webnovel

Chapter 1

Ava' s Pov

Ava's Pov

"Hoy! Mga lintik kayo! Ano ang ginagawa ninyo diyan sa babae!" sigaw ko sa mga goons. Marami sila pero hindi ako natatakot. Hindi na talaga safe ang panahon ngayon.

Nakita ko ang babaeng wala ng malay na hawak hawak ng isang lalaki. Kilala ko ang mga 'to ito ang gang ng University kung saan siya nag aaral.

"Nene huwag ka ng mangialam dito kung gusto mo pang mabuhay." nag ngising aso pa ang lalaking mukhang unggoy. Ngumiti ako ng matamis. Nang iinisi ba sila. Anong nene, baka luluhod ang mga ito kapag makita nila anong kaya ng isang nene.

"Minaliit mo ba ako?"

Kita ko ang nanlilisik na mata ng naka itim na tee shirt. Kakulay ng tee shirt niya ang kanyang balat. Yuck.

"Bitiwan niyo ang babae kung gusto niyo pang mabuhay sa mundo!" matigas kung sigaw sa kanila. Nagtatawanan ang mga ito sa sinabi niya. Anong nakakatawa dun.  May nakakatawa ba siyang nasabi.

Dumalo ako para kunin ang babae hinarangan ako ng naka yellow na tee shirt at sinuntok ako buti nalang naka ilag ako. Lima sila lahat parang mahihirapan ako nito. Kung hindi lang ako mabait tiyak linisan ko na ang lugar na ito. Nasaan ba kasi si kuya. Kanina pa ako nakaabang sakanya dito sa labas ng university ako kasi nautusan ng aking mahal na magulang para sunduin ito.

"Hindi mo kami kaya Nene, huwag ng mapilit. Amin na ang magandang babae na 'to." ngumisi ulit ito. Tinignan ko ang babaeng hawak ng naka red na tee shirt at naka red ng kulay ang buhok. Sa mga mukha nito ay masabi mo talaga na wala itong matitinong gagawin sa babae. Naka uniporme pa ang babae. Yellow ang upper nito may naka borda pangalang ng university. Kita pa ang mga hita nito dahil pencil ang ibaba nito. Pareho sila ng university ni kuya.

Sinuntok ko ang lalaking sumugod sa'kin pero nakailag ito. Sumugod naman ang lalaking naka yellow at ang naka itim na nakahawak na sa aking dalawang kamay. Hindi ako makagalaw. Ang lakas nila. Nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas. "Kung hindi ka nangingialam wala ka sanang problema nene." sabi ng naka itim.

"Big time tayo. Di pa kayo niyan. Isa lang ang kailangan natin pero may libre pang isa." tumatawang sabi ng  nakayellow. Mukhang tumaas yata ang dugo ko sa pinagsasabi ng mga gagong lalaki na 'to.

Tinulak ko sila ng pwersahan. Nabigla naman ito sa kanilang nakita. At kita sa kanilang mga mukha ang inis at galit. "Aba! Ang tapang mo nene, ginagalit mo ako!" pagkasabi nun ay sinuntok ako sa tiyan. Napaungol ako, namimilipit sa sakit at mukhang nandilim ang aking mata. Fuck! Hindi pwede.

Hindi pa man tuluyan nag dilim ang aking paningin ay bumagsak ako sa lupa kasama ng dalawang lalaking humawak sa aking kanina. Narinig ko ang boses ni kuya.

"Mga hayop! Anong ginagawa niyo sa kapatid ko ha!" singhal nito at binugbog ang mga 'yun. Dahan akong gumapang ako patungo sa babae nakahandusay din sa lupa.

"Kuya. Ang babae." tawag atensiyon ko sa kuya ko na binugbog ang mga lalaki na ngayon ay puno ng pasa sa mukha. Kita kung nangangailiti ito.

Agad naman akong dinaluhan ni Kuya. "Shit!" anito. Hindi ko alam kung para sa akin ba 'yon o sa babae.

Tumayo ako pero napadaing na naman ako ng nararamdaman ko ang kirot sa aking tiyan. "Ava! Just wait up here kukunin ko lang ang sasakyan." nag aalalang sambit nito. Nagmamadali naman umalis ang kuya niya.

Ilang minuto pa narinig ko ang sasakyan namin. Agad naman bumaba si kuya at binuhat ako, ingat na inilapag sa katabi ng driver seat. Lumiko ito para sasakay na sana ito, akala ko kukunin niya ang babae. Pero hindi. "Kuya, what your doing! Iiwan natin ang babae diyan? Fuck! Dalhin natin siya sa hospital ano kaba? Wala kabang awa?" pagalit kong singhal dito. Natigilan naman ito sa ginagawa.

"Sa tingin mo ba uunahin ko ang iba? Kapatid kita. Kailang kang madala sa hospital. Hindi ko 'yan kilala!" galit din itong bumaling sakanya. Talaganf walang puso ang damuhong 'to. Imbis na makipagtalo ay ako na ang bumaba ulit para kunin ang babae. Naghirap akong tulungan ito at iiwan ko lang. Dalhin ko 'to sa hospital.

"T*** ina Ava! Ano ang ginagawa mo!" sigaw nito. Sumunod pala ito sa'kin. Bumaling ako, tinignan ko siya ng mataman. Talagang wala siya paki alam dahil hindi man lang niya tiningnan ang walang malay na babae. "Obvious ba Grey?" basta galit ako ay hindi ko na siya kinikilalang kuya. Naiinis ako kung bakit ganun ang ugali nito. Napakasalbahe.

"Akin na nga!" agaw nito sa hawak kung babae. Ipinasok nito sa back seat, at sumakay. Sumakay na din ako. Maya maya ay binuhay nito ang makina. Pumikit ako, masyadong mahapdi ang kanyang tiyan sa kanyang natamo.

***

Veronica's Pov

Dahan dahan kung minulat ang mata ko. Bumungad sa'kin ang puting kisame. Nasaan ako? Bakit maputi lahat ang paligid? Kumilos siya ng kaunti napadaing siya ng nararamdamn niya ang bigat ng pakiramdam niya.

"Grey, gising na siya." narinig kung sambit ng boses babae sa gilid ng kama niya. Maganda ang babae. Maputi, ang kapal ng kilay nito at itim pa. Mukhang may lahi itong foreigner. Tantiya na mas bata ito kesa sakanya.

Tumingin siya sa lalaking tinawag na Grey. Matiim itong nakatingin sa'kin. "Okay kana? Kamusta ang pakiramdam mo?" agaw pansin ng babae.

"Okay na. Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko. Ang dami kung tanong sa isip.

"Hindi mo ba naalala ang nangyari sayo? Kasi yun din ang tanong ko. Malapit mapahamak ang kapatid ko dahil sayo!" galit nitong sabi sakanya. Nahiya naman ako. Dahil pala sa'kin. Naalala ko lang kasi may humablot sa'kin. Pauwi na ako ng oras na 'yon. Akala ko isa lang na lalaki yun pala ay lima sila. Hindi na ako nanlaban ng naramdaman kung sinuntok ang tiyan ko at dumilim ang paligid.

Siniko ng babae ang katabi. "I'm sorry. Napahamak pa kayo dahil sa'kin." paghingi ko ng paumanhin. Ang malas ko talaga ngayong araw. Binagsak yata sa'kin ang lahat ng problema.

"Sa susunod huwag ka ng maglalakad mag isa lalo na kung madilim na. Hindi na safe ang panahon ngayon marami ng tarantado." malambing na turan naman ng babae. Tumango lang siya. Totoo naman kasi ito. Hindi na nga safe ang panahon ngayon. At siya pa ang napili na walang kalaban laban.

"Uuwi na ako." sambit ng lalaki dito at lumakad na palabas. Nasa pintuan na ito ng muli itong humarap. "Loren! Uwi na tayo. Hinanap na tayo ni mama." anito at lumabas na ng tuluyan.

Bumaling ako sa babaeng nakatingin din sa akin. "Pasensyahan mo na si Kuya. Mainitin lang ang ulo nun. Sige uwi na kami ah. Huwag kang mag aalala binayaran na ni kuya ang bill." matamis itong ngumiti sakanya. Alam niyang mabait ito keysa kuya nito ma seryosk at napaka arogante.

"Salamat ulit." nahihiyang sambit niya dito. Totoo naman kasi nakakahiya nga sa mga ito. Sila pa nagbayad.

Hindi naman ito halatang mayaman dahil sa suot nitong knitted jeans at fitted tee shirt. Nakasimple nito pero astig ang dating.

Umalis na ito ng tuluyan. Nang naiwan na siyang mag isa ay naiisip naman niya ang nangyari sakanya kanina. Kung hindi siguro dumating ang tumulong sakanya saan na kaya siya dinala ng mga lalaking barumbado.

ตอนถัดไป