya kami ro'n ng ganoong oras.
"Eh… Mukhang relax ka lang, ah?"
Nilingunan ko naman siya, nakalinya ng ngiti ang labi niya kaya umismid ako at kinuha ang dalawa kong baril. "I trust her. She's my twin sister after all."
End of Flashback:
Mabilis akong umatras nang mapagtanto kong matatagalan ako sa pakikipaglaban dito.
Napapalibutan ako ng mga matataas na rango ng platoon niya, ito pa 'yong tinatago niya na hindi niya mailabas.
Pademonyong tumawa ang lider ng platoon na ito. Ano ngang pangalan niya?
Inilagay niya ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at nag bow nang kaunti sa akin na may ngisi sa kanyang labi. "Alam ko nagiging bastos ako sa'yo, pero kailangan ko ng mauna. Ako nga pala si Noel. Sana tandaan mo 'yan, Vivien Villafuerte." Mas lumapad ang ngisi niya na hindi ko inimikan. "Ibibigay ko sa 'yo 'yung pira-pirasong katawan ng kapatid mo, huwag ka mag-alala. Makikita mo pa siya." Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na nga siya kaya mas lumapit pa ang mga tao niya sa akin at mas pinalibutan pa ako.
Nakasuot sila ng parang pang assassin, nakatakip ang mga mukha nila ng tela at may mga katana sa kanilang beywang.
"Boku wa anata ga sudeni jibun jishin o junbi shite iru koto o negatte imasu."
[I hope you already prepared yourself.] Sabi ng isa sa kanila. Naiintindihan ko 'yon dahil nag-aral ako ng iba't ibang lengguwahe bago mapasabak sa battle field.
Pumikit ako upang pakiramdaman ang paligid. May aatake sa akin mula sa itaas kaya mabilis kong iminulat ang mata ko't umatras nang kaunti para hindi matamaan ng katana niya.
Nakalapag na siya sa sahig, at noong makalingon siya sa akin para sa isa pang pag-atake ay hindi na ako nag atubiling iputok kaagad ang baril ko sa noo niya. Padapa siyang bumagsak sa sahig, samantalang pinatalon ko ang umiikot na katana niya ngayon sa pamamagitan ng pag-apak nung hawakan nito saka ko sinalo noong na sa tapat na ng mukha ko ang holder nung katana.
Itinusok ko ang mahabang patalim sa ulo nung binaril ko bago ko hiniwa ang leeg dahilan para maghiwalay ang ulo niya sa sariling katawan.
Sinipa ko ang ulo niya papunta sa mga kasamahan niya kaya gumulong ito papunta sa harapan na sinundan lang naman nila ng tingin. Ibinalik din nila sa akin pagkatapos. I am simply declaring war.
Malakas kong ini-swing ang katana pakanan para maalis ang dugong dumikit dito. Huminga ako nang malalim at tiningnan sila ng matalim. "Try and ascend me then."
*****