webnovel

SET - UP

—work of fiction—

"Oh? Bakit ngayon ka lang umuwi? At sino na namang lalaki ang kasama mo kanina? Hah?!" hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay nang galit na pagmumukha agad ang bumungad sa'kin.

Naka-pamaywang pa ito at amoy alak ang bibig, as usual. Lagi na lang itong lasing. Nakakapagod na ang paulit-ulit na ganitong eksina, uuwing galit na pagmumukha agad ang bubungad sa akin.

"Oh? Wala ka man lang sasabihin?!" aniya nang mapansing hindi ako kumibo. Sasampalin na sana ako nito nang deritso akong tumingin sa lasing nitong pagmumukha.

"Pagod ako ate, kaya please h'wag muna ngayon! At tsaka h'wag mo akong pagsasalitaan ng mga bagay na hindi naman totoo!" sagot ko, pinigilan kong mataasan ang aking boses, mahirap na baka kung saan pa mapunta ang eksinang 'to.

"Bumalik ka nga ditong babae ka, hindi pa tayo tapos!!" rinig kong pagtawag niya ngunit hindi kona ito nilingon at patuloy lang sa pagpasok sa loob ng bahay.

Nang tuluyan na akong makapasok nadatnan ko naman ang boyfriend ng ate ko sa may sala namin, may hawak itong bote ng alak.

'Ah—kaya naman pala lasing si ate, andito pala 'tong demonyo n'yang nobyo!' saad ng aking isip.

Malagkit ang mga mata nitong tumingin sa kabuoan ko, parang hinuhubaran niya ako sa klase ng pagtitig nito, bastos!

"Andito kana pala, Aimee!" galak na saad niya ngunit hindi sa mukha ko ang tingin nito kundi sa ibabang parte ng katawan ko!

Napalunok naman ito habang hindi parin inalis ang tingin sa ibabaan ko. Nag i-enjoy sa magandang view?

"Done staring at me?" mabilis naman itong tumingin sa maganda kung mukha at demonyong ngumite.

Inirapan ko ito at agad na tumungo sa kwarto upang makapagpahinga.

———

Gabi na nang magising ako dahil sa ingay sa kabilang kwarto— which is ang kwarto ni ate. Nang tuluyan na akong makalabas ng aking kwarto, may mga narinig naman akong sunod-sunod na mga mu-munting ung*l ng mga taong nagtatalik. May ginawa na naman silang kamilagruhan! Lagi naman!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dahil kanina pa natutuyo ang aking lalamunan— kailangan ko nang uminom ng tubig, lalagpasan ko na sana ang kwarto ni ate nang mapansin kung nakabukas ang pinto nito, may naaninag akong isang bulto ng tao at sa kabila naman ay may isang bulto ng tao rin! Hindi ko naman ito masasabing babae ang bultong iyon dahil malalaki ang kanilang mga katawan base sa mga anino nito!

'Nasaan kaya si ate?' tanong ng aking utak.

Binaliwala kona lang iyon dahil ang mas mahalaga sa'kin ngayon ay ang pag-inom ng tubig dahil kung hindi mamatay ako sa uhaw!

Pagkatapos kong makainom ay agad rin naman akong bumalik sa kwarto pero bago 'yon tiningnan ko muna ulit ang kwarto ni ate, nakasarado na ito ngayon— marahil ay tulog na sila dahil sa pagod sa pag-*los! Tumuloy nalang ako sa kwarto ko at bumalik sa pagtulog.

———

"Anong ginawa mo, Kuya?!" hindi ko alam kung ano ang i-rereaksyon ko nang makitang wala ng buhay ang aking kapatid— si ate Zylle!

Nakahandusay na ito sa mismong sahig ng kwarto niya nang madatnan ko at may hawak na patalim naman si Kuya Rafael na may bahid pa ng dugo!

"W-wala akong ginawa! W-wala akong kasalanan!" mangiyak-ngiyak nitong sabi. Galit na galit ako ngayon sa lalaking 'to! Gusto ko rin siyang patayin!

"Sinungaling ka!!" sinampal ko pa ito.

"N-nagsasabi a-ko ng t-totoo, Aimee! h-hindi ako ang may gawa, Nakita ko lang siyang nakahan—!" hindi ko na siya pinatapos dahil ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan niya!

"Hayop ka! Napakawala mong kwentang nobyo! Pinatay mo ang kapatid ko! Mamatay tao ka!" tumakbo ako palabas ng bahay upang humingi ng tulong.

Nadakip na nang mga pulis ang nobyo ni ate, at nandon naman sa morgue ang wala nang buhay na katawan ng aking kapatid.

———

"Opo, ganun po 'yong nangyari Sir, nakita ko na lang si ate na wala ng buhay at si kuya Rafael may hawak nang patalim! Please po sir gawin niyo po lahat upang makulong at hindi na makalabas ang mamatay na lalaking 'yon!" saad ko sa mga pulis nang isalaysay ko ang lahat ng mga nangyari.

"Opo ma'am, bibigyan natin nang hustisya ang pagkamatay ng ate mo! Maraming salamat sa kooperasyon ma'am, maiwan napo kita!" saad ng pulis at umalis.

———

Napangite na lang ako —ngiteng tagumpay, pinagmasdan ko ang aking kabuoan sa salamin habang may hawak na alak.

"Akalain mo nga naman kay dali lang palang patay!n ang babaeng 'yon, Hyts paki-alamira kasi e, naririndi na ako sa boses at pagmumukha nong babaeng 'yon, ayan tuloy maagang natutulog—sa kabaong nga lang HAHAHHAHA!" halakhak ko, inilapag ko ang hawak kong alak at dinampot ang kutsilyong ginamit ko mismo sa pagpatay sa aking nakakatandang kapatid.

"Kawawang Rafael, na set-up nga naman, bastos rin kasi e, 'yan ang napapala ng mga taong bastos! hmm HAHAHAHAH!" mala-demonyo kong tawa habang inaalala ang mga nangyari kagabi.

Yes, I'm a real suspect! Ako ang pumatay sa ate ko at nag set-up sa nobyo nito! Well they deserve it!

Nang gabing lumabas ako sa kwarto ko para uminom ng tubig, nadatnan ko si ate sa kusina at nagkasagutan kami, sasampalin na sana ako nito ng aksidente ko 'tong matulak, tumama naman ang ulo nito sa dulo ng lamesa, nataranta ako sa mga nangyari kaya imbes na humingi ng tulong kay kuya Rafael na noon ay kasalukuyang natutulog, ang ginawa ko ay kumuha ako ng kutsilyo at pinagsasaksak ang katawan ng kapatid ko pagkatapos ay dinala ko ito sa mismong kwarto nito at inilagay kay Kuya Rafael ang kutsilyong ginamit ko para palabasing siya ang may gawa ng krimen. Job well done, Aimee!

—End—