webnovel

Chapter 20 - Competition

Chapter 20 - Competition

 

Nagkaroon ulit ng isang handaan. Isang paligsahan. Nasa labas ng palasyo ang mga ito. Inanunsyo na, "Ang paligsahan na ito ay tungkol sa pagpatay sa hayop na mapanganib na inihanda para inyong sugpuin." Sabi ng lalaking may mikoprino.

 

Binigyan ang mga prinsipe ng isa-isang espada. Isa kasi itong tradisyon na gawin bago sabihin kung sino ang magiging sunod na hari ng Elysian Kingdom. Nagkatinginan si Zeno at Axel. Ngumiti si Kyro sa gitna nila.

 

Binigyan naman ng mga pana ang mga prinsesa. Tinanggap ni Deon at Avery ang pana at ang mga bala ng pan ana matutulis. "Isa lamang alaga ang mga kakalabanin ninyo. Upang magkaroon ng puntos. Bawat isang hayop ay may kaakibat na puntos depende sa laki o lakas."

 

Hindi pa gising si Alessia sa kanyang pagkatulog. Hindi niya alam na importante ang araw na ito. Tuwing sabado kasi siya nagpupuyat para sa paborito niyang palabas sa telebisyon o kaya sa pag-guhit niyang inaabot ng gabi.

 

Napagdesisyon niyang maglibot na lang sa gubat upang makapunta sa Mystical Street. Nagsuot siya ng maskara at itim na cape.

 

Sakto ay nakita niyang may paligsahan. Sa likuran siya dumaan para puntahan ang kanyang pamilya. "Siguro naman ay hindi ko na kailangan pang sumali." Nakahinga siya ng maluwag. Dahil hindi siya hinanap dahil sa sobrang dami niyang nakitang mga tao.

 

Nakita ni Deon ang usa sa harap niya kaso hindi niya matamaan ang katawan nito kaya nakawala. Pero may sunod na tumamang pana sa katawan nito. Galing sa likod niya. Ngumisi si Avery sa kanyang ginawa kasi nilingon siya ni Deon.

 

"Hindi ganyan ang tamang pag-pana." Sabi nito sa kanya. Napaupo si Deon dahil sa pagod. Kanina pa sila dito pero wala siyang nakitang mga lalaki o mga prinsipe ng Elysian Kingdom.

 

Nagtataka si Alessia kung bakit andito pa naganap ang isang paligsahan. Nagtago siya sa likod ng puno. "Ano bang ginagawa ng tatlong 'to at magkakasama? Siguro nagpapayabangan at nagpapalakasan sila. Kaya pare-pareho sila ng pinuntahan. Para mas masabing sila ang mas magaling at sila ang magpapatunay sa isa't isa." Bulong ni Alessia at humalakhak ng malakas.

 

"Ilan na sa'yo, Kyro?" Tanong ni Zeno. "Wala pa." Bulong ni Kyro, hindi makapagfocus kung anong gagawin. Naalala niya ang sinabi ni Zeno nung isang araw.

 

"Tatlo na sa'kin. Ang hihina niyo pala." Pagkasabi ni Axel, dala-dala ang tatlong usa at ang kanyang pana. "Walang nagtatanong, Tresvenor." Pang-aalaskador ni Zeno kay Axel na may halong galit.

 

Naglakad si Axel para mas makahanap pa ng mga hayop. Naiiwan si Zeno at Kyro. Nakita naman ni Deon si Kyro sa malayo pati si Avery na may isa ng hawak na usa.

 

"Andito pala kayo." Kahit ang totoo ay hinanap niya talaga ito. Yun ang gusto lang maipahatid ni Deon na ito ay nagkataon lang.

 

May lumabas na hindi kilalang hayop na malaki sa gilid at nagulat sila kasi napalayo na sila sa kagabutan.

 

Dahil sa sobrang laki ay napatakbo si Zeno at Avery nang sabay. Natahimik si Deon habang hinahampas ang likod ni Kyro na nakatalikod sa halimaw. "Kyro! Kyro!"

 

Hindi alam ni Alessia ang kanyang gagawin sa nakita niya. Hindi siya makaalis dahil baka mahuli siya pero ano iyong nadatnan nila.

 

Lumabas si Alessia at ginamit niya nag espadang dala para itarak sa leeg ng halimaw ang espada.

 

Kapag lingon ni Kyro ay nakita niya ang nakamaskara at nakacape na si Alessia. Hindi niya alam na si Alessia ang nasa likod ng maskara na iyon. Tinignan niyang maigi kung sino ang nasa kanyang tabi. Si Deon ang katabi niya, si Midnight Alex.

 

Sino itong isa pang Midnight Alex? Nangamba ang puso niya pero parang natuwa rin siya na hindi talaga si Deon si Alex. "Midnight Alex?" Nakasuot siya ng magarang kasuotan bilang prinsipe. Hindi tulad ng suot niya pagmakikita niya si Alex. Kaya ayaw niya sanang malaman na siya ay isang prinsipe. Pero wala siyang magagawa.

 

"Sino ka?" Pagtataka ni Kyro. "Ako ang tagapagtanggol mo. Gusto kong maging madali ang buhay mo. Gusto kong sumaya ka." Ngumiti si Alessia sa kakaiba niyang sagot.

 

Tumakbo si Deon sa sobrang takot.

 

"Paalam na, Kyro Augustus." Ngumiti ito sa kanya. Binawi niya ang espada sa leeg ng halimaw.

 

"Alam mo pala ang pangalan ko. Pero ikaw hindi ko pa rin kilala." Nakangiti nitong sabi kay Alessia.

 

"Sa susunod na lang ako magpapakilala. Paalam." Sabi ni Alessia bilang Alex. Pero nagkatinginan sila ni Kyro. Hinila niya ito bago makaalis.

 

Nilapit niya ang kanyang mukha at dinampi ang labi niya sa labi nito. Siniil niya ito ng marahan na halik. "Tandaan mong hindi kita makakalimutan." Nalulungkot si Kyro sa kanyang sinabi. "Pwede bang wag mo na kong pahirapan." Ngumisi si Kyro kay Alessia.

 

"Pasensya na, Kyro." Alam niyang pinaglalaruan lang siya nito. Para sa kanya, hindi siya sigurado. Alam niyang may gusto itong babae at hindi siya yon. "Hindi pwede." Ngumiti siya ng mapait.

 

Tumingin si Zeno at Avery sa dalawang ito. Napailing si Zeno. "Malalaman din pala niya." Natatawang sambit nito kay Avery.

 

"Hindi pa nga rin maayos, siguro ay dapat natin silang paglapitin pa." Banggit ni Avery kay Zeno ng seryoso ang mukha.

 

Lumapit si Zeno kay Avery. "Hindi ba't dapat ay tayo ang malapit sa isa't isa." Sabi nito na ikinainis ni Avery. Nilapit ni Zeno ang mukha niya kay Avery. "Simulan na nating maging malapit." Dagdag pa ni Zeno.

 

Itinulak ni Avery si Zeno. "Hindi na kailangan." Sabi niya kay Zeno.