webnovel

Synopsis

Siyam na taong gulang si Pio nang una niyang nakita si Tasia na walong taon naman ng mga panahon na iyon. Gustohin man niyang makipaglaro rito ay kinakain siya ng hiya dahil nga sa batang-edad ay nakaramdam na siya ng kakaiba para rito. Simula noon ay palagi na siyang sumasama sa kanyang mga magulang upang dumalaw sa hacienda ng mga ito para lamang makita ang batang si Tasia. They never talked. Nagmamasid lamang siya rito habang kalaro ang Kuya Anthony niya. Lumipas ang mga taon ngunit ang kanyang pagkagusto rito ay lalong lumalim. Nang malaman niyang mag-aaral ito sa Los Angeles ay kanya itong sinundan. Hindi para magtapat ng kanyang naramdaman kundi ang maging anino nito.

Sa huling gabi nila sa Los Angeles; gabi ng kanilang pagtatapos,nasa loob sila ng isang bar para magdiwang. Nilapitan ni Tasia si Pio habang sumisimsim ng inumin sa hawak nitong baso. Kinausap ito ni Tasia, sinubukan nitong lumayo ngunit bigla na lamang itong nawalan ng panimbang. Ramdam nito na nabahala si Tasia kaya lalo itong nagpanggap na nawalan ng malay. Dinala ito ni Tasia sa unit nito ng gabing iyon, pinagsamantalahan, kinuha ang iniingatang puri, at pagkatapos ay iniwan na lamang na parang bula.

At sa muli nilang pagtatagpo, gagawin ni Pio ang lahat para makapit ang hustisya nang pagkawala ng kanyang virginity na sana ay iaaalay niya sa kanyang magiging asawa.

ตอนถัดไป