webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
110 Chs

CHAPTER 107 - SHOWER SURPRISE!

CHAPTER 107 - SHOWER SURPRISE!

-----

1 Month later...

ETHAN SMITH POV

August. 06, 2025. Napagpasyahan namin na dumalaw sa Children's Home yung bahay ampunan na palagi kong dinadalaw every birthday ko. Yun nga lang dahil nasa Paris kami ng 2 years kaya simula nun ay hindi na ako nakakadalaw dito.

Naisip namin na pumunta para mapakilala ang mga anak namin. It will be the first time na makikita nila sina Eros and Elisse ng personal. The Twins are also excited lalo na nung nalaman nila na puro bata ang mga nasa ampunan.

Kaya makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na din kami. Surprise ang aming pagbisita dahil ayaw pa namin na mag abala pa sila sa pagpunta namin. Meron din kamin kabuntot na isang truck kasabay namin na naglalaman muli ng mga pagkaen, damit, at ilang mga gamit like mga upuan, lamesa, kitchen set, at ilang mga sapatos at tsinelas.

Gulat na gulat sina Mother Liza nang makita nila kami sa gate. " Hala, Diyos ginoo. Doc. Ethan napadalaw po kayo." Hindi na napigilan ni Mother Liza at ilang mga Madre ang maging emosyonal. At syempre nahawa na din kaming mag asawa.

"Haha, ano ba yan. Nag iyakan na tayo. Haha." wika ni Ethan na emosyonal nang makitang muli ang mga Madre ng Children's Home.

Agad namin silang niyakap. Maging ang kambal ay nakiyakap din.

" Aba, eto na po ba ang kambal Doc? Ang laki na nila. Ang ganda at pogi talaga. Manang mana po sa inyong dalawa. Napakaganda talaga ng inyong kombinasyon. Mga artistahin oh." wika ni Mother Liza. "Tara dito na muna tayo sa loob. Tiyak magugulat ang mga bata na naparito kayo."

Kaya agad kaming tumungo sa loob, grabe naeexcite na ang kambal. " I wanna go, I wanna go!" excited na sabi ni Elisse. " Me too, Me too!" gayun din si Eros.

At sobrang priceless ng mga reaksyon nila nang makapasok kami sa loob. Kita mo ang pagkamangha ng kambal nang makita ang mga bata sa loob. Agad naman kaming winelcome at nilapitan.

Hindi naman matapos ang pagkaway at pagbati ng kambal sa mga bata.

" Grabe hon, tignan mo yung kambal ohh. |Natutulala sa dami ng pwede nilang maging kalaro. Hahaha." wika ni Penelope habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak.

Ilang oras din ang tinagal namin sa ampunan nakipaglaro din ang kambal sa ilang mga bata at kita ang enjoyment sa dalawa. Halos ayaw na nga ding umuwi eh. Talagang sayang saya sila sa mga kalaro nila. At hanggang sa nagpaalam na kami sa kanila.

" Sige po, Mother Liza. Kitakits na lang po." wika ni Ethan bago ito sumakay ng sasakyan.

Emosyonal naman si Mother Liza nang magpaalam ito sa aking asawa. " Congratulations sa inyong dalawa. Tsaka pasensya kung nagiging emosyonal ako. Sobrang saya ko lang kasi para sa inyong dalawa. Nawa'y patnubayan kayo ng poong may kapal at bigyan ng malulusog na pangangatawan para sa inyong mag asawa ganun na din sa inyong mga anak at magiging mga anak pa."

" Maraming salamat po, Mother Liza. Hinding hindi po namin kayo malilimutan lalo na po itong ampunan. Sobrang halaga niyo po sa buhay namin ni Ethan." emosyonal ding tugon ni Penelope.

At matapos ay umalis na kami at dumiretso naman sa lugar na pag iistay-an namin pansamantala...

Ang The Royal Sea Resort!!

Alright! Grabe sobra naming namiss itong lugar na to. Pagkababang pagkababa pa lang namin mula sa basement hindi namin mapigilan na matawa na lang.

" Ready ka na ba, Hon? to see the resort again? The place where it all started. Hahaha." tanong ni Ethan habang nakaharap sa may elevator.

Natawa ang asawa ko sa sinabi kong iyon. " Oho, Mr. Smith! Hahahah!" biro ni Penelope.

At sumakay na kami ng elevator at... Ting!

Nandito na kami sa loob. At aba dalawa ang driver na nag aabang sa amin. Isa ay para daw sa aming mga bagahe. Hmm pero napansin ko na parang wala ata si Kuya Robert? Kaya tinanong ko sa bagong driver pagkasakay namin.

" Sir, excuse me? Kilala niyo po si Kuya Robert? I mean yung dating driver nitong cable car?" tanong ni Ethan.

Medyo napaisip pa si Kuyang Driver " Ahh si Sir. Robert sir yung Assistant po ni Sir Lucas? Tama po ba?"

Nagulat ako nang marinig ko yun. " Ohh really? He got promoted by Lucas?"

" Yes po sir. Nag-resign na din po kasi yung dating Assistant ni Sir. Lucas na si Sir. Bernard dahil mag aasawa na po kaya si Sir. Robert ang pinalit." tugon ni Kuyang Driver.

" Ohh I see, salamat Kuya ha. Ano nga po ba ang name mo? tska name din ng isa pang bagong driver?" tanong muli ni Ethan.

" Ako po sir ang name ko po is Joshua at yung isa naman po siya naman po si Ken." tugon ni Kuyang Driver.

At ilang minuto lang nakarating na kami sa villa namin. Tulog na tulog naman ang kambal nang makarating kami kaya napili na din namin magpahinga na muna ng asawa ko.

----

PENELOPE THOMPSON POV

At mga 5 pm nang magising kami. Sweet sweetan pa kami ng asawa ko.

" I love you, hon." wika ni Ethan.

" I love you more, hon." tugon ni Penelope.

" 2 days nalang birthday mo na. At syempre wedding day na din natin. I am so excited." wika ni Ethan habang yakap ang asawa nito.

Grabe, sobrang bilis nga ng mga araw. At ayun nga napagkasunduan din namin na isabay na sa birthday ko yung araw ng kasal namin kasi why not nga naman diba. Kung yung proposal sa akin ni Ethan is nung birthday niya kaya maigi din na yung wedding day ay sa birthday ko naman. At napili namin na gawing beach wedding ang theme ng kasal namin since na mahilig kami sa nature na mag asawa parang ang sarap kasi sa feeling na habang kinakasal ka naririnig mo yung hampas ng mga alon, mga ibon, yung simoy. Hayy, ang romantic. Ano ba yan, lalo tuloy akong naeexcite!

Nang biglang...

Knock! Knock! Knock!

Hmm? Aba ang galing ng timing.

At pinagbuksan naman ng asawa ko. At bumungad nga, sino pa ba? Kundi ang nag iisa kong beshie.

" Hi Beshie!" high energy na bati ni Mica sabay beso sa kaibigan.

" Ang energy, beshie ha." tugon naman ng gulat na gulat na si Penelope.

Tawang tawa ang beshie ko. Hmm bat parang nakainom to?

" Pasensya ka na Ethan ha. Pwede ko bang hiramin itong fiance mo? Saglit lang babalik ko din. Hahaha." paalam ni Mica kay Ethan.

Nagulat naman ako sa sinabing iyon ng beshie ko. Aba may balak ata itong babae na to.

Natawa na lang ang asawa ko sa kanya. " Haha. Sige sige no problem. Paki-ingatan lang ha. Nag iisa lang yan." tugon ni Ethan.

" Hahahaha! Oo naman. Beshie ko yan e. May gagawin lang kami." nakangiting sabi ni Mica. " Nga pala, wag kang mag alala Ethan. Yung asawa ko nandun sa labas. Alam ko hihiramin ka din nun." dagdag pa nito.

Aba, mukhang alam ko na ang balak ng mga to ah. Kaya nag usap muna kami ng asawa ko tungkol sa mga bata at napag desisyunan namin na kay Ethan na muna maiiwan ang mga bata dahil nakakatunog na ako sa balak nitong beshie ko.

" Sige na Ethan, mauna na kami. Saglit lang to promise." wika ni Mica.

Tumango lang si Ethan at umalis na nga kami ng beshie ko.

ETHAN SMITH POV

At nang pag alis nila ay sakto naman ang gising ng kambal. Kinuha ko na ang mga bote ng gatas nila para makapag prepare na ako bago pa man silang sabay na umiyak.

" Wait lang po mga mahal ko. Kunin lang ng Daddy ang inyong mga dede." wika ni Ethan na dali daling nag timpla ng gatas para sa anak.

" Aba, Daddy's duties ha? Hahaha." wika ni Lucas na bigla nalang sumulpot.

Nagulat pa ako dun. Paglingon ko si Lucas pala bitbit ang natutulog na si Kaehla.

" Haha, sup bro. Time really flies so fast no? Parang kelan lang mga alak ang hawak natin ngayon heto. Dede na para sa anak hahaha." wika ni Ethan habang binibigay ang mga natimplang gatas sa anak.

" Sinabi mo pa bro. Pero sa totoo lang nung nagkaanak na ako talagang binago nito ang buhay ko. Anyways, bago pa tayo mag iyakan dito tara dun tayo sa labas bro. May bonfire akong sinet dun malapit sa dagat. I know magugustuhan mo yung lugar safe din yun para sa bata don't worry. They can relax there." tugon naman ni Lucas.

Sounds great, at since wala naman ang asawa ko kaya sumama na din ako kay Lucas. Malapit lang naman daw yung pupuntahan namin. Kalapit lang nitong villa namin.

At totoo nga dahil nilakad lang namin at nandito na kami sa area at wow! Imbis na bonfire ang bumungad eh mga mahal ko sa buhay ang agad kong nakita. Nagpababa agad ang kambal nang makita ang mga Lolo nila. Sina Daddy at Daddy Harvey, present din ang Millionaires gang, maging sina Kuya Patrick, Kuya Robert, Piolo at Dennis ay kasama din ang mentor ko na si Dr. Arman at kasama din si Ninong General Samonte at ang family lawyer na si Atty. Gonzalez. Wow! Nice to see this guys again!

Kaya agad akong lumapit at isa isa silang kinamayan at cinongratualte din nila ako.

" Salamat sa inyo ha. I didn't expect na ngayong araw na ito ay magkikita kita ulit tayo. Kung sinuman ang nag organize nito maraming salamat." masayang sabi ni Ethan nang makitang muli ang mga espesyal na tao sa kanya.

" No problem, bro. Welcome, eto nga pala ang iyong Groom Shower." wika ni Lucas.

Everybody. "CHEERS!"

-----

Samantala...

PENELOPE THOMPSON POV

" Kaloka ka naman, beshie. Bakit kasi may pa blindfold pa? Natatakot ako. Mamaya kung ano to ha. Yari ka sakin." wika ng natetense na si Penelope habang naglalakad sa isang room ng nakablindfold.

Omg! Ano nanaman bang kalokohan to beshie? Kabang kaba ako habang naglalakad. At kahit na hawak ako ng beshie ko pero ninenerbyos talaga ako. Mamaya kung saan ako dalhin nito.

Hanggang sa pinaupo na niya ako.

" Beshie, you can now take off your blindfold." wika ni Mica.

At dahan dahan kong tinanggal ang blindfold dahil baka kung may kung anuman ang biglang lumabas. Pero laking gulat ko nang...

" Huh? Ano to beshie?" nagtatakang tanong ni Penelope.

Kaloka bakit ganito? Nasa isa kaming room na may mga lobo, disco light, upuan, meron pang mga wine at foods sa lamesa pero walang tao.

Hindi sumagot ang beshie ko at bigla na lamang tumalikod.

At kaloka bigla nalang tumugtog ang kantang Under the influence ni Chris Brown.

Jusko po maloka loka ako sa kakatawa nang bigla nalang din sumayaw ang beshie ko. Sexy dance omg! Pero infairness magaling naman talaga sumayaw itong beshie ko. Pero mas naloka ako nang lumabas na ang mga Nurse ng Twin Tulips Hospital. Jusko po sina Nurse Hazel, Jema, Danica, Ella, at Giselle. At hala hindi din papakabog si Ate Bella, ngayon ko lang nalaman na marunong din pala sumayaw ang Ate Bella ko.

At natapos na ang tugtog. Akala ko talaga tapos na, nang bigla nalang tumugtog ang kantang Earned it ng The Weeknd.

Hala gulat na gulat ako, Omg! Si Ate Rosa! HAhahahaha, nakakaloka akala ko ba nagbabakasyon ka ate? Kaya hindi namin siya kasama dahil nagpaalam siya na mag babakasyon muna habang nandito kami. Hahahaha! Kabogera ang Ate Rosa ang galing gumiling. Parang makakabingwit din ng foreigner kaparehas ng mga kasambahay namin nuon hahaha. At speaking, sumunod na sumayaw ay si Nanay Helen. Omg! Nanay Helen, sobrang sexy! Todo bigay din siya sa pagsayaw. At hala mukhang ito na ang pang finale!

Hindi ko na talaga kinaya, naluha na ako kakatawa nang makita ko na sina Mommy na ang sasayaw. Nag wig pa ng kulay at dilaw itong mga Mommy ko. Hahaha! Tapos ang colorful ng mga outfit. Hala sige, kembot. Infairness mga bagong pakulo ang mga Lola/ Mommy.

At sa wakas, natapos na din. Grabe sobrang saya lang. Naiyak talaga ako kakatawa sa kanila. Di ko inexpect grabe. Sobra kong silang naappreciate dahil talagang pinasaya nila ako ngayong gabi. Di ko inexpect na ganito pala ang mag bridal shower. Sobrang saya lang at matapos ay isa isa ko na silang niyakap at nagpasalamat na din sa kanilang mga effort.

Kaya matapos ay kumaen na kami. Grabe, kanina pa din ako laway na laway sa mga pagkaen dito. Feeling ko yung kambal sa tiyan ko naman ang sumasayaw dahil sa likot nila habang kumukuha ako ng pagkaen.

At matapos ay binuksan na din ang mga wine, at dahil buntis ako tamang nuod lang ako sa kanila. At kinuha ko na din ang oportunidad na yun para makapagpasalamat muli dahil sobra talaga akong naoverwhelm sa effort nila.

" Hello sa inyong lahat, sa mga magaganda kong bisita ngayon. Maraming maraming salamat sa inyo lalo na sa nag abala dito sa Bridal Shower na to. Hindi ko talaga ineexpect na magkakaganito pa ako. Beshie ko, thank you so much. Alam mo kung gaano kita kamahal. Sa mga nurses salamat sa inyo mga sis, sobrang namiss ko kayo."

At hindi ko na nga din napigilan na mapaiyak. Namiss ko din kasi itong mga co-worker ko. It's so nice seeing them again. " Salamat ha, kahit na hindi na ako nakakapunta ng Hospital eh hindi nyo pa din ako nakakalimutan. Mahal na mahal ko kayo. Ate Bella, salamat dahil palagi ka din nandyan para sa family ko, family natin. Salamat sa lahat ate sa pag gabay mo din sa akin. Mahal na mahal kita alam mo yan. Nanay Helen at Ate Rosa, grabe salamat sa inyo. Sa pag aalaga sa amin, sa pag titiis. Mahal na mahal po namin kayo ni Ethan forever na po kayong magiging parte ng pamilya. At sa mga Mommy/ Lola, salute sa inyong dalawa sa pag reremind palagi sa amin ni Ethan lalo na sa mga panahon na kailangan na kailangan namin kayo. Never kayong nawala sa tabi namin. Salamat sa nag uumapaw na pagmamahal, mahal na mahal din namin kayo."

At matapos kong magsalita ay niyakap din nila ako.

" Sorry guys, kung emotional." wika ni Penelope na pinupunasan ang kanyang mga luha. " Tama na muna ang iyakan. Salamat sa masayang gabing ito. It's now time to have fun. Let's cheers guys." wika ni Penelope na may hawak na wine glass ngunit walang laman.

Everyone. "CHEERS!!"