webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · วัยรุ่น
Not enough ratings
80 Chs

♥ CHAPTER 63 ♥

(Continuation)

Pabagsak niyang binuksan ang pintuan na dahilan naman para mapatingin ang mga members niya sa aming dalawa. Hinihingal na nga ako kanina pa, pero siya naman walang tigil sa paglalakad. Walang ba siyang kagentle-gentleman sa katawan niya? Hindi niya man lang binagalan ang paglalakad at halos kinakaladkad na niya ako. Pero buti naman walang nakakita sa amin, kung hindi makikita nilang naka-posas kaming dalawa at baka kung ano pang isipin nila. Hindi ko rin naman alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking ito at biglang nag-iba ang inaasal niya. Sinaniban na nga siguro talaga?

Napatingin sila sa kamay namin na nakaposas kaya binigyan nila kami ng ngiting mapanloko, "Whoa! What's the meaning of this?" tanong ni Dave habang kumikinang ang mga mata na nakatingin sa kamay namin, ako naman tinitignan ko lang sila, isang nakakairitang tingin. 

Nakangising lumapit sa amin si Raven para tignan ng maigi yung kamay namin pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay at inisnob ko siya, "Etong kapatid mo Sean, nagbabalak tumakas" sambit ni Carson kaya nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Tignan mo nga naman, napakasinungaling! Ang galing naman niyang gumawa ng excuse. Papalakpak na ba ako?

"What did you just say?! Ako? Nagbabalak tumakas? Sinungaling" turo ko sa sarili ko sabay isnob ko sa kanya, siya naman ayon, tuwang-tuwa sa itsura ko. Tinalikuran ko lang siya pero hindi ko siya tinakasan, TSK!

"Ganyan nagkatuluyan yung lolo't lola ko" seryosong sambit ni Dave kaya sinamaan ko siya ng tingin. Lahat sila nakatingin sa akin at mukhang pinlano ata nilang asarin ako ngayong araw na 'to, isama mo pa yung kapatid kong insekto!

"So what?" irita kong sabi kay Dave. Lahat sila, tuwang-tuwa...ako naman, eto nganga. Mukhang pinagututulungan nila ako. Binalak nga siguro talaga nilang pagtulungan at inisin ako ngayong araw na 'to at mukhang nagtagumpay sila kasi inis na inis na ako!!

"Pwede bang tanggalin muna 'to?! Nandito na tayo hindi ba?" sarcastic kong tanong sa kanya kaya natahimik lahat sila, "Sure...but, let's go to my room first" sabay hila niya sa akin papunta sa kwarto niya kaya pumalag ako, "Hell no, bakit naman kailangang sa kwarto mo pa?" napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako. Napatingin siya kay Raven kaya tinignan ko rin sila at halata naman sa mga mata nila na binibigyan nila kami ng malisya. If I could just kill this guy, kanina ko pa ginawa!

"Sean, pwede bang doon muna siya sa kwarto ko?" tanong niya kay Raven. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong dalhin sa kwarto niya pero hindi maganda ang kutob ko dito.

Napatingin sa akin si Raven at umiling ako para hindi siya pumayag. Pero dahil sa kataksilan ng insektong 'yon, naghiyawan nanaman yung mga members niya, "Sure, ikaw bahala sa kanya" sagot nito kay Carson. Tinignan ko si Raven dahil hindi ko naman expect na gagawin niya 'yon, taksil nga talaga! 

"What?!" sigaw ko sa kanya ng may pagkabigla. Nginitian niya lang ako ng masama at napatingin ako kay Nash dahil baka naman may natitira pang kabaitan sa kaloob-looban niya para tulungan ako sa leader nilang sinaniban ng ibang elemento. Pero kung minamalas ka nga naman talaga, tinignan ko sila isa-isa because I badly need help pero kinindatan lang nila ako at pare-pareho silang naghiyawan. Is this hell? Mga taksil talaga 'tong mga ito. Kaibigan ba talaga sila?

Hinila naman ako ng nilalang na 'to papasok sa kwarto niya at ni-lock niya ang pinto, "What the hell am I doing here?" malamig kong sabi habang tinitignan ang medyo malaki niyang kwarto na sa hindi ko ineexpect, maayos naman at hindi magulo. 

"See?" Itinaas niya yung kamay namin para ipakita yung posas, malamang sinasabi niyang nandito ako sa kwarto niya dahil pareho kaming nakaposas, "It's your fault kaya hanggang ngayon naka-posas tayong dalawa, tinapon mo yung susi eh Ghad!" ang ikamamatay ko ata dito eh yung sakit ng ulo dahil sa grupong pinasukan ko. Fudge! Para yatang biglang nabulabog ang buhay ko dahil sa ugali ng lalaking 'to!

"Kaya..." muli niya nanaman akong ikinulong sa mga braso niya pero sinungitan ko na lang siya kase inis na inis na ako, "Magkatabi tayong matutulog" sambit niya. F*ck! I need to get out of here! Right here, right now! Someone help me huhu! 

Hell no! Hinding-hindi ako matutulog sa tabi niya no way!

"No! Matulog kang mag-isa mo. Dibale ng magmukha akong zombie dahil sa puyat kaysa naman sa matulog sa tabi mo. No way!" sigaw ko sa kanya. Kahit patayin niya pa ako, hindi ako matutulog sa tabi niya goshh!

Muli nanaman niya akong binigyan ng isang ngiting mapanloko, "Are you serious?" sarcastic na tanong nito. Tingin niya ba nagbibiro ako?! Ghad! Sakit sa ulo ang isang 'to!

"Mukha ba akong nagbibiro?" sarcastic kong sagot sa kanya habang pinagtataasan ko siya ng kilay. Napayuko siya at napangiti kaya nagtaka nanaman ako, talagang pinagtritripan ako ng nilalang na 'to, "I get it" tumingala siya at mukhang tuwang-tuwa nanaman. Ano nanaman bang ikinatutuwa niya?

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na kaya ayaw mong matulog sa tabi ko dahil gusto mo akong panuorin habang natutulog?" tanong nito. Shackssss! LUPA KAININ MO NA AKO! NOW NA PLEASE! Ayaw ko ng mabuhay sa mundong 'to! Mayabang na nga! Feelingero pa! Bakit ko naman nanaisin na titigan ang isang devil na katulad niya?! 

Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa lalaking 'to! Masisiraan na talaga ako ng ulo kapag matagal pa kaming mag-uusap! Asa naman siyang tititigan ko siya habang natutulog, kung papatayin ko siya habang natutulog siya, posible pa!

"Bahala ka sa buhay mo kung anong gustong mong isipin!" sagot ko sa kanya at tumalikod ako, pero ayan na naman siya, pinigilan nanaman ako, "Ilang beses mo na ba akong pinigilan kapag umaalis ako ha?!" tanong ko sa kanya. 

"Kasi hindi pa tayo tapos mag-usap, tinatalikuran mo na ako" paano naman kasing hindi ko siya tatalikuran eh nakakainis siya. Tapos yung boses niya ngayon, as in kalmadong-kalmado pa, "And wait" parang napaisip ito kaya nagsalubong ang mga kilay kong nakatingin sa kanya, "Diba maglalaban pa tayo?" sh*t!  oo nga pala! Yung after 3 days na sinabi niyang maglalaban kami para doon sa training ko, in-extend niya ng one week. Pero nawala sa isip ko na magtraining dahil sa sobrang pagod. 

"M-meron ba?" tanong ko sa kanya na kunwari hindi ko alam. 

Napangisi ito ngunit hindi pa rin inaalis ang pagkakakulong ko mula sa mga braso niya, ang hirap pa naman niyang takasan, "Tell me, hindi mo ba talaga alam na maglalaban tayo o baka naman nakalimutan mo?" napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil medyo sumeryoso siya pero hindi naman nakakatakot. 

Diretso siyang nakatingin sa akin habang ako naman, sa ibang direksyon nakatingin. Mukhang hinihintay niyang magsalita ako pero wala naman akong balak na sagutin siya, "Fine" napatingin ulit ako sa kanya at napayuko siya. Pagkatapos, tinignan niya ulit ako, "Anong klasing laban ba ang gusto mo?" tanong niya. 

"What do you mean?" pagtataka ko. 

Muli nanaman itong ngumiti at tumingin siya sa likuran niya. Tumingin na rin ako sa likuran niya at kung hindi lang ako nakaposas ngayon, baka ihampas ko na sa kanya itong upuan na nasa tabi ko. Itatanong niya kung anong klasing laban ang gusto ko pagkatapos titingin siya sa kama. F*ck you Dean! Andami talagang tinatagong kalokohan ng lalaking 'to, akala ko nakakatakot lang siya. 

Humarap siya sa akin gamit ang mapanloko niyang ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Pervert!" sambit ko. Natawa siya sa akin at nagsalita siya, "Tsk! Asa ka namang pagnanasahan kita" pagkasabi niya non, lumapit siya sa akin, "But tell me kung gusto mo?" tanong niya. Halos masuka na ako sa pinagsasabi niya at gustung-gusto ko na siyang sipain palabas ng eskwelang ito. 

Tinulak ko siya papalayo sa akin dahil halos masuka na ako sa pagka-feelingero niya, "Leave me alone pwede ba! Maghanap ka ng makikipaglaro sa'yo" feeling ko masusunog ako dito sa kwarto niya. Sabagay may devil dito hindi na ako magtataka, "Tsaka pwede ba tanggalin mo na 'to?! I want to get out of here. Ang init-init sa kwarto mo ghad!" sabay pakita ko sa kanya nung posas na nakalagay sa kamay namin. Nararamdaman ko rin naman na basang-basa na yung likod ko kaya hindi ko na kakayanin na magtagal pa dito.

"Wala nga yung susi remember" sambit niya. 

"Kase tinapon mo!" sagot ko naman. 

"Give me a reason kung bakit ko tatanggalin 'to?" -C

Tinignan ko siya ng maayos at nagkibit-balikat bago nagsalita, "Fine. First of all, sa gandang kong 'to lalagyan mo ako ng posas? No way! Second, I'm not planning to escape. Third, bakit ko naman kayo tatakasan? There's no reason para takasan ko kayo" 

Tinignan niya muna ako ng ilang segundo bago siya nagsalita, "Fine" pagkasabi niya non, nakita kong may pinindot siya doon sa posas na nakalagay sa kamay namin at bigla itong nahulog. 

What?! Pinipindot lang 'yon?!..................

Natulala ako dahil sa nakita ko na pinipindot lang pala 'yon para mabuksan, "What?! Pwede naman palang  buksan kahit walang susi, bakit hindi mo pa tinanggal kanina?!" galit kong tanong sa kanya. 

"Nagtanong ka ba?" sarcastic na tanong nito pabalik. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lakaking 'to!

Sa sobrang pagkainis ko, lumabas na ako sa kwarto niya at pabagsak kong isinara ang pinto dahil baka tuluyan na akong masiraan ng ulo sa lalaking 'yon. Pagkalabas ko, ibang tao naman ang sumalubong para mas lalo pa akong inisin. Nakatingin sila lahat sa akin at pangiti-ngiti "Anong nginingiti-ngiti niyo diyan?" tanong ko. 

"Anong ginawa niyo?" excited na tanong ni Dave. Ano namang kina-eexcite ng lalaking 'to?!

"Hoy! Kayo na kumausap sa kaibigan at leader niyo! Ayaw ko na siyang kausapin!" sambit ko sa kanila. Pinapainit ulo ko eh! Actually, kanina pa umaapoy ang ulo ko, kulang na lang sumabog na ako dahil sa mga trip nila. 

Maglalakad na sana ako papalayo sa kanila pero may naalala ako, "Isa pa, about dun sa mission, I quit!" mahina kong sabi kay Dave. Just because of that mission, hindi na ako tinigilan ng lalaking 'yon.

"Don't worry. Nagawa mo na yung misyon mo, wala ka ng dapat pang alalahanin. But because nag-umpisa na siyang mang-asar, for sure hindi ka titigilan ni Dean. Haha! good luck!" masayang sambit ni Dustin na kasalukuyang nagdiriwang.

"Ano bang ginawa niyo sa kwarto niya. Kwento naman diyan Sy" sambit ni Nash kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang nasa isip nila? Palibhasa green-minded kasi sila!

"Wala!" sagot ko. 

"Weh?! Wala daw?" sabat ni Dave. Pinagtutulungan talaga ako ng mga 'to ah!

"Sy, magkakabrother-in-law na ba ako?" tanong ni Raven kaya kinainisan ko na siya. Ano namang brother-in-law pinagsasabi niya?!  

"Tigilan mo akong insekto ka!" -S

"Pamangkin?" mukhang tuwang-tuwa pa itong kakambal ko hindi man lang ako ipagtanggol, siya pa ang nangunguna.

"Magsitigil kayo pwede ba?!" iritang-irita kong sabi. Lalo pa silang naghiyawan kaya talagang aalis na ako dito. Hindi ko na sila kaya! Sumusuko na ako!

"Hindi naman masamang umamin dba?" sa boses pa lang na 'yon, sumasabog na ang kumukulo kong dugo. I'm gonna kill you Dean!

"Anong aaminin ko kung wala namang dapat aminin?" tanong ko habang pinagtataasan siya ng kilay. 

Lalo pa silang naghiwayan at ngumiti lang siya kaya aalis na talaga ako. Masakit na yung ulo kaya magpapahangin na lang ako sa labas. Baka sakaling pagbalik ko, wala ng sanib ang mga kasama ko.

But because of that d*mn deal, I need to do this sh*t...

"Baka isipin niyo tinatakasan ko kayo. Lalabas lang ako saglit babalik din ako agad" sabay isnob ko sa kanilang lahat at tuluyan na akong lumabas. Kinailangan ko pa talagang magpaalam sa harapan nila dahil sa deal naman nung nilalang na'yon, agresibo pa naman. Pero hanggang sa labas, dinig ko pa rin ang hiyawan nila kaya SOBRANG NAKAKAINIS! 

Naglakad-lakad ako sa labas na hindi naman kalayuan sa tinutulugan namin habang nakatingin sa mga bituin na ngayon ko lang nakita na madami ang mga ito kumpara noong mga nakalipas na araw. Sa paglalakad ko, napatingin ako sa gilid ng isang abandonadong building, may natanaw akong isang lalaki na nakaupo doon kaya dahan-dahan ko itong sinilip.

Nang makita ko na ito ng tuluyan, kung hindi ako nakapag-pigil baka kanina pa ako napasigaw. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sila. Natanaw ko ang mga kaibigan ni Oliver na nakahiga sa sahig, nakabukas ang mga mata na nakatingin sa direksyon ko, naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay. Tinakpan ko ang bibig ko para walang makarinig sa akin at tinignan ko sila ng maayos na nagbabaka-sakaling hindi sila ang nakikita ko. Pero...sila nga talaga yung tatlong kaibigan ni Oliver. Sino ang walang pusong pumatay sa kanila?! Bigla akong nakaramdam ng galit dahil sa nakita ko. 

Ng tignan ko ang lalaki sa harapan nila, nakaupo ito at nakayuko habang may hawak na kutsilyo. Mula sa mga kutsilyong hawak nito, tumutulo ang dugo, pati ang mga kamay niya, naliligo rin sa dugo. Maya-maya bigla itong tumingala at kulang na lang magunaw ang mundo ko ng makita ko kung sino siya. Bumagsak ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya dahil hindi ko sukat akalain na magagawa niya ito. Bakit humantong sa ganito? Dahil ba sa nangyari kaya niya nagawa ito? Wala akong maisip na dahilan para gawin niya ito pero bakit?!

Akala ko pwede ko na siyang pagkatiwalaan, pero hindi pala. 

Sa pagtingala niya, napatingin siya sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin, kulang na lang hindi ako makatayo pero pinilit ko. Tumayo ako kaagad ng makita kong tumayo rin siya at tumakbo papunta sa akin kaya tumakbo na rin ako para takasan at takbuhan siya. Ayaw kong matulad ako sa mga kaibigan niya, na walang awa niyang pinaslang. Sa pagtakbo ko, hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa nakita kong isa pala siyang mamamatay tao.

Tama nga ang sabi nila, sa eskwelang ito, kahit pa kaibigan mo, sasaksakin ka ng patalikod. Eto na ang proweba na totoo nga ang kasabihan na iyon.

  Paano mo nagawa ito sa mga kaibigan mo? 

Oliver...  

To be continued...