webnovel

The Island Between Us

"Pinagtagpo pero hindi itinadhana"Yan ang naisip ni Vanellope na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi sila nagkikita ni Cristoff.Ilang taon na rin ang nakaraan nung huli silang nag usap. Abangan ang kwento ni Vanellope at Cristoff kung pano sila pinagtagpo ulit kahit na magkalayo sila ng pinanggalingan. -Love conquers all,specially Fears. COVER IS NOT MINE.

JMP_beauty · แฟนตาซี
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 18

(( Vanellope ))

Biglang tumibok ang puso ko sa sinabi nyang yun.Inayos ko muna ang jeans na tinutupi ko bago ako bumaling sa kanya.

Nakangiti ito.Tama nga si Sir,pogi pala talaga ang pangalan nito.Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa,kung ibang babae lang siguro ako maiinlove talaga ako sa kanya🤭 Mas makinis pa yata 'to sa akin eh at OMG sobrang bango.Nakakaturn on.

Kumaway kaway ito sa akin ng maramdaman nyang natagalan ako sa kakatitig sa kanya.

"Okay ka lang?"tanong nito.

"Ay pasensya na,hindi ko lang inaasahan na ikaw pala si Mr.Pogi"

"Mr.Pogi?"

"Ah eh yun kasi ang sabi ni Sir sa akin,bigay daw yun ni Mr.Pogi hahaha ikaw lang pala"natatawang sabi ko sa kanya.Ngumiti lang ito sa akin.

Hindi na ito nakapagsalita pa kasi lumapit bigla si Kring sa amin.Nakangiti ito ng nakakaloko.

"Hi:) So ikaw pala ang secret admirer ng kaibigan ko?"tanong nya sa lalaking kaharap ko.Tiningnan naman sya nito.

"Hindi na secret kasi nakilala mo na ako,admirer na lang siguro"

Tumawa naman ang dalawa na akala mo close sila.Nagsimula na ulit ako magtupi kasi parang ako pa yung na out of place sa kanila.Sersly?close kayo?

Rinig kong nagpakilala sila sa isat isa't.

"Van anong oras nga pala break nyo?"alam kong ako yung kinakausap nya pero hindi ko ito pinansin.Naglakad ito papunta sa harap ko.

"Mamyang 4pm pa siguro"si Kring na ang sumagot.

"Sige babalik na lang ako mamaya,kita na lang tayo.May meeting pa kasi ako eh"kumaway ito bilang paalam sa amin ni Kring.Si Kring kumaway din pabalik.

Muli naman akong tiningnan ni Kring na parang nakapatay ako ng tao.

"Anong tingin naman yan?"

"Ang haba pala talaga ng buhok mo bes"pagbibiro nya.Hinampas ko ito ng hawak kong jeans.

"Hahaha mahaba naman talaga,dati pa.I mean literal naman talaga na mahaba ang buhok ko"sabi ko sa kanya.Tumawa lang ito at tinulungan nya ako na matapos ang ginagawa ko.

Ilang sandali pa,lumapit sa amin si Sir Manager.Nakapamulsa ito at seryoso ang mukha.

"Kayong dalawa sumunod kayo sa 'kin"seryosong utos nito sabay talikod sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Kring na may pagtataka.Tumayo na lang kami at sumunod sa kanya.

Dumiretso ito sa storage room.

Pagpasok namin ng storage room nakaharap na ito sa amin.

Biglang lumitaw ang mga mapuputing ngipin nito,buti naman kasi kung hindi pa ito ngumiti baka nahimatay na ako sa harap nya.Minsan kasi pag seryoso sya nakakatakot.

"Sir alam mo ba na mahihimatay na ako sa kaba,kala ko may kasalanan na naman kami"ani ni Kring sa kanya.

"uhmm ako din Sir,sobrang seryoso nyo naman kasi"dugtong ko.

Tumawa lang ito.

"So kilala nyo na si Mr.Pogi? Naku ! kung single lang siguro ako baka pwede ko syang agawin sayo Van"natatawang sabi nito.

Magsasalita na sana ako ng may pumasok sa storage room.Si Bob lang pala,sya yung naka assign sa storage room.Sa kanya kami nagpapa assist pag may sizes na kailangan.

"Sige na,sa susunod na lang ulit tayo mag usap,kakausapin ko lang 'tong si Bob."utos sa amin ni Sir kaya lumabas na kami ni Van at dumiretso ulit sa ladies section para tapusin ang hindi natapos kanina.

Madami kaming napagkwentuhan ni Kring kaya hindi namin napansin ang oras.Break na pala namin pero sabi ni Kring hintayin na lang daw namin si Mr.Pogi para daw makatipid kami.At ilang minuto ang nakalipas pinatawag kami ni Sir kaya tinungo namin ang cashier kung saan nandon sya.

"Magbreak na kayo at hinihintay na kayo ni Pogi"sabay turo nya kay Sean na nakaupo sa couch.

Nagkatinginan naman kami ni Kring.

Pls.rate this chapter if you enjoyed it' ThanksALot))

JMP_beautycreators' thoughts