webnovel

X - LIT

Malapit lang naman ang papalabas sa tila isang gubat na ito, pero para sa akin ay napakabagal nun. We kept in silent as he was walking slowly. Mamaya pa'y nakakita ako ng tila maliit na liwanag na lumilipad.

"Alitaptap!" Excited kong naisigaw yun habang tinuturo ang alitaptap na nasa ibabaw ko lang.

"I said shut up!" Huminto ito sa paglalakad.

Ngunit hindi ko ito pinakinggan. I am fond of fireflies simula bata pa ako. Sa twing may makikita akong ganun ay para bang may nabubuhay sa loob ko. Sa ganitong ka liit na gawa ng maykapal ay napapalaki nito ang ngiti ko.

"I-ibaba mo ako! I want to catch it!" Sabi ko dito.

At ibinaba nga agad ako nito. Mabilis akong lumayo dito at sinundan kung saan ang direksyon lumilipad ang alitaptap.

"Hey, come here!" Pagkakausap ko dito na para bang naririnig ako nito. "Halika na. Hahawakan lang naman kita. Hindi kita sasaktan, promise!"

I heard a scoffed from my behind, "Is that how stupid you are?"

Umikot lang ang mata ko at hindi pinansin ito. Pwede na syang umalis, di ko sya kailangan dito.

"You don't need to follow that lit. Come here and I'll show you more of them."

Mabilis akong napaharap sa kolokoy. Kung tama ang pagkakarinig ko'y...

"You mean, the name of that thing is lit? And you know where I could find them?" May paninigurado kong tanong.

"Yes, lit. Para namang di mo alam. C'mon! Before I change my mind."

Hindi na ako hinintay nito at mabilis ng naglakad palabas. Masigla ko itong sinundan hanggang sa marating namin ang bench na syang inupuan ko kanina. Umupo sya dun at tinapik ang espasyo nito malayo sa kanya. Agad naman akong umupo doon.

"Asan na?"

Tumingala sya sa punong sumisilong sa amin. Ganun din ang ginawa ko.

"Do you really swear--"

"Just shut up." Napatikom naman ako ng bibig. "Look."

Naglabas sya ng maliit at mabilis na kidlat sa mga kamay. Bumuo ito ng mahinang pagsabog nang tumama sa puno. Ngunit sakto lang upang madisturbo ang tila napakaliit na insektong namamahay doon.

My eyes suddenly filled with hundreds of yellow lights. Ang dating madilim na paligid ng puno ay nagliliwanag na ngayon sa ilaw na pumapalibot dito. They were like dancing on the air and encircling us as if we are inside of their lights. Mas nakakatuwa pang pagmasdan kung paano kumukurap ang ilaw na dala nila. Really like a twinkling little star.

"Wow..." Namamangha kong sabi.

Itinaas ko ang kamay at pumatong doon ang isang maliwanag na insekto. I smiled.

"Alam mo ba ang kwento ng mga alitaptap?" I face the man beside me na mukhang kanina pa ako tinitingnan.

Ilang segundo ang lumipas nang nanatili lang ito nakatingin sa mga ngiti ko. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin dito. Makapagkwento na nga lang kahit na mukhang hindi naman ito interisado.

"Anong alitaptap?" Tanong nito. Akala ko hindi ito nakikinig sa akin.

"This," Ipinakita ko sa kanya ang lit na nasa ibabaw ng daliri ko. "Nung unang panahon kasi, wala pa silang mga ilaw. Nagsimula lang silang magkailaw nang may minsang lalaki at babaeng lit na nagmamahalan. Ngunit hindi boto sa kanila ang ama ng babaeng lit at pilit silang pinaghihiwalay ngunit nagagawan parin nila ng paraan para makapagkita. Hanggang sa nagdesisyon silang magtanan, alam mo ba ang susunod na nangyari?" Tiningnan ko ito.

"Panu ko malalaman kong kinikwento mo pa lang?" Ismid nito sa akin. Kahit kailan talaga!

"Nakatakas nga ang dalawa sa mga mata ng ama ng babae. Ngunit sa kalagitnaan ng pagpapakalayo nila, dumating ang isang hindi inaasahang ipo-ipo at natangay nun ang babae. Nagkahiwalay silang dalawa. Kaya ang ginawa ng lalaki, dahil sobra nyang mahal ang babae... Hinanap nang hinanap nya ito. The end."

"Yun na yun? Nasaan ang simula ng ilaw nila?"

Tumawa ako at di napigilang hampasin ito. "Yan. Di ka na KJ. Akala ko di ka interisado sa kwento eh."

"Tss. Walang kwenta." Sabay tayo nito at naglakad palayo sa akin.

"Madilim ang gabi kaya hindi nya mahahanap ito sa ganung oras." He stopped from walking. Natutuwa talaga ako dahil nakikinig ito. "Kaya ang ginawa nya'y nagsisindi sya ng lampara sa gabi upang hanapin ang minamahal. Yun ang kwento kung bakit umiilaw sila sa gabi."

"So you mean," He faced me. "Lahat sila'y hinahanap ang babae? Lahat sila'y mahal ang nawawalang babae?" Turo nya sa mga lit na nakapalibot parin sa amin.

Napahalakhak ako sa logic nito. Ang galing eh.

Umiiling ako at tumayo. Inihipan ko ang lit na nasa daliri ko at pinagmasdan ang paglipad nito palayo sa akin. Pagkatapos ay humarap ako kay Throd.

"Malay natin?" Kibit-balikat ko. "Baka espesyal ang nawawalang babaeng yun kaya nagtutulungan silang mahanap ito para maibalik na sa mga bisig ng lalaki."

Umiling-iling ito, "Nonsense ang kwento mo."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Nakinig ka nga eh. Nonsense ka rin." Bago ako padabog na umalis.

Pangalawang araw ng klase. Inaantok akong pumunta sa unang subject. Kung hindi lang ako hinihila ni Greth ay baka nakatulog na ako sa daan. Sobrang puyat talaga ng araw na ito. Trinangkaso kasi ako kaninang madaling araw na agad din namang nawala. Hindi naman ako mainit ngayon kaya akala ko maayos na ako. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang katawan ko.

"Good morning everyone!"

"Good morning ace!"

"Call me ace Jem. I am your combat teacher this morning. Nice to meet you."

Wala akong pakialam sa nagl'lecture kaya umub-ob lang ako sa desk ko. Hindi ko na nga pinansin na nakaupo na pala ako katabi ng mga kaibigan ni Greth, and that's including Ellen and Throd. Yucky nga eh. Kahit may moment kami ni Throd kahapon ay mukhang hindi na talaga maalis sa sistema ko na ayaw ko sa kanya.

Siniko ako bigla ni Greth na agad kong ikinainis. Kitang natutulog ang tao. Masama ko itong binalingan ng tingin. May panguso-nguso ito habang pinandidilatan ako ng mga mata nya. Kumunot naman ang noo ko. Wala akong maintindihan sa ginagawa nya sa mukha nya. Problema ng gagang to at mukhang nakadrugs?

"Miss the one who's sleeping at her desk, kindly stand up!"

Hindi pa naman ako sigurado kung ako nga ba ang tinutukoy ng ace pero agad nga akong napatayo. Kinakabahan ako. Mukhang makakapiso ako sa ganito kaaga. Aish.

"Owh, ang bride pala ito? Mawalang-galang na bride pero kahit sa titulong meron ka ay wala ka paring karapatang matulog sa klase ko." He said as he is emphasizing my title.

"S-sorry po sir-- I mean, ace." Nakagat ko ang dila at napatungo. Nakakahiya naman to. Ngayon ko lang naranasang mapagalitan ng isang guro at sa harapan pa ng lahat ng mga kaklase ko.

"B'coz of that, mapaaga ang combat lesson ko sa inyo. At uunahin kita, bride. Let us see if you deserve that great title."

Nanlaki ang mata kong tiningnan si ace Jem. Mas lalo lang akong hindi napakali sa sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? Anong ipapagawa nya sa akin? At hindi ba ito nagbibiro?

"I'll let you choose your opponent. Mamili ka ng isa sa estudyante rito na gusto mong kalabanin."

Huh? K-kalabanin? Anong--

"Ako nalang, Yuna. Promise, maganda ang magiging laban natin." Bulong ni Greth sa gilid ko.

Kung ganun ay makikipaglaban ako?

Ako?

As in A-K-O?

Paksheet. Anong alam ng isang katulad ko sa pakikipaglaban?

"Hard to choose, bride?" Ace Jem smirked at me.

Oh, paksheet times ten talaga ako dito.

Think, Yuna. Think!

"A-ahh...ace..." Kamot ulo kong tungo. Bahala na.

"Uhm?"

"Uh..."

Okay, Wenyuna. Matutumba ka lang naman tapos pipikit. Yun nalang. Magkunwari nalang tayong nahimatay para makaiwas. Wag mong paabutin na ang kamao ng kalaban mo ang magpapatumba sayong gaga ka. Baka matuluyan tayo pag nagkataon!

"You're wasting our time, bride."

Mas waste of time ka, ace!

"Masama po ang pakiramdam ko eh." Palusot ko na buti nalang at nagawa kong sabihin.

"Is that so? Do you even know that when the day of cleansing comes, masama man ang pakiramdam mo, hindi ang nakatakdang araw na iyon ang mag-aadjust para lang maging handa ka."

Cleansing? Ano na naman ang nakatakdang araw na iyon? Sorry pero ang naiisip ng utak ko ngayon ay ang brand ng eskinol at PHcare. Nakakagaga pala talaga kapag bigla ka nalang mapunta sa mundo na hindi ka man lang na'orient.

Mahimatay ka na kasi, Yuna!

Pero mukhang hindi ko na kailangang magkunwari pa. Bigla nalang kasing umikot ang paningin ko upang mapakapit ako ng mahigpit sa inuupuan ni Greth. Naramdaman ko ang panlalamig sa kalamnan ko dahil sa pumanget na pakiramdam para sa sarili. Kusang nawalan nalang ng lakas ang katawan ko at natumba. Bago ako kinain ng kadiliman ay naramdaman kong maraming pares ng mga kamay ang sumalo sa akin.

Sa gitna ng kadiliman ay pumalit doon ang isang mukhang hindi ko na naman magawang aninagin. Katulad ito ng nangyari sa akin sa mismong kasal ni Chesca. Nasa isang kasal na naman ako kung saan ako ang ikakasal.

Nakasuot na naman ako ng Traje de boda. Nakangiteng naglalakad sa pulang sapin na telang nasa sahig, hawak ang isang punpon ng bulaklak at patungo sa altar. Nandoon, naghihintay sa akin ang isang lalaki.

"Bride..."

Inilahad nito ang kamay sa akin upang abutin ang kamay ko. Pinabayaan ko sya. Ewan ko ba pero masaya ako. Masayang-masaya.

"Mahal na mahal kita, Eliamor..."

Follow me po on WATTPAD @Unrcgnzd

GOD BLESS PO SAYO :)

unrcgnzdcreators' thoughts