webnovel

Polaris

ชีวิตในเมือง
Ongoing · 9.3K Views
  • 4 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Bunso ang labing-apat na taong gulang na si Emeraldine sa anim na magkakapatid ng kanilang pamilya. Ngunit ang apat na nakatatanda lamang ang nakilala niya sa paglaki. Ito ay bunga ng paglayas ng kanilang panganay noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Kaya naman lubos na ikinagulat niya nang makita ang kapatid na iyon isang araw makalipas ng sampung taon sa harap ng kanilang tahanan. Ngunit hindi niya ito nagawang kausapin. Ang tanging naabutan niya ay ang isang kahon sa harap ng tinayuan ng dalagang iyon. Isang kahon na naglalaman ng napakaraming pera. Napuno si Emeraldine ng tanong at kuryosidad. Iyon ang simula ng kaniyang pagkasabik at kagustuhang makilala ang panganay na kapatid na sa nakalipas na dekada ay hindi napag-uusapan sa kanilang tahanan. Upang punan ang nararamdaman at isipan, sinimulan niyang hanapin ang dalagang iyon...

Tags
1 tags
Chapter 1Unang Kabanata: Ang Unang Kahon

Maaring wirdong pakinggan at taliwas sa nakararami... pero buong buhay niya, wala akong alam sa kaniya. Paano ba naman kasi, bata palang ako ay hindi ko na siya kasama sa iisang bubong. At kahit pa noong nandito naman siya sa amin, madalas na siyang wala. Madalas mapagalitan at madalas na tahimik dahil doon. Anim na taon palang ako at wala gaanong alam sa kung anumang nangyayari noon sa away-pamilya. Pero sa natatandaan ko, lumayas siya. Hindi na lang isang simpleng lakwatsa... Gaya ng nakasanayan ay nabulyawan siya ni Papa. Hindi ko na matandaan, eh. Pero 'yon ang unang beses, ang unang beses na napagbuhatan niya siya ng kamay. Huminto siya noon sa pagsagot kay Papa. Tumahimik siya. At natatandaan kong masamang titig lang ang naging tugon niya. Saka siya pumasok sa kwarto at lumabas nang may dala nang bag. Wala siyang sinabi. Sinisigaw-sigawan ulit siya ni Papa pero dire-diretso lang siyang lumabas.

Wala na kaming naging balita sa kaniya. Wala ring nagbabanggit ng pangalan niya sa loob ng bahay mula noon—lalo kapag nasa bahay si Papa. Pero paminsan-minsan, tuwing malalasing si Papa, siya mismo ay nakapagbabanggit sa kaniya. Sa katunayan, sa kaniya ko na nga lang yata nabuo ang imahe ng lumayas kong ate. Sutil—iyon lang ang madalas na deskripsyon niya sa kaniya. Ewan ko rin. Lumaki na akong sanay na wala ang presensya ng ate. Kaya wala na rin sa akin anuman ang sabihin ni Papa sa kaniya.

Minsan na nga akong napaisip, nasaan na kaya siya? Ni hindi namin alam kung buhay pa ba siya. Kahit si Mama ay hindi niya kinontact magmula nang umalis siya. Noong una, akala ko nga ay ayos lang 'yon kay Mama. Pero hindi kalaunan, nagigising na ako nang gabi na inaayos pa niya ang damitan ng ate. Walang imik pero bakas naman sa mata ang emosyon.

Labing-apat na taon na ako nang makita ko siya. Dahil sa sampung taong pagitan namin, malamang ay dalawampu't apat na siya noon. Pauwi ako no'n galing sa eskuwelahan. Dahil gabi na at sigurado akong masesermunan na naman ako, sa likod ng bahay ko binalak dumaan. Kaso may nakatayong babae sa harap. Pagkatapos, sa harap ng bakod ng bahay ay may isang kahon. Pero nasa nakatayong babae ang buong atensiyon ko. Noong una, hindi ko siya mamukhaan. Walong taon na ang nagdaan. At kung hindi nga dahil sa mga tagong litrato sa mga lumang photo album sa bahay, malamang ay burado na sa memorya ko ang mukha niya. Bigla siyang lumingon sa direksyon ko, nakita akong nakatayo at halata namang sinusuri ang mukha niya. Mukha siyang nagulat at nang makita ang reaksyong 'yon ay ako na ang unang nagboses.

"Ate?" Bilang panganay sa aming anim, lahat kaming nakababata ay nakasanayan nang siya lang ang tinatawag nang walang kasunod na pangalan. Si ate Jade naman kasing sumunod sa kaniya ang tumatawag no'n sa kaniya. Ginaya nalang namin.

Pero imbes na sagutin, tumalikod siya at mabilis na naglakad palayo. Natuliro ako nang ilang segundo kung susundan ko ba o ano. Ilang taon na nga ba, 'di ba? Kaso bago ko pa ihakbang ang paa ko ay nagbukas naman ang pintuan ng bakod. Lumabas si ate Gemma. At napalitan agad ng pagkataranta ang isip ko. Nakapameywang na naman kasi at mataas ang kilay. Sigurado nang may sermon. Kaya inunahan ko na ng palusot.

"Ate naman! May practice kami sa theatre club,"

"Theatre club practice? Hoy, Emeraldine! Naghighschool rin ako, 'no. Lokohin mong lelang mo. Ano 'to? Two weeks na walang palyang araw, puro theatre club na practice lang?"

"Tingnan mo, ate, may nag-iwan ng box oh!"

Binago ko nalang ang topic at itinuro sa kaniya 'yong kulay puting box sa mismong bakuran. Yung kahong nakita kong nasa harapan ng bakod at nasa harapan ng umalis. Nung yumuko naman siya para kunin, saka ako tumakbo papasok. Hinabol pa niya ako ng sigaw ng, 'hindi pa tayo tapos, bata ka, ha!' pero hinayaan ko na. Grabe talaga. Daig pa niya si ate Jade na tumatayong panganay sa amin ngayon bilang siya ang pangalawa sa magkakapatid. Wala namang dahilan para dumaan sa likod-bahay. If I know, talagang inaabangan niya akong umuwi.

"Ayan na si Eme oh. Siya ang panggabi, eh," Pagpasok ko ng bahay, nabanggit agad ni ate Jene ang pangalan ko sa pagsagot kay kuya Angelo.

Gaya ng nakasanayang senaryo tuwing hapon, naghihintay na naman sa akin ang mga pinggan sa lababo. Mukha ngang puno na naman ng argumento nila, eh, kung hindi lang ako dumating. Dahil ayon sa schedule ng bahay, ako ang tagahugas ng pinggan sa gabi. Umoo nalang ako at pumasok muna sa kwarto na ang kahati ko ay si ate Jene. Nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng drawer at nagsimulang magbihis nang pumasok ulit sa isip ko ang nadatnan ko kanina.

Ang laki ng ipinagbago ni ate. Mahaba na ang dating hanggang balikat na buhok niya. Dalagang manamit at mukha naman siyang middle class sa hitsura. Mas naging litaw ang ganda niya sa pagiging morena. Balingkinitan ang katawan at halata sa tindig na may confidence na sa sarili. Sasabihin ko kaya kina Mama? Pero sa nakaraang walong taon, wala namang kahit isa sa kanilang nagbanggit sa kaniya. Ni walang nagbukas ng usapan tungkol sa bigla niyang paglayas. Hanggang ngayon, ang tanging alam ko sa gabing umalis siya ay limitado sa natatandaan ng bata kong memorya.

"MAAA!"

Halos lahat yata kami sa bahay eh mapapatalon sa gulat sa lakas ng tili ni ate Gemma mula sa labas. Hindi malaman kung anong problema sa buhay eh. Si Mama naman na noon ay nagluluto sa kusina, biglang nataranta at dali-daling napatakbo sa likod-bahay kung nasaan si ate Jene nang may dala pang sandok. Kami naman ni ate Jene ay napasunod rin para malaman kung ano bang itinitili niya.

"Ano?! Ano?! Ano ba, Jenevieve?!"

"Para ka namang natanggalan ng matres, ate Gemma," Pang-aasar na komento ni ate Jene.

"Ma..."

Pero pare-parehas kaming natahimik nang malaman ang dahilan ng pagsigaw ni ate Gemma. Nakaupo siya sa lupa nang hindi nakasayad ang puwitan habang parehas na nakasapo sa magkabilang pisngi ang dalawang kamay at nakatitig sa nakabukas na puting kahon sa harap niya. Sa lagay ay mukha ngang naibagsak niya. Hindi ko siya masisisi. Kahit ako yata, nawalan ng salitang kayang isatitik. Paanong hindi? Malinaw naman kung anong laman noon—limpak-limpak ng libo, nakasalansan at nakapangalan kay Mama. Sa gitna noon ay isang buhay, totoo at mahabang piraso ng isang kulay pulang rosas.

-

You May Also Like

I GO TO KOREA TO FIND MY FATHER BUT I FOUND A LOVE (TAGLISH)

SI YEJIN KIM AY ISANG HALF FILIPINO AND HALF KOREAN NA NAGPUNTA SA KOREA PARA HANAPIN ANG KANYANG AMA NA BUMALIK SA KOREA AT DI NA NAGPAKITANG MULI. NGUNIT NABAGO ANG PLANO NANG MAKLALA NYA SI CHOSEON NAM TURN OUT NA ANG IDOL PALA NYANG SI CHAE JANG JOON. DAHIL SA ISANG MISUNDERSTANDING NAPAGKAMALAN SYA NITONG GIRL FRIEND NI CHOSEON. KAYA IMINUNGKAHI NI CHOSEON NA SIYA AY MAGTRABAHO SA KANYA MUNA BILANG ISANG KATULONG PUMAYAG NAMAN ITO KESA NASABAHAY LANG SYA NG ATE NYA AT TUTAL WALA PA NAMAN SYANG PINAGKUKUNAN NG INCOME. NGUNIT SADYANG ANG KAPALARAN AY MAPAGBIRO DAHIL SA ISANG PANGYAYARI "NAHULOG SYA SA HAGDAN AT NASAMBOT NI CHOSEON" THAT TIME DI RIN SINASADYANG MAKUNAN NG CAMERA "NAKAON PALA AT TUMAPAT SA KANILA", TAPOS ANG FEMALE LEAD AY NAPABALITANG BUNTIS THAT TIME THEY NEED A FEMALE TO BE LEADING LADY AND THEY DECIDES THAT YEJIN WILL BE DAHIL SA PAGKAHULOG LANG NG HAGDAN...SIMULA NOON NABAGO NA ANG TAKBO NG BUHAY NI YEJIN. AT DAHIL DIN SA PAGDATING NI YEJIN NAGING UPSIDE DOWN ANG BUHAY NI CHOSEON. MGA TAUHAN... FL~YEJIN KIM-DAE GIWU/ YEOJA1BABAE2GIRL3 ML~BAEK JANGMUL/ CHOSEON NAM/ CHAE JANG JOON-LEE JOON GI INA: LORAINE DIAMANTE 56 yrs old + AMA: KIM JINHYUK 60 yrs old = KIM YEJIN ANAK NI LORAINE... OSAKA HANA 30 yrs old F BUMKEZER AL ALI 28 yrs old M ADI KUMAR 26 yrs old M IRISH UNDERZON 24 yrs old F KIM YEJIN 22 yrs old F ANAK NI KIM JINHYUK SA KOREA KIM JINNA 22 yrs old F KIM HAEBYEOL 21 yrs old F KIM DABYEOL 20 yrs old M KIM DARIM 19 yrs old M ASAWA SA KOREA: KWON JISYA 56 yrs old KIM YEJIN'S GRANDFATHER IN KOREA: KIM NAMSEOL 70 IN PHILIPPINES: MARTIN A. DIAMANTE 75 GRANDMOTHER IN KOREA: WON SEOLHWA 69 IN PHILIPPINES: ANISYA L. BERNARDO 74 NAM CHOSEON PARENTS BAEK WANGJI DEAD 36 yrs old~car accident GU HANNA DEAD 34 yrs old~suicide REAL NAME: BAEK JANGMUL 39 yrs old M BAEK JANGSEOL~DEAD DIE BECAUSE OF ALLERGY IN GINSENG, 5 YEARS OLDER THAN JANGMUL AND 12 YEARS OLDER THAN JANGWOOL. BAEK JANGWOOL 32 YRS OLD~THE ONLY BIOLOGICAL FAMILY OF JANGMUL HE LIVES WITH CHAE ORIGINAL SONS IT MEANS NOT SONS OF MISTRESS. (CHAE DAECHANG 35 YRS OLD AND CHAE DAEJEON 29 YRS OLD) POSTER PARENTS... NAM NAMPYEONG 63 yrs old M JIN HAERI 59 yrs old F POSTER SIBLINGS NAM JOONIM 27 yrs old M NAM SANJO 30 yrs old M NAM KAESEOL 21 yrs old F ASSISTANT: GU RYUNG-OH 50 yrs old FRIENDS YEJIN'S FRIENDS LUCILLE A. BRIZE 27 F MERCER V. ANTONOVICH 23 M BRIANEL E. MASAY 34 M ANNATALIA M. ROSARIO 30 F JANA H. MAGAYON 21 F LEILA S. SANTIAGO 25 F CHOSEON FRIENDS DAE RYEHWANG 30 yrs old F KANG HAERYUK 26 yrs old F NINE 42 yrs old M HAN BONGHEE 35 yrs old M FOREIGN POWERS BOOM (BUMKEZER) 28yrs old M ZECK 23yrs old M XIAOBAO 25 yrs old M DRAVE 26 years old M EX3M SANJO NAM~ANAK NG MAY-ARI NG STEC 30 yrs old M ZANDRE 30 yrs old XUEMING 31 yrs old BAEK ANHO~ pinsan ni Choseon, mula sa pamilyang Baek. BAEK SOOKANG ~pinsan ni Choseon mula sa pamilyang Baek. FOR THE SAKE OF LOVE TEAM Barbara Fontanoza Alfred Richnore Alpued Pak Kruewahtt Hatti Spencer Chad Mclene Delorosa Han Joon Woo Yaxer Bulahan Lisa Kael F~FEMALE M~MALE

2YEOJA1BABAE2GIRL3 · ชีวิตในเมือง
Not enough ratings
191 Chs

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · ชีวิตในเมือง
5.0
50 Chs

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT