webnovel

The Brown Soil

สมจริง
Ongoing · 5.9K Views
  • 2 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Si Percy Sebastian ay isang transferee student sa Hamford University at napabilang sa Section F ( ang pinaka-mababang section ) o mas kilala bilang " The Brown Soil Section ". Magbabago ang takbo ng buhay ng bawat estudyante sa Section F sa kanyang pagdating at pinaniniwalaan na meron siyang isang kapangyarihan na ninanais ng bawat tao sa mundo.

Tags
3 tags
Chapter 1KABANATA 1- ANG SIMULA

2004. 'Yan ang taon na kung saan nakilala ko siya. Taon na kung kailan kami naging magkaibigan at magkaklase. May mga bagay na hindi pa ako alam tungkol sa kanya, pero kasi, isa siyang misteryoso na tao.

Tahimik lang siya at hindi pala-salita. Magsasalita lang siya kapag kinausap mo na talaga o kung may itatanong siya sa'yo, at pagkatapos noon ay hindi na siya magsasalita pa.

Ako ang una niyang naging kaibigan dito sa Hamford University. At ang mga panahon na naging magkaibigan kami, ay iyon ang mga panahon na hinding-hindi ko makakalimutan.

Hinihiling ko minsan na sana dati pa kami nagkakilala. Kung dati pa, baka mas nakilala ko pa siya nang maayos at nailigtas ko pa siya. Kung dati ko pa siya nakilala, baka hindi mangyayari ang lahat ng ito ( Pero h'wag kayong mag-alala, iku-kwento ko naman sa inyo lahat ).

Isa akong tipo ng estudyante na palaging late. Kilalang-kilala na ako ng gwardya dahil alas-siyete ang oras ng klase pero 7:30 na ako nakakapasok.

Maaga naman akong gumigising. Wala lang talagang dumadaan na jeep sa lugar namin ng mga ganitong oras kaya palagi akong nahihirapan. At kapag halos sampung minuto na akong nakatayo roon ay mag-uumpisa na akong maglakad hanggang sa may masakyan na jeep ( Na inaabot minsan ng trenta minutos na paglalakad ).

"Late ka na naman, Tortuga." Saway sakin ng gwardya ng Hamford University. Tinignan ko siya ng masama sabay iniabot sa kanya ang dala ko bag.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag mo kong tatawagin ng 'Tortuga'." Sagot ko sa kanya at mahina siyang natawa.

Ibinigay niya sa akin pabalik ang bag. "Bagay lang sa'yo na tawagin na Tortuga, Collins."

"Bakit hindi mo nalang kaya pagbisihan ang pagcheck ng mga bag namin at siguraduhin na walang outsider na papasok?!" Sarkastiko akong ngumiti pero bago pa ako makapagsita ulit ay may pumasok sa gate.

Agad na tumayo ang gwardya at sumaludo. Nakita ko na kung sino ang pumasok. Si Mr. Jim.

Si Mr. Jimmy o Mr. Jim o mas kilala sa tawag na Mr. Jimby ng mga ilang estudyante sa eskwelahan na 'to ( Actually, ako talaga ang nagpauso ng Mr. Jimby pero dahil mabilis umikot ang balita rito ay hindi na alam kung sino nga ba ang nakapag-isip ng pangalan na iyon ) ay ang aming pinaka-mamahal na Principal.

Simple lang naman si Mr. Jim. Mataba na maliit. Nakasuot ng salamin sa mata. At ang kanyang sikat na kurbata sa kanyang amerikana.

Magulo kasi ito at hindi nakaayos. Hindi namin alam kung hindi ba marunong si Mr. Jim na maglagay ng kurbata o talagang sinasadya niyang naka-ganyan o nagmamadali siya kaya hindi na niya namamalayan na ganoon ang kurbata niya kapag siya ay papasok sa eskwelahan.

Si Mr. Jim ay isang matandang binata pero ang bali-balita ay may jowa siya. Pero natatawa na lang ako kapag naririnig ang balita na yun. Kasi ba naman, kung talagang may jowa siya, at ganyan ang suot ni Mr. Jim kapag sila ay magde-date, sana man lang ay tinuruan na siya ng kanyang jowa kung paano ba talaga suotin ang isang kurbata.

"Bakit hindi ka pa pumasok sa klase mo? Late ka na, Collins." Agad akong bumalik sa reyalidad nang nakita kong nakatingin sa'kin ng diretso si Mr. Jim. Nakakunot ang noo at matalim ang mata.

"Ah, ah, papasok na po ako." Agad akong tumalikod at tumakbong papaakyat sa Third Floor.

You May Also Like

To Love Is To Die (Tagalog)

Sean Kirby Ongsee is a heartless and a cold CEO of the company named ONGSEE LUXURY. Ang pamilya ONGSEE ay kilala sa asya bilang isa sa mga pinakamayayamang tao sa buong mundo. Totoo iyon. Sa sobrang yaman ng kanilang pamilya ay halos hindi na nila alam kung saan ilalagay ang kanilang yaman. Sean Kirby's parent's are both businessman and businesswoman. When it comes to business, His parents was too hands on in it that's why Sean Kirby was too hungry for attention.. Yeah, He's indeed attention seeker because of his parents. Hindi naman mangyayare ang lahat ng iyon kung napagtutuunan siya ng pansin ng kanyang mga magulang nung siya ay bata pa lamang. At ngayong matatanda na ang mga ito't bilang nag-iisa siyang anak ay sakanya ipinamana ang kumpanyang tanyag sa asya. Nang dahil rin sakanyang mga magulang ay lumaki siyang walang puso't malamig ang pakikitungo sa bawat isa o sa bawat taong nakapaligid sakanya. Ngunit isang araw ay makakatagpo siya ng isang babaeng nikalahati ng standards niya ay wala ito, Pero ang pag-ibig ay walang pinipili. Mahirap.. Mayaman.. Maganda.. Kahit anong estado, pisikal na kaanyuan mo sa buhay ay pwedeng pwedeng umibig. Isa pa, We're all equal. We are one. Dito masusubok ang tatag at paninindigan ni Sean Kirby, Kung hanggang saan aabot ang pagiging walang puso niya't panlalamig sa lahat. Ang babaeng 'to na ba ang makakapagpabago sakanya? Ang babaeng 'to na ba ang bubusog sakanyang pagkagutom na nadarama?

Keysiiipot · สมจริง
Not enough ratings
11 Chs
Table of Contents
Volume 1 :Chapter 1 - Ang Simula

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT