webnovel

Chapter 9

Kasalukuyan akong nag iimpake ng aking gamit at nahihirapan akong mamili ng aking mga susuotin eh sa sobra ko ba namang excited sa camping namin hindi ko na talaga alam kung ano ang dadalhin kong mga damit.

Napatungin ako sa wrist watch ko, 11:43 pm na pala! Naku naman hindi pa ako tapos mag impake!!! Baka malate ako nang gising bukas.

Binilisan ko yung pag iimpake, 12:18 am na ako natapos at napatingin sa mga bagahe ko mygoshhhhh saan ba ako pupunta?! Bakit dalawang maleta yung dala ko?! Bahala na nga si batman atleast marami akong damit na pagpipilian dun.

*kring* *kring* *kring*

Ano ba naman itong alarm clock ko nakakabulabog ke aga aga kaya pinatay ko nalang atsaka 6:00 am pa lang siguro, unang alarm pa lang kasi ehh may alarm pa kaya akong 6:05, 6:10, 6:15 at 6:30 ohh dba kumpleto! 7:30 am pa kasi yung call time namin sa school..

(Tulog) (Tulog) (Tulog) zzzzzzzz.....

Ahhhh ano ba tong cellphone ko ang ingay ingqy hindi pa naman nakaabot ng five minutes yung tulog ko ahh, papatayin ko na sana nang makita ko na tumatawag pala si drey.

'Hellooooooooo by' bati ni drey

'Hi' garalgal pa yung boses ko

'Bagong gising yung boses mo mahal na prinsesa ah! Alam mo ba kung anong oras na??'

Tumingin ako sa wall clock ko, O.MY.GOSHHH 6:30 na pala sooo ibig sabihin hindi ko pala narinig yung unang alarm ko!!! Huhuhuhu kailangan ko nang bilisan ang pag ligo ko

'Mygoshhh drey late na ako ng gising! Mamaya na lang tayo mag-uusap kapag nasundo mo na ako dito!'

"BY SANDALI LANG HINDI KITA MASUSUND--' hindi ko na pinatapos yung sinabi niya dahil mag aayos ako, baka mapapagalitan na naman kami ni Ms. Dimabangbang kapag nalate kami ulit ni drey

*After 30 minutes*

Natapos ko agad ang pag aayos ko syempre hindi ko makakalimutan na suotin yung necklace na bigay sakin ni drey shockksss ang ganda talaga mahhh favourite color at yung shades ko na syempre mint green na gradient din yung color ng lens!

Bumaba agad ako at mag aalmusal na sana ng biglang may nagsalita

"Jen good morning... " may narinig akong baritonong boses

MOMMY NANAGINIP BA AKO?! FAMILIAR YUNG BOSES NA YUN!! AT SIYA LANG ANG TUMATAWAG SA AKIN NG JEN!!!

Kaya agad akong napalingon sa nagsalita, CONFIRMED siya nga!! Walang iba kundi si GAB GAB!!! OMYGASHHHH NAKAKAHIYA NALATE KAYA AKO NG GISING!! AT SI GAB HINDI LATE KUNG SUMUNDO!

Pero wait-- bakit nandito si gab?! Bakit hindi si drey ang nandito?!

"Ahhmmm.. good morning din" bati ko na medyo nahihiya pa

"Mukhang hindi mo talaga siguro ineexpect na susunduin kita..."

"Oo eh akala ko kasi si drey ang susundo sa akin.."

"Hindi ka nga talag siguro nakapag online kaya hindi mo nabasa yung message ni grey"

Dahil sa sinabi ni gab gab agad kung kinuha ang phone ko at nagback read...

GROUP CHAT

GREY:

Guys sino ba yung available diyan na pwede sumundo kay by sa bahay nila?? Medyo nagkaroon kasi ng agarang emergency sa bahay, basta alam niyo na yun

GREY:

@Jenevie Clarisse Chua, by pasensiya ka na talaga wag kang mag alala susunod din ako dun.

JACOB:

Sorry bro susunduin ko kasi si Audrey at kasi out of the way yung bahay nina Clarisse

VINCENT:

Susunduin ko naman si Sheena

KYLE:

Susunduin ko si Stallie

ANDREW:

Ako naman susunduin ko si Baby Jessie natin

JESSICA:

OHH SHUT THE F*CK UP ANDREW! I ALWAY SAY THIS BUT I WILL REPEAT IT AGAIN! QUIT CALLING ME BABY!

JOSHUA:

HALA KA ANDREW NAGALIT MO SI BABY JESSIE! HAHAHAHAHA Drew sama ako sa inyo tinatamad akong magdrive eh!

JESSICA:

WHATEVER! IDIOTS!

END OF CONVO

HAHAHAHAHA NAKAKATAWA TALAGA YUNG GROUP CHAT NAMIN! Puno ng asaran!

So back to reality, muntik ko makalimutan na nandito pala si Gabriel

"Sige Chase kukunin ko lng yung maleta ko sa itaas" ughhhh I miss calling him chase

Natigilan siya ng marjnig niya ang tawag ko sa kaniya

"Tulungan na kita jen alam ko naman kapag camping yung bagahe mo parang pangbakasyon" imbis na maasar sa sinasabi niya ay kinikilig ako dahil kilalang kilala niya pa rin ako

"Okay"

Kinuha namin ang maleta sa kwarto ko

"Hindi ka pa rin pala nagbabago jen, mahilig ka pa rin sa mga bagay na mint green"

"Oo eh nakahiligan ko nang kolektahin"

Tumingin siya sakin at napansin niya ang suot kong kwintas

"Hindi naman jen sa pakikialam pero sa pagkaka alala ko hindi naman ako nagbigay sayo ng kwintas na yan ahh pero ang ganda..."

"Ahhhhmmm si Adrian kasi nagbigay malamang magbf gf kami, nagbibigayan na kami ng regalo hehehehehe" spell awkward, K.A.M.I oo awkward na awkward ang sitwasyon namin dito ngayon ni gab dito

"Oo nga naman normal naman yun, tara na jen baka malate tayo 7:15 na kasi eh" pag iiba ni gab ng usapan, tama nga siya baka malate kami

*SA KOTSE*

Ang tahimik naman ng kotse, tumahimik na kasi si Gabriel. Magsasalita na ngalan ako

"Kamusta na kayo ni... sino nga ba yung gf mo chase??"

"Mikaela" maikling sagot niya

"Ahhh kamusta na pala kayo ni Mikaela?"

"Okay lang naman kami, mabait naman siya kaya nga minsan parang naiisip ko na she's too good for me and I don't deserve her because she's almost perfect"

Parang hinihiwa yung puso ko at nakakaramdam ako ngayon ng napakatinding kirot sa dibdib ko... hayyssss

"Ahhh okay"

*tahimik*

"Kayo ni grey, kamusta kayo?"

Oh oh paano ko ba to sasagutin, nalimutan ko kami nga pala ni drey dapat mapaselos ko si gab

"Ok na ok kami, hindi naman mahirap mahalin si drey, alam mo naman si drey natural siya na sweet sa girls, kaya nga na iintindihan niya ako sa lahat ng kadramahan ko. Kaya masayang masaya ako na parati ko siyang kasama.."

"Iba talaga si drey kung sa bagay, mas bagay talaga kayo.." yuckkk gab! Kung alam mo lang! Mas bagay tayo! Isang malaking yuck na bagay kami ni drey!! Chase, gab gab hindi ka man lang ba magseselos?!

Sa wakas nakarating na din kami sa school, mabilis talagang magpatakbo ng kotse si Gabriel. We arrived exactly 7:30 am

Tinulungan ako ni gab na dalhin yung dalawang maleta ko goshhh nakakahiya pero nang makita ko si Aeriela na dala dala niyang dalawa niyang maleta ay medyo naging kumportable na ako, atleast hindi lang ako maarte sa batch namin syempre supportahan kami ni bestie kahit na hindi niya ako pinapansin.

Pero wait-- what?! Bakit magkasama sila ni ADRIAN?! What's happening to the earth?! Ano to EXCHANGE PARTNERS ?!