webnovel

Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2)

(Babala: SPG-SAWI. STRIKTONG PATNUBAY at GABAY sa mga SAWI sa pag-ibig ay kinakailangan. Walang sisihan kung kayo ay kikiligin at magwi-wish pa kay Miss Elf ng love life.) Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ni Uno, aksidenteng nabangga sa tore ng kuryente ang spaceship ni Alfa, isang alien na nagmula pa sa Galaxy 100, 000, 007. Simula noon ay naniwala at umasa siya na ang "earthling" ang kanyang destiny. Eepekto kaya ang panliligaw ni Alfa sa choosy at bitter na si Uno? Abangan! Semira Boys Series: Uno Emir (Book 2) Date Started: January 25, 2020 Date Completed: February 18, 2020 Edited: April 2020 All Rights Reserved

wizvisionary · แฟนตาซี
Not enough ratings
22 Chs

Kapitulo 18: Alfa, Nasaan Ka?

"Ang sakit-sakit ng heartbreak!" lumuluhang sinambit ni Uno. Lumagok siya muli ng alak at nagpatuloy sa pagdadalamhati. "Mas masakit pa kaysa sa ma-stuck sa traffic pero taeng-tae ka na...mas masakit pa kaysa sa pagpapatuli!"

"Napapalakas na ang tama mo, 'Tol." Tinapik na ni Wiz ang balikat nito upang damayan. "Tigilan mo na 'yan."

"Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?*"

(Line from "My Ex and Whys")

Hinatak niya ang suot na t-shirt ni Wiz at sumingha roon. Bangag na bangag na talaga siya sa dami ng nainom.

"Bakit lahat sila iniiwan ako? Lintik na sumpa 'yan! Wala naman tayong kasalanan diyan bakit nadamay pa tayo?" puno ng poot na sinumbat niya sa ninuno nila na naging dahilan ng pagkasawi sa pag-ibig. "Hinubad ko na ang lahat, pati shorts at brief ko! Katawan ko lang pala habol ng mga babae! Ang saklap! Akala ko naiiba si Alfa at hindi ako iiwan! Kung kaya nagburlesk na rin ako sa harap niya, nagbago pa ang isip niya kahit sandali lang? I miss her so much..."

May dumaan na ipis sa sahig kaya mas lalo siyang napaiyak.

"Fifi..." Dinampot niya ang walang kamuwang-muwang na insektong napadaan lamang. "Nasaan ang mommy mo? Pakisabi mo naman, hinihintay na siya ni daddy!"

"Hindi 'yan si Fifi!"

Kumurap-kurap siya at pinilit na kilalanin ang ipis. Dumaloy lalo ang luha nang mapagtanto na maging si Fifi ay wala na rin sa bahay.

"Napakalupit ni Alfa! Pati baby namin, tinangay. Ipaglalaban ko 'yan ng joint custody!"

"Turukan na kaya natin ng pampakalma o pampatulog siya?" suhestiyon ni Mike na may pagkabahala. "Iba-iba na yata ang nakikita niya dahil sa dami ng nainom."

"Turok?" Tila ba nagising ang diwa ni Uno sa narinig. Yumakap siya kay Wiz at parang spoiled na batang umiyak. "Takot ako sa turok o mga tusok na 'yan! Damn it! I don't want to be like Francis! Nakaka-trauma ang matusukan ng alambre sa puwet at ma-injection na kung anu-anong gamot! Ayaw kong maturukan!"

"Hindi na..." pagpapakalma ng kayakap. "Umayos ka na. Hindi ako makahinga, Uno!" pagpupumiglas na niya dahil tila ba wrestler ang yumayapos sa kanya.

"What happened to Francis gave me sleepless nights! Alam mo ba na kahit kay Jollibee takot ako? Baka tusukin ako ng paulit-ulit ng bubuyog na 'yun!"

Kaagad niyang napansin ang baso ng choco float na iniinom ni Mike na may logo ni Jollibee. Inagaw niya iyon at ihinagis palabas ng bintana.

"K-Kuya..." mangiyak-ngiyak na nireklamo ng nakababatang pinsan. "Hindi ko pa nakakalahati iyon!"

"I don't care! No Jollibees in my house, do you understand?" mahigpit niyang pinagbilin. Nakita naman niya ang paper bag na may guhit ng nasabing bubuyog. Dinampot niya iyon at akmang itatapon muli palabas ngunit pinigil na siya dahil isang bucket pa ng chicken joy at isang tray ng spaghetti ang laman noon. Naupo siya sa sahig at nagsimulang mag-tantrums. "I hate Jollibee! I hate Jollibee!"

Sapilitan na siyang binuhat ng mga pinsan upang mahiga sa kama nito. Malakas na ang epekto ng espiritu ng alak sa kanya kaya minabuti nila na sapilitan na nila itong patulugin. Kinumutan nila siya at binantayan upang hindi tumayo.

"Bitiwan niyo ako!" pagpupumiglas niya. "Lilipad na si Jollibee..."

"Lasing ka na..." pagpapaliwanag ni Wiz. "Ipahinga mo na 'yan."

"Hindi ako laching!" pagde-deny pa rin niya. "Well, slight lang. Hahaha! Charap sa feeling..."

Maya't-maya ay nakatulog na ito dahil sa sobrang kalasingan.

Awang-awa sina Wiz, Francis at Mike sa kalagayan ni Uno.

Iba talaga ang heartbreak.

Malamang ay ito ang isa sa pinakamasakit na mararanasan ng isang tao sa tanangbuhay niya.

"Ano kaya ang maitutulong natin?" pagtatanong ni Francis. "Limang araw na siyang ganyan. Baka ano pang mangyari sa kanya."

"Sinikap ko na mahanap si Alfa upang makumbinsing bumalik." malungkot na pinahayag ni Wiz. "Sadyang mahirap hanapin ang taong nagtatago. Malaki ang problema natin kung totoong nakabalik na siya sa Galaxy 100, 000, 007. Kung ganoon nga, ang magagawa na lang natin ay manalangin. Wala pa tayong sapat na teknolohiya upang makarating doon."

"Si Miss Elf..." sinambit ni Mike. "Baka kaya naman ng kapangyarihan niya na makarating tayo roon."

Nagtinginan ang tatlo at napangiti.

"Oo nga!" napabulalas sila.

Kinabukasan ay nagising si Uno dahil sa mga kalampag sa kanyang silid. Sumakit pa ang kanyang ulo dahil sa hangover.

"Anong meron?" pag-uusisa niya.

"Gising ka na pala." pagbati ni Francis. "Maghanda ka na. Pupunta tayo sa Miao-miao!"

"Anong gagawin natin sa Miao-miao?" hilong-hilo pa niyang pinagtaka. "Susuko na ba tayo at tatanggapin na magiging isang pulgada na lang ang pagkalalaki natin?"

"Bangag ka pa rin talaga! Tumayo ka na riyan at kumilos!" inutos ni Wiz sa kanya. "Hindi mo ba gets? Operation Hanap Alfa tayo!"

Natauhan si Uno at napabalikwas.

"Mahahanap pa kaya natin siya?" pagdududa niya.

"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?" nakangiti na tugon ni Wiz sa agam-agam ng pinsan.

Mga ilang segundo lang ay tumalon na ito mula sa kama at naghanda para sa mahaba-habang biyahe.

"Bilisan niyo naman!" pang-eengganyo niya sa mga kasunod. Hingal na hingal na kasi ang mga kasamahan niya dahil parang may sanib siya ng race car at naglalakad ng 300 miles per hour.

Sa taas ng bundok na inaakyat nila ay hindi man lang magawang magpreno nito dahil sabik na siyang makausap ang duwende.

Malaki ang pag-asa niya na makikita muli si Alfa kahit saang lupalop pa ng Universe ito nananatili.

Nang makarating sa umbok ng lupa na pinglalagian ng duwende, natagpuan nila ito sa taas ng puno at umaawit pa kasama ang mga ibon.

"Lalala..." pagvo-vocalize muna niya.

"Tweet! Tweet! Tweet!" tugon ni Tweety Bird.

"Akala ko ikaw ay akin

Totoo sa aking paningin

Ngunit nang ikaw ay yakapin

Naglalaho sa dilim..."

"Tweet! Tweet! Tweet!"

"Ikaw ay aking minahal

Kasama ko ang Maykapal

Ngunit ako pala'y naging isang hangal

Naghahangad ng isang katulad mo...*"

(Excerpts from Luha by Aegis)

Kumirot ang puso ni Uno dahil relate siya sa lyrics ng awitin. Nais man niyang maluha muli ay pinigil niya ang sarili dahil dyahe naman kung magda-drama ang isang makisig na lalaking katulad niya sa harap ng little birdies.

"Ayan na naman 'yun mga sakit ng ulo!" sinumbong ng isang maya.

"Kayo na naman!" pagrereklamo

ni Miss Elf. "Kailan niyo ba ako tatantanan?"

"Hindi mo ba kami na-miss?" tugon ni Wiz sa katanungan din nito.

"Asa ka! Hindi!"

"Huwag ka ng magalit. May hihingin kasi kami na pabor ulit..."

"Aba! Naaalala lang niyo ako kapag may kailangan kayo! Neknek niyo!" pagtatampo niya.

"Ano ba ang gusto mong kapalit? Gagawin namin ang makakaya namin para mabayaran ang pabor."

"Gagawin niyo ba ang lahat ng gusto ko?" isang pilyo na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi.

"Oo." Tinulak ni Uno si Francis patungo sa punong tinatambayan niya. "Inaalay pa namin ang katawan niya sa iyo ng buong-buo."

"Ha? Huwag po!" pagmamakaawa nito. Talagang kinatatakutan niya ang duwende dahil sa mga panakaw nito na pagtingin sa kanya.

"Hindi ko kailangan 'yan!" pagpapakipot ni Miss Elf kahit tuksong-tukso na siya sa offer nila.

"Sige na po. Tulungan mo na kami." pangungumbinsi ni Francis sa pinakamalambing na makakaya ng kanyang tono. "Ganito kasi. Na-in love si Uno kay Alfa, isang alien girl na taga-Galaxy 100, 000, 007. Ang problema, bumalik na siya roon. Baka pwede mo naman kami tulungan na magpunta roon."

"Anong akala niyo sa akin? Si God? Imposible ang pinapagawa niyo sa akin Kung nasa Galaxy 100, 000, 007 na siya, baka aabutin ako ng fifty years para maisakatuparan ang request niyo!"

"Baka pwede mo pa rin subukan." pakikiusap muli ni Francis. "Umaasa kami na hindi pa naman nakakalayo si Alfa."

"Hmph! Sige na nga!" pagpayag na niya. Kumapit siya sa trunk ng puno at dumulas pababa.

Hindi talaga matiis ng duwende ang binata. Matagal na niya itong pinagmamasdan at aminado siya na natutuwang makita ito. "Sumunod kayo."

"Miss Elf, hindi kami kasya diyan." malungkot na obserbasyon ni Mike nang makarating sila sa umbok ng lupa. "Ang liit po ng butas."

"Wait lang, heto na nga! Excited?" pagtataray nito. Nilabas niya ang isang card at nag-swipe sa butas ng lupa. Yumanig ito ng bahagya at nabiyak ang umbok sa dalawa. Nalantad ang hagdan pababa sa tunay na tahanan ng duwende.

"Wow!" sabay-sabay silang napabilib.

Malaki pala talaga ang bahay nito na fully-furnished pa. Napapalibutan ito ng mga pasadyang muwebles na gawa sa narra at yakal. May mga nakasabit din na mga antigong paintings sa dingding. Kaagad na napukaw ng atensyon nila ang isa na gawa ng sikat na pintor na si Leonardo da Vinci.

"Mona Lisa?" nasambit ni Francis.

"Oo. 'Yan ang orig. Replica na lang ang nakikita niyo sa labas."

"Huwaw!" napahanga ang magpipinsan muli.

Sumalubong sa kanya ang mga alagang chihuahua at mga persian cats na may kanya-kanya pang beds.

"Babies!" maligaya niyang pagbati sa mga alaga.

"Sino siya?" pag-uusisa muli ni Francis sa duwende. Tinuro nito ang isang luma at medyo kupas ng sketch ng isang lalaki na may pagka-chinito rin at mahaba ang buhok. Biglang nalungkot ang mga mata ni Miss Elf sa katanungan.

"Isang kaibigan...matagal na..." maluha-luhang tugon niya. "Anyway...tara!" pag-iwas na niya na mapag-usapan pa ang misteryosong lalaki.

Nagtungo sila sa isang silid na may puting bolang kristal sa gitna nito. Pinunasan pa niya ito dahil naalibukan na sa tagal na hindi niya nagagamit.

"Halikayo!" pag-aya niya sa mga Semira. "Ilagay niyo ang kamay niyo riyan at isipin niyo si Alfa. Kailangan ng todong concentration dito. Kung narito pa siya sa Earth, dadalhin kayo ng kristal sa lugar na pinaglalagian niya."

Sumunod sila sa panuto.

Umilaw ang bola at umikot-ikot pa. Mga ilang saglit lang ay nakita nila mula roon si Alfa na nakatayo sa isang bongga na Gay Bar. Mga VIP lang ang maaaring makapasok doon at limitado lamang ang tickets.

Sa magarbong pananamit ng dalaga ay mukhang isa siya sa mga bisita roon. Inakbayan siya ng isang maganda rin na babae at kaagad silang pinapasok ng security.

Nakaramdam ng tuwa si Uno dahil napag-alaman niya na hindi pa pala nakakaalis ng planeta ang nobya.

"Isa pa lang Barbie si Ate Alfa!" hindi makapaniwalang napatili na parang babae si Mike. "OMG!"

"Mga ungas! Hindi Barbie si Alfa! One hundred percent na babae siya!" pagtatanggol niya rito.

"Paano mo nalaman, Kuya?"

Apat na pares ng mga mata ang pilyong tumitig sa kanya at naghintay ng kasagutan. Batid niya ang pinahihiwatig ng mga iyon.

"Basta!" ang tanging nasambit niya.

Isang nakakasilaw na liwanag ang sumabog mula sa bolang kristal. Pakiramdam nila ng mga oras na iyon ay nasa ere sila at lumulutang sa kawalan.

Lumipas ang sampung segundo...

Natagpuan na lamang ng mga Semira boys na napapalibutan sila ng mga Barbie...