webnovel

Since Day One

Author: Honeyahh
วัยรุ่น
Completed · 61.8K Views
  • 32 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Do you believed on love at first sight? Of course you do.Every person fell Inlove at first sight.Naniniwala din ba kayo na tadhana ang mag pakana pag nagkikita kayo on exact places and time?

Tags
2 tags
Chapter 1Family

SHEIN

Mainit ang sinag ng araw ng tumawid ako sa kalsada.Maghahanap ako ng mapagtrabahuan ngayon and also an apartment where I can stay permanently.Galit na galit si Papa sa'kin dahil nabasag ko yung mamahaling vase niya na binili pa sa Greece.Umalis muna ako nang bahay dahil baka madagdagan ang galit nun.Mas mahal niya pa ata ang mga gamit siya kesa sa akin.Pinigilan ako ni Mom na umalis pero wala siya,kaming nagawa dahil sabi ko aalis muna ako para magpalamig.Ayaw kong ma stress si Dad sakin.I love my Dad so much.

Uhaw na uhaw na ako dahil kanina pa ako palakad-lakad pero wala akong makitang bakanteng pwesto sa mga restaurants.At isa pa menor de edad palang ako.Dese sais anyos pa lang ako kaya hindi ganun kadali maghanap ng trabaho.I must say na mayaman nga kami pero hindi ako ini-spoiled ni dad at mom.I'm their only child kaya ayaw nila na matulad ako sa ibang mayayamang anak na binibigay ang lahat ng hilingin.I can stand on my own,di ko kailangan ng awa o tulong ng iba.

Three days have passed nung umalis ako sa bahay.Sa loob ng tatlong araw na yun ay sa bestfriend ko ako tumira.Buti nalang mabait si Tita Yelly kaya pinatuloy niya ako.Labas-pasok ako sa mga tindahan o restaurant para magtanong pero ni isa walang nangangailangan ng dagdag na empleyado.Dahil sa sobrang pagod,gutom at uhaw ay bumili muna ako sa isang café ng makakain at maiinom.Hindi kinuha ni dad ang credit card ko o kinuha lahat ng cash ko pero ang problema ay 10,000 nalang ang natitira.Masyado akong gumastos nitong nakraang araw kaya naisipan kong maghanap ng trabaho.

"One carrot cake and one Milkshake ,please"sabi ko sa casher.

"Yes,ma'am.Give us 5 minutes ma'am to prepare your order."magalang na saad nung babae.Tumango lang ako at umupo sa isang upuan.Pandalawahan ang upuan,nilagay ko ang shoulder bag ko doon sa bakante na nasa harapan ko.Tumunog ang bell sa pintuan ibig sabihin may bagong dating na customer.Dumating na ang order ko kaya nilantakan ko na iyon.Gutom na gutom talaga ako.Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.Nakatanggap ako ng ilang missed calls galing kay Meisha(best friend ko) at kay Mom.Meron ding ilang message galing sa kanila.Una kong binuksan yung kay Meisha dahil baka paulit-ulit lang ang sasabihin ni mom na 'anak, umuwi ka na, please'.Binasa ko ang text ni Mei.

Pretty Mei: Hey,girl may handaan dito sa bahay mamaya.Go home early ha?

Nag reply agad ako.

Ako: Okay.I'll be there at 6 or 7 pm.

Ni send ko na yun at binuksan ang text ni mom na nakangiti.Pero agad din nawala iyon dahil sa nabasa ko.

Mom:Shein,you're dad is in hospital.

Nanginginig ako nang denial ang number ni mom.Tumulo na ang luha ko.

"Mom,What happened?"

"Shein,natumba lang siya kanina during the meeting.Hindi pa namin alam ang nangyari dahil hindi pa lumalabas mula sa loob ng ICU ang doktor..."narinig ko siyang humikbi sa kabilang linya "Just be here,Shein.You're dad need you"

Binaba ko na ang linya saka nagmadaling umalis sa Café.Hindi pa nakakalahati ang in-order ko pero nang iniwan ko.Nagmadali agad akong pumara ng taxi at dagling pumasok sa backseat.Nitext ko si Meisha na hindi ako makakapunta mamaya sa bahay nila.Pag-send nun ay nag ring ang phone ko at si Mei ang caller.

"Hello? Shei ,bakit naman hindi ka makakapunta? Is there anything happened?"tanong niya

"Mei...It's dad.He's in the hospital."humikbi ako

"W-what happened to Tito?"ramdam ko ang pagkataranta niya.

"natumba lang daw siya kanina habang nasa meeting sila.Hindi pa alam kung bakit"

"okay,nasaan ka ngayon?"

"Papunta na ako sa Lazaro's Hospital"

"Oh,malapit lang pala dito sa pinuntahan ko.Okay,I will wait you there.Bye,ingat ka"

"I will" sabi ko tsaka binaba na ang linya.

Panay ang panalangin ko na sana walang masamang mangyari kay dad.He's my dad afterall,hinding hindi ko siya kakamuhian dahil lang sa masyado siyang protective sakin.

"Ma'am,nandito na po kayo"rinig kong sabi nung driver.Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng hospital.Kukuha na sana ako nang pera nang wala akong nakitang slingbag sa balikat ko.Wala akong dalang pera,nandun lahat sa slingbag ko!Tiningnan ko ang driver na nakatingin sa'kin ngayon at napailing lamang.

"Hay naku,ma'am! Lumang style na po yan,kung sana wala kayong pera huwag na kayong pumara ng taxi."iling na sabi ni manong.kinuha ko ang phone ko at denial si Mei.I need her now!

"Hello,Mei.Where are you?"

"I'm here at your dad's private room.You?Where are you?"

"Ahmm..Nandito ako sa labas ng hospital.Wala akong pambayad sa taxi"nahihiyang sabi ko.Humagalpak naman siya ng tawa sa linya.Minsan gusto ko talagang kutusan tong babaeng ito.

"Okay,I'll be there.Wait--"di pa siya natapos sa sasabihin niya nang namatay ang phone ko.Lowbatt na pala,bakit di ko man lang napansin.

Tiningnan ko ulit yung driver na mukhang inip na inip na."Ahmm..manong,pwede po maghintay muna tayo saglit? nagpakuha lang po ako ng pera"pakiusap ko

"Hay ano pa nga ba.Sige."sabi niya.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating si Meisha.Sinamaan ko siya nang tingin pero nag-smile lang siya at nag-peace sign.Napailing nalanga ko.Bumaba na ako ng taxi at binayaran na ni Mei si Manong driver.

Umalis na agad kami ni Mei doon at pumasok sa hospital.Sumakay na kami ng elevator.Konti lamang kaming nakasakay kaya komportable ako.

"Bakit ang tagal mo kanina? Alam mo ba na para akong napasabak sa isang contest kasama si manong?"tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako.

"Eh,Marami kasing bakasakay kanina sa sinakyan kong elevator kaya kada floor nag s-stop kami,"paliwanag niya "at anong contest ang sinasabi mo?"

"Contest ng pabahuan ng hininga,"sabi ko sa kanya at tumawa naman siya "Sobrang tahimik namin kanina sa loob,kulang nalang daanan kami ng uwak sa loob ng taxi eh"tawa parin siya ng tawa.

Tumunog na ang elevator sa floor na lalabasan namin.Lumabas na kami ni Mei at pumanhik sa kwarto ni Dad.Hindi ko pa pala natanong kung okay lang siya.

"Mei,okay na siya?"tanong ko sa kanya

"oo naman,hinahanap ka niya kanina.Akala niya nga ikaw yung dumating kanina nung dumating ako eh.Pero pinaliwanag ko na dadating ka."

"Haysst buti naman di na siya galit.Miss ko na kase yung mga biro niya.."nagbuntong hininga ako.Miss ko na si Dad.I swear.

"Okay,narito na tayo"sabi ni Mei at binuksan ang pintuan.Tumambad samin si Mom at Dad.Pinapakain ni Mom si Dad ng lugaw.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila."Sa labas lang ako"bulong ni Mei,,tumango lang ako.

"D-dad..."naiiyak kong sambit.

"A-anak?"tawag niya.Niyakap ko siya.Naramdam kong hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan.Panatag na ulit ako na maayos na nagkaayos na kami ni Daddy.

"Sorry,anak.Sorry kung iniisip mo na mas mahalaga sakin ang nabasag mong vase kesa sayo pero nagkakamali ka.Hindi ako nagalit sayo nung nabasag mo iyon,nagalit ako dahil baka kung anong nangyari sayo.Nag-alala lang ako anak.Patawarin mo sana si Daddy hmmm?"sabi niya.

Tumulo ang luha ko sa paliwanag niya.Mahal ako ni Dad...Mahal niya ako.Ang sarap pakinggan galing sa kanya ang salitang iyon.

"Ano ba yan! Hindi niyo man lang ako sinali?"nagtatampong sabi ni Mom at Nagtawanan kaming tatlo sabay nag group hug.

This is the symbol of love and family for me.

You May Also Like

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? -Writer: 4the_blg3, chasing_dreams a.k.a chace_gonzales

Chace_Gonzales · วัยรุ่น
Not enough ratings
17 Chs

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · วัยรุ่น
Not enough ratings
102 Chs

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
Liked
Newest

SUPPORT