Elaine's POV
After ng nangyari kanina,walang nag lakas loob saamin na matulog dahil sa takot hindi ko alam bakit nasabi ni Christine yun gayong wala kaming di pagkakaintidihan bago sya pumanaw.
2:56 am na ng maupo ako sa sofa sa mismong harapan ng kabaong nya,habang nag papalipas ako ng oras ay naisipan kong mag basa ng libro,mayamaya ay may napansin ako sa paligid ko biglang tumahimik at tanging paghinga ko lang ang naririnig ko ng biglang nakaramdam ako na lumubog ang kaliwang side ng sofa na inuupuan ko pero wala akong nakitang kahit ano kaya nag patuloy ako sa pag babasa.
"Leng,tulungan mo ko" napaigtad ako ng may mahinang bulong sa tenga ko
"Sino ka?" Sabi ko habang nag pipigil ng takot
"Ako to"ani ng bulong ngunit wala akong makitang ibang tao dito
"Neon,Carla nasan kayo?" Hanap ko sa mga kasama ko
"Norien? Wag kayong manakot hindi nakakatuwa" sigaw ko pang muli ngunit napahinto ako ng may biglang humawak sa balikat ko galing sa likuran ko
'napaka lamig'
At dahan dahan akong pumihit patalikod
'wrong move'
Natumba ako pabalik sa sofa dahil sa nakita ko,si Christine? Mali hindi sya yon dahil walang sungay at buntot si Christine.
"Ahhhckkkk, b-bitawan mo k-ko" pilit kong inaalis ang kamay nya sa leeg ko
"Elaine,hindi mo ba ko namimiss?Elaine miss nakita." Ani nya sa malambing na tono ngunit kasalungat ang ipinapakita ng muka at kilos nito.
"B-bakit? Christine hi-hindi ikaw yan".
'At sa wakas ay natanggal ko ang kamay nya'
"Babalik ako Elaine,babalik ako para maningil."
"Elaine,wake up" sigaw ni Carla
Hinihingal akong bumangon at pawisan.
"Binabangungot ka" si Neon
"Nag babasa lang ako kanina,hindi ko namalayan binabangungot na ko."
Pinainom ako nila ng tubig pangpakalma.
"Si Christine,sinabi nya sakin na babalik daw sya para mag higanti."
Lumipas ang oras at nag si uwian muna kami para maligo...
Dumating na rin sila tita Cel,at marami syang tinanong saamin.
"Ma nandito na ko!" Sigaw ko pagka dating sa bahay
"Oh mag pahinga ka muna"
"Sige po,"
"Anong balita?anong sabi ng mama ni Christine?"
"Ahh,bukas na daw po ang libing ma ayaw ni tita Cel na patagalin dahil kasabihan daw po iyon sa kanila na kapag nag pakamatay ang isang tao ay dapat ilibing kaagad"
"Bakit daw?" Ani ni mama habang nag titimpla ng gatas at iniabot sakin
"Hindi po sinabi ni tita" tsaka ko ininom ang gatas..
"Oh sya,matulog ka muna bago ka maligo."
"Sige po akyat na po ako sa kwarto"
"Ahhhh" malakas kong sigaw ng makita ko kung ano ang nasa kwarto ko
"Bakit?" Napatakip ng bibig si mama
Dahil may sulat sa dingding ng kwarto ko na gamit ay dugo
IKAW ANG MAUUNA
At saka humangin ng pagka lakas lakas at nag patay sindi ang ilaw,pina alis ko si mama para hindi sya madamay at doon muna sya sa simbahan..
"Hello,Carla tulong si Christine..ikaw din? Nasan ka?tawagan ko si Neon ,sige magkita nalang tayo sa Church." Agad kong kinontak si Neon
"Hello,Oh my God. Bakit tayo ginaganito ni Christine,sige sa Church kayo pumunta dito sa lugar natin nandun si mama"
Pag lingon ko sa likod ay nakita ko si Christine,tumatawa na parang baliw sabay biglang iiyak at tatawa nanaman..
"Elaine *sob* bakit?,hahahaha alam kong pinag sasalitaan mo ko ng hindi maganda *sob* ka-kapag nakatalikod ako" anito na dahan dahang lumalapit saakin..
'kahit anong gawin ko hindi ko maigalaw ang mga paa ko,ayan na sya lima,apat,tatlong hakbang ang layo nya saakin nung tuluyan kong naigalaw ang mga paa ko at nag tatakbo papunta ng simbahan'
"May nagawa ba kong ganon?" Pag kausap ko sa sarili ko at di sinasadyang napatingin ako sa kaliwa ng may nakita akong bibe at biglang may nag flash saakin.
'Ugly duckling,matalino lang naman yan kaya niligawan ni Angelo'
Si Angelo ay crush ko,noon nung hindi ko pa nakikila si Christine kaya kung ano anong salita ang nasasabi ko.
"Huli na para sa pagsisisi" may bumulong ulit kaya pumasok na ko sa Church at nandon na sila.
Nag iiyakan at hindi alam ang gagawin.
Kasama namin si Father at sya din ang tumulong saaming mapaalis ang kung ano man ang humahabol saamin nung araw na yon.
Kinabukasan ay inilibing na nga si Christine,sa libing habang isa isa kaming nag aalay ng bulaklak ay sabi ni father na hilingin namin ang kapatawaran ng sa gayo'y manahimik na ang kaluluwa nya.
Sana lang talaga ay mapatawad nya kami.
"Christine..."