webnovel

Chapter 2: First Move.

"Bakit ka na naman nandito?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko kay Pilot.

"Oh, pinabibigay ni Tita. Naawa lang ako kay Tita, umaasa siyang kakainin mo 'yan." Sagot niya at parang maluluha na.

Tinitigan ko ang hawak niyang topperware."Ibalik mo 'yan sa kaniya, hindi ko 'yan kakainin." Tiningnan ko siya ng mata lang ang gumagalaw."Hindi mo ba naisip na 'yung hinala ni Mama na alam mo kung nasa'n ako ay mapapatotoo dahil sa topperware na 'yan. Pwede ka niyang sundan dito. Ano ba?" Dagdag ko pa.

Tinitigan niya 'ko, tinitigan ko 'din siya. Mayamaya pa ay napabuntong hininga siya.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo." Ipinasok niya ang topperware sa bag na dala.

Tatalikod na sana siya ng hawakan ko ang braso niya, nilingon naman ako nito saka napangisi. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa.

"Isa pang favor." Naibaba ko ang tingin."5---." Pinutol niya na agad ang sasabihin ko.

"5 Years?! 5 Years kang mawawala?" Sigaw nito. Gusto ko siyang suntukin sa ka-OA-han niya pero totoo naman.

5 Years akong mawawala, kailangan kong mag-ipon, may mga balak ako bago bumalik kay Mama.

"A-Ah, Oo.." Mapipiyok na sagot ko."'Wag mong iwan si Mama, magbibigay ako ng pera sa mga gastos ni Mama. Kung magkakaroon siya ng maintenance, sabihin mo lang kung magkano ang kailangan mo na pera t-tsaka.." Natigil ako sa pagsasalita ng pumiyok ako."Ayon nga." Hindi ko nakikita kung ano'ng ekspresyon ng mukha niya dahil habang nagsasalita ako ay sa baba ang tingin ko.

Sandaling katahimikan nang basagin ito ni Pilot."Hindi mo na kailangang magbigay ng pera. Aalagaan ko si Tita, Alagaan mo ang sarili mo." Sabi niya saka binawi ang braso niyang hawak ko at umalis na.

Natulala ako sa inasta niya. Napakalalaki niya sa inaktong 'yon, kung hindi lang siya bakla baka asawa ko na siya ngayon, bayad na 'din ang mga utang ko---Joke lang.

Buong tanghali ay nakatulala lang ako at nanonood. Nang biglang may bumisina ng pagkalakas-lakas dahilan para mapaigtad ako sa gulat.

Kasunod no'n ay si Liek na pumasok sa loob ng apartment ko.

"Let's go, Ms. Secretary!" Sigaw nito, napatayo ako at hindi malaman ang gagawin."We're late for our meeting!" Dagdag na sigaw nito.

"Akala ko bukas pa?" Tanong ko, pinasadahan niya 'ko nang tingin bago kami magkatinginan sa mata.

"Ms. Secretary you should always ready. 3 Minutes to dress up!" Sigaw nito at hinagis sa 'kin ang nakaplastic na uniporme pang Secretary.

Dalawang minuto at natapos ako sa pagbibihis at sa pagtatlong minuto ay nakababa na ako. Sakto lang.

"Let's go." Ani Liek kaya sumunod nalang ako.

NAKARATING kami sa kumpanya niya, imbes na siya ang pagtinginan ay sa 'kin pa natuon ang pansin ng lahat.

Pumasok na kami sa Conference Room kung saan gaganapin ang meeting nila.

"Well, Sorry for my detained. Should we start now?" Bungad na sabi ni Liek pagkapasok namin.

Hindi nila pinansin si Liek at napatingin sa 'kin. Tiningnan ko sila Isa-isa.

"You're new secretary? Anyways, let's start the meeting." Ani isang matandang lalaki.

Nagsimula na sila sa oag-di-discuss ng mga problema at solusyon ukol sa isyu ng kumpanya.

Tinalakay 'din nila ang sa tingin nila ay may nakapasok na espiya galing sa kabilang kumapanya dahil 'din sa sunod-sunod na aksidente kuni na nangyayari. Una na dito ang pagkasunog ng dalawang stock room sa 2nd floor. Sumunod ang tungkol sa litratong ginamit para masira ang image ng Like Corp., Kumpanya ni Liek. Na tungkol sa mga baril at droga kasama ang isang stock holder ng Like Corp. Pang-apat ang tungkol sa alitan pagitan sa Like Corp. at Heart Corp.---Charing, Alitan sa pagitan ng Like Corp. at John Company.

Wala akong interes sa mga kumpanya at wala 'din akong alam sa pwesto ko ngayon, ang pagiging secretary.

"We must not contented that we have a detectives, We should plan a back up. Back up bank and so on." Gusto kong isipin na praning sila pero 'Wag na lang.

Nag-usap pa sila ng nga suhestiyin nila upang mas lalo pang mapalago ang kumpanya laban sa backstabber na empleyado. Hindi man sabihin ni Liek ay alam kong may Kinukuwestiyon na siyang empleyado niya.

Natapos ang meeting. Sa next meeting nila ay tungkol naman sa, nakalimutan ko na.

"WHAT do you feel about your first day?" Mayamaya ay tanong ni Liek.

Hindi ko gustong sabihing ang boring dahil hindi ko 'din naman gustong ma-'You're fired!' Ni Liek. Trabaho kung trabaho, walang kaibi-kaibigan pagdating sa ganitong sitwasyon.

Napangisi siya sa hindi ko pagsagot. Ngumisi 'din ako sa isip ko, matunog ako kung ngumisi, marinig niya pa.

LUNCH break na kaya inuna ko ang pagkain at sunod ang pagbabasa, pag-aaral sa binigay na papel ni Liek sa 'kin.

May naglapag ng kape sa mesa ko."Mainit, ayoko." Agad na sagot ko.

Tiningnan ko 'yung nagbigay, isang lalaki. Mayamaya pa ay na-upo siya sa harap ko.

Tiningnan ko siya ng mata lang ang nagalaw."May kailangan?" Tanong ko.

Nahihiya itong ngumiti at napakamot ng batok."A-Ah, I'm Qen." Inilahad niya ang kamay.

Tinitigan ko 'yon at nakioag-shake hands 'din."Denesapyyreq." Pakilala ko sa sarili.

Tiningnan ko siya ng hindi niya bitawan ang kamay ko."A-Ah, what again?" Tanong niya uli.

Kinuha ko ang kamay ko at pasimpleng ipinunas sa suot kong palda."Denesapyyreq." Pakilala ko uli.

Bumalik na ako sa pagbabasa at ramdam ko ang titig niya, tiningnan ko uli siya."May kailangan ka pa ba?" Unti-unti na akong nauubusan ng pasensya.

Pinanood ko siyang kumuha ng papel at ballpen saka ibinigay iyon sa 'kin."Can you write your name here?" Napapabuntong hininga akong nagsulat.

Matapos kong magsulat ay nagpaalam na siya, babalik na sana ako sa pagbabasa ng mapansin ang isang calling card sa sahig. Kinuha ko naman 'yon at nakita ang pangalan na Qen. Gano'n pala ang spelling ng pangalan niya, Qen. Qen, Qen and Qen.

Tinawagan ko ang number na nakasulat. Halatang sinadya.

"Qen." Pagtawag ko kay Qen matapos niyang sagutin.

"Ah, Den-#+$+#+@+?" Napangiwi ako nang hindi niya mabanggit ang pangalan ko.

Pinatay ko ang tawag at napagpasyahang bumalik na sa office ng boss ko.

"YOU'RE late, Ms. Secretary." Ngiwi niya.

Hinarap ko siya. May inabot siyang kahon sa 'kin, binuksan ko naman 'yon at brownies ang laman. Kumuha ako ng isa at napangiwi sa sarap.

"Nakita ko sa labas ng Office ko. I read the note and it's for you, I eat one." Ani Liek.

Hindi ko ito pinansin at na-upo na lang sa tabi niya saka tinanong ang boss ko kung gusto niya at kumain kami.

Qen..

ตอนถัดไป