(( Vanellope ))
Pumasok ako sa isang store kung saan ako magtatrabaho.Actually,si Kring dito din nagtatrabaho.Sya yung nagpasok sa akin dito kasi close sila ng boss nya.
Hinanap ko naman agad yung manager.Pumunta ako sa cashier area,meron dun lalaking naka polo na blue na mukhang abala sa kaharap nyang computer.At sa side nya meron babaeng cashier na mukhang mataray..
"Good Morning po" sabi ko dun sa lalaking nakapolo.Pero hindi nya pa rin ako pinapansin.
Snober naman pala 'to.
"Sir?" sabi ko ulit.Baka naman mapansin nya na.
Tiningala nya ako at ngumiti.Hays.Buti naman.
"Ikaw ba yung friend ni Kring?" tanong nya.
Tumango naman ako at binigay ko sa kanya ang resume ko.Binasa nya ito at nagsimula na akong mag training..Si Sir na mismo nagturo sa akin kung pano tupiin ng maayos ang mga damit at meron itong soft tag at hard tag na nilalagay para hindi manakaw.
Infairness ang gwapo ni Sir sa malapitan.Hahaha kasi naman nagkaroon ako ng time para pagmasdan sya habang tinuturo nya sa akin ang dapat kong gawin.
Sayang nga lang, lalaki din yata type nya eh🤭
(( Cristoff ))
Pagdating namin sa mall kumain muna kami.Pinag usapan namin ang tungkol kagabi sa barko at si Kenneth naman nagmamadaling kumain.Nagkatinginan naman kami ni Gab sa kilos nya pero hinayaan lang namin ito.
Pagkatapos namin kumain niyaya kami ni Kenneth na pumasok sa isang store.Parang excited sya.
(( Vanellope ))
Habang nagtutupi ako may dumaang lalaki sa harap ko.Naka salamin ito.Nakangiti ito sa akin .. Parang nag slow motion ang nangyaring pagdaan nya.. Galing sya ng fitting room kasi may bitbit syang damit.
Lumapit sya sa lalaking nasa harap ko na ginawang ukay ukay ang mga inayos kong damit.Magkaibigan pala sila.
Ngumiti ito sa akin bago nagsalita.
"Miss may medium size ba kayo nito?"tanong nya.
"Tingnan ko po muna Sir, sandali lang"pumunta ako ng cashier at chineck ko sa computer...
" Last size na to sir" binalik ko sa kanya yung damit at ngumiti.
"Sayang naman, gusto ko kasi to"malungkot nyang saad.
Nag uusap naman sila ng mga kaibigan nya sa harap ko.Yung isa panay hanap ng size nya.Ginawa na talaga nila itong ukay ukay.
Ako naman panay ayos ng mga damit na ginulo nila. Pero hindi ko pinapahalata na naiinis ako kasi customer ko sila🤭.
"Matagal kana dito?" tanong ng naka salamin.
Tumingin naman ang dalawa nyang kaibigan sa akin.
Nginitian ko sila.
"Ah hindi, first day ko pa lang ngayon"
"Patingin nga ng ID mo" sabi nung kasama nyang parang hindi nakatanggap ng ayuda ng pamahalaan.Ang payat eh.
Binigay ko ito sa kanya at tiningnan nila ito.Binasa ang pangalan ko at sabay silang tumawa.
Tumaas naman ang kilay ko sa kanila.
"Anong nakakatawa sa ID ko?" masungit kong tanong .
"Naka free data ka yata miss, walang picture mo eh"sabay balik nya sa akin.
Shocks!Wala nga pala akong picture sa ID ko! Mygod! Nakakahiya🙄
(( Cristoff ))
Tawang tawa ako sa reaksyon nya.Sobrang cute nya kasi🤭😊. Para syang maliit na koreana na nagtutupi sa isang boutique.Ganda ng mga mata nya,na kahit ilang oras mong titigan hinding hindi ka magsasawa.Yung ilong nyang sobrang cute na bagay lang sa maliit nyang mukha.Lahat ng nakikita ko sa kanya bagay lang sa mukha nya.
Kanina pa talaga dapat ako magtatanong ng pangalan nya habang pinagmamasdan ko syang nakatingin sa mga kaibigan kong ginugulo ang mga nakatuping damit.Alam kong naiinis na sya kasi kita ko sa mga mata nito na naniningkit.hahaha!
At buti na lang hiniram ni kenneth ang ID nya.Kinabisado ko agad pangalan nya dun ng tingnan namin ni Gab.At yun,walang picture nya kaya tumawa kaming tatlo,🤭😊 "Vanellope Reyes"Nakalagay dun.
"Ito na napili ko,ikaw tropa may napili ka na ba?"tanong ni gab sa akin.
Tumingin ulit ako sa babaeng kaharap namin na nagtutupi pa rin.Nakangiti ito kaya kita ko ang mga puting ngipin nito.Pinagmasdan ko ito at hindi ko namalayan na natagalan na pala ako sa kakatitig ko sa kanya kaya naman ang dalawa panay tukso sa amin.
Niyaya ko na ang dalawa papuntang cashier.Ramdam ko kasi na namumula pisngi ko.Baka ano pa isipin nung babaeng staff.
Pagkatapos namin mag bayad dumaan ulit kami sa kanya na nagtutupi pa rin dun.Nagpaalam naman si kenneth sa kanya na ikinangiti na naman nya.Wow naman kenneth, feeling close agad?
Nag wave lang ito sa amin.
Hanggang sa umuwi kami,hindi pa rin sya maalis sa isip ko.Parang gusto ko syang makita agad at pagmasdan sya.Ano na ba tong nangyayari sa akin? Normal pa ba to?🤭
"Nakakapagod pero worth it"sambit ni kenneth sabay higa nya sa higaan nya.
"Worth it?"tanong naman ni Gab na hinuhubad ang sapatos nya.
Ako nakaupo lang ako sa isang upuan sa gilid habang nakatulala.
"Worth it para sa iba dyan" parinig ni Kenneth.
Tiningnan ko ito pero ngumiti lang ito sa akin na nakakaloko.
"Ay oo nga pala,nakabisado mo ba yung buong pangalan nya tropa?"tanong sa akin ni Gab.
Bumaling naman ako sa kanya na ikinangiti ko..Shit! Naalala ko pala yung buo nyang pangalan.
Kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa,kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakangiti ang dalawa habang nakatingin sa akin.
Sinearch ko ito sa fb at yun! Buti na lang hindi naka private account nya.Gusto ko sana syang iadd friend kaso ayoko ng friends lang eh! ahahaha joke.
Inadd friend ko sya at nagsimula na akong maghalungkat ng mga photos nya.Okay ako na po yung stalker🤭