webnovel

The Gangster's Chemistry Of Love(BL)

Nobody_07 · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
4 Chs

Chapter 2

"Aiden, hindi mo ba kami sasabayan ni Third para kumain ng dinner? Tanong ni Jane habang matalim na nakatitig sa akin si Third.

Parang halos ayaw na niya ako pakainin ng kasama siya at ng girlfriend niya. Ngayon lang nangyari ang lahat ng ito. Baka dahil gusto na ni Third na seryosohin relasyon nila ni Jane?

"Ano ka ba Jane! Para sa ating dalawa lang to!" Sabi ni Third habang inaakbayan niya ng mahigpit si Jane. "Tirahan nalang natin siya ng leg ng chicken." Dagdag pa niya habang binalik niya ang matalim na titig sa akin.

Hearing those words made my heart break. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganyan si Third ngayon. Hindi ko alam kung may gusto siyang sabihin. Kung ayaw niya akong makita habang kumakain sila, sabihin niya hindi yung maninira pa siya ng pakiramdam ko.

"Tama kakain nalang ako sa labas mamaya! Ako na din magliligpit ng pinagkainan niyong dalawa!" Sagot ko habang lumalabo nanaman paningin ko dahil sa mga naiipon na luha sa mga mata ko.

"Sige,shower muna ako then aalis na din ako pagkatapos." Dagdag ko habang mabilis na naglakad papuntang CR para umiyak ng tahimik.

--------------------------

Jane's POV

"Third! Ano ka ba!" Bulong ko kay Third habang sinusuntok ko ang balikat niya.

"Bakit anong ginagawa ko!" Bulong naman ni Third pabalik.

"Kaibigan mo si Aiden tapos hindi mo man lang siya pasasabayin sa atin!" Sagot ko habang nakasimangot ang mukha. "Anong klaseng kaibigan ka!" Dagdag ko habang tumayo sa pagkaka-upo ko.

"Alam mo bukas nalang tayo mag-usap kapag ayos na kayong dalawa!" Sabi ko kay Third habang tinatalasan ang pagtitig ko sakanya.

"Seryoso ka ba...?!" Tanong ni Third sa akin nang naka taas ang isa niyang kilay. "Diba sabi niya sa labas nalang siya kakain!" Dagdag niya habang dahan-dahan na tumataas boses niya.

"At sa tingin mo hindi siya nasaktan sa mga sinabi mo! Third naman!" Hindi ka na bata!" Sagot ko habang tinataasan ko na din boses ko sa harap ni Third.

"Alam mo tama nga sabi nila Cyrille! Sarili mo lang minamahal mo kaya wala kang nakakatuluyan ng matagal...!" Sagot ko habang naglalakad papuntang pinto para umalis.

"Sige lumayas ka! Hindi kita kailangan sa buhay ko!" Sigaw ni Third habang malakas na sinarado ang pinto.

--------------------------

Hindi ko aakalain na ganyan pala kabait si Jane. Pati ako nagawa niyang madefend kay Third. Ako nga hindi ko magawa iyon pero thankful ako na nasabi niya lahat ng iyun. Ewan ko nalang kay Third kung okay siya nung nag-walkout si Jane sa harapan niya.

"Aiden. Aiden I'm so sorry sa mga sinabi ko sayo kanina. Hindi ko alam pumasok sa utak ko nung sinasabi ko iyung mga iyon sa harap mo habang tinatalasan ka ng titig..." Malungkot at mukhang sincere na sinabi ni Third sa akin habang nakasandal sa wall.

Bigla kong binuksan ang pinto at lumabas ako na umiiyak at basang basa buong katawan at damit ko. "Sa tingin mo hindi ka nakasira ng damdamin ng tao! Sa tingin mo hindi tumusok at bumaon lahat ng sinabi mo sa puso po! Sa tingin mo ganyan ba umasta ang isang kaibigan na nakasama mo na ng tatlong taon tapos ipagpapalit mo lang sa babaeng kakakilala mo lang kanina!" Tanong ko habang tinataasan ng boses si Third.

"I'm so sorry Aiden hindi ko na uulitin, promise." Sagot niya habang sinusubukan akong yakapin para maging okay na ang lahat.

"Wag mo akong mayakap-yakap Third! Alam mo halos gusto ko nalang malunod sa CR mula nung sinabi mo lahat ng iyon kanina!" Sabi ko habang dahan-dahan na lumuluhod sa harapan niya.

"Halos mabaliw na ako sa bawat utos na ibinibigay mo sa tuwing may babae kang uwi sa dorm natin! Halos lahat ng gawain mo sa school ginagawa ko para lang makasama mo yung girlfriend mo sa mall.....!" Sigaw ko habang nakatikom ang aking mga kamay tinitiis na hindi ko masuntok sa Third.

"Tapos ang ipapalit mo sa lahat ng ginawa ko para sayo eh yung seaweed na palagi mong binibili kapag may kailangan ka sa akin!" Dagdag ko habang mabilis na tumutulo ang mga luha ko sa sobrang galit.

"OO alam ko na saka lang ako lumalapit sayo kapag may kailangan ako para lang mapasya at makasama girlfriend ko!" Mahinhin niyanh sinabi habang tinatakluban niya ang mukha niya.

"Alam ko hindi ako nagiging mabuting kaibigan kapag may kasama akong babae! Alam ko na nahihirapan ka sa twing may inuutos ako sayo! Alam ko na hindi mo ako kayang tanggihan kasi mahal mo ako! At alam ko na kaibigan kita kaya palagi akong nakasuporta sayo!" Sagot ni Third habang napapaluha nalang sa mga pinagsasabi niya.

"Pero sa lahat ng mga iyun! Eto ang tatandaan mo Aiden! Sa babae I use my looks. For you I use my heart and mind!" Dagdag niya habang dahan dahan akong nilalapitan para yakapin.

Sa lahat ng mga sinabi niyang iyon. Wala akong nagawa kung hindi tumahimik at tumingala para titigan ang lumuluha niyang mukha.

"I'm so sorry Aiden....!" Sincere na sinabi ni Third sa akin habang mahigpit na niyayakap ako. "I love you." Dagdag pa niya habang tuluyang bumabagsak mga luha niya.

"I love you too Third!" Sagot ko habang napayakap nalang din ako sakanya ng mahigpit.

Alam kong hindi alam ni Third na totoo ang I love you na sinabi ko sakanya. Pero deep inside, i feel happy dahil onti-onti nang lumalabas ang true colors ni Third. Malay mo masabi ko na sakanya nararamdman ko.