webnovel

Martyr (1)

Editor: LiberReverieGroup

Bumigat ang puso ni Marvin.

Maingat niyang ininspeksyon ang Book of Nalu at wala siyang nakitang mali dito.

Ayon sa lohika, hindi siya mapagtataksilan ni Raven. Kahit na mapunta ito sa hindi inaasahan na sitwasyon, sa ilalim ng impluwensya ng Book of Nalu, walang paraan para talikuran niya si Marvin.

Pero hindi alam ni Marvin kung mayroong espesyal na pamamaraan ang mga God para makakuha ng impormasyon kay Raven kahit na nakagapos ito sa Book of Nalu.

Lalo pa at kahit na ang Artifact na ito ay maapangyarihan at misteryoso, isa pa rin lang itong item.

Ang mga taong umaatake sa Universe Magic Pool ay mga tunay na God!

Pero hindi na siya magugulat kung ang Black Dragon God ang nasa likod ng pag-atake na ito.

Malalim ang hidwaan sa pagitan nila at ni Marvin. Bilang isang Black Dragon na nagawang makpag-ascend sa Godhood, dumanas ng hirap ang Black Dragon God.

Dahil sa kanyang race, nahirapan siyang makakuha ng Faith sa Feinan. Kahit matapos ang Great Calamity, noong pumasok ang mga God sa Feinan, kakaunti lang ang mga oportunidad ng Black Dragon God.

Kung siya lang sana ang Dragon God sa mundong ito, magiging maayos lang ang lahat.

Sa kasamaang palad, hindi namatay ang dating Chromatic Dragon God. Nagpapanggap na ito ngayon bilang ang Evil Spriti Overlord Tidomas at pinamamahalaan ang ikalawng Evil Spirit World.

Basta naroon ito, hindi ito mangangahas na subukan makakuha ng parte ng teritoryo ng mga Dragon Race.

Ang maaari niya lang akitin ay ang mga kapwa niya Black Dragon Race.

Pero, halos wala nang natitirang Black Dragon sa Feinan.

Ang lahat ng mga Black Dragon ay napatay na ni Marvin, bukod sa isa. Si Izaka na naging kanyang alaga!

Kung titingnan, maaaring ito ang rason kung bakit umatake ang Black Dragon God.

Basta alam niya kung sino ang kalaban, mas madaling harapin ang mga ito.

Agad na inisip ni Marvin ang pinakamabuting gawin. Sa ngayon, hindi na mahalaga kung gaano kalaking bahagi ng kanyang plano ang nalaman ng Black Dragon God. Noon pa man ay marami ng pamamaraan ang mga God, maaaring hindi naman talaga siya tinraydor ni Raven. Maaaring gumamit ang Black Dragon God ng kanyang Divine Sourcer para gumamit ng espesyal na Divination para masundan ang mga kilos niya. Ano pa man ang mangyari, wala siyang magagawa kundi isipin kung paano ito nangyari.

Mayroon din impluwensya ang Black Dragon God sa Underdark.

Sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay malaman kung anong klase kalaban ang ipinadala nito para mapaghandaan nila ito.

Base sa kanilang naging laban, makikitang iniiwasan ng aninong ito na kalabanin sila nang sabay. Kahit na isa lang itong Clone, mukhang handa lang itong sundan sila at tatakas naman ito kapag nahuli.

Bahagyang naguguluhan si Marvin habang iniisip ito.

Malaki ang alitan sa pagitan nila at ng Black Dragon, kaya bakit naman ito aatras mula sa laban?

Ang tanging paliwanag lang ditto ay mayroon itong mas malaking pinaplano, o mayroon itong patibong na naghihintay sa kanya.

Ibinahagi ni Marvin ang kanyang naiisip kay Jessica at sumang-ayon naman ito sa mga hinuha nito.

"Gaya ng sabi mo, hindi mahirap isipin kung bakit galit na galit sa atin ang Black Dragon God."

"Pero baka may nakakalimutan ka: Pambihira ang lakas natin kapag magkasama tayo. Kahit isang Divine Servant ng Black Dragon God ay hindi tayo kakayanin."

"Hindi pa nawawasak ang Universe Magic Pool. Sa ngayon, ang magagawa lang ng mga God na ito ay magsagawa ng mga ritual at magpadala ng ilang Angel. Pero ang ganitong technique ay nangangailangan ng napakaraming mga sanggol, at bukod sa Church ng Dawn ang Protection sa Norte, wala na sigurong ibang God ang makakagawa nito

"Kaya naman, ang maaari lang ipadala ng Black Dragon God ay mga Divine Servant na may sapat na lakas. Pero hindi ang mga masyadong malalakas. Lalo pa at kung masyado itong malakas, baka hindi maganda ang kalabasan nito dahil sa Plane Will."

"Hindi tayo kayang talunin ng taong iyon sa isang laban, kaya wala kang dapat na ikatakot," mahinahon na pinapaliwanag ang kanyang naisip.

Tumango si Marvin. "Ang inaalala ko lang ay mahusay siya sa pagtatago. Ni hindi ko siya napansin noong una."

"At saka…"

Nagdalawang-isip ito bago ituloy ang sinasabi, "Paano kung gumawa siya ng problema sa Cyrpt Monster?"

May dahilan ang pagkabahala ni Marvin.

Magmula noong lumitaw ang kakaibang anino na iyon, hindi niya lubos maisip kung ano ang pakay nito.

Ang kombinasyon ng Ruler of the Night at ng FateSorceress ay sapat na para dispatyahin ang kalahati ng Underdark.

Ni hindi na nila dapat alalahanin ang isang Divine Servant!

Kung makapangyarihan ang kanilang kalaban, malaman ay umatake na ito.

Maaaring sinubukan lang sila ng kanilang kalaban kanina. Maaaring naramdaman nitong hindi sapat ang kanyang kakayahan para harapin ang dalawang napakalakas na powerhouse.

Kung hindi nito kayang manalo nang pa-surpresa, malamang ay hindi na nito kakayanin manalo sa iba pang paraan.

Naisip ni Marvin na mayroong dalawang pagkakataon ang kanilang kalaban: Sa teritoryo ng Crypt Monster at sa Eternal Frozen Spring.

Hindi naman muna niya inisip ang tungkol sa Eternal Frozen Spring. Siguradong hindi naman mangmang ang Divine Servant ng Black Dragon God para pumasok ito sa Eternal Frozen Spring. Mapanganib ang lugar na iyon, at kapag ginawa nito ay maaari pa itong mapahamak.

'Edi sa teritoryo ng Crypt Monster?'

Kumunot ang kilay ni Marvin habang namumuo ang plano sa kanyang isipan.

Patuloy naman ang mabilis na pag-agos ng Deep River.

Papalapit na sila nang papalapit sa lamig.

Nang umalingawngaw ang isang malakas na ingay, naputol ang pag-iisip ni Marvin.

"Imposible." Mahinahon na tumalon si Jessica mula sa bangka.

Napunta siya sa isang marupok na bloke ng yelo at nakitang dumadaloy pa rin ang Deep River sa ilalim nito.

Pero habang papalayo nang papalayo, mas mukhang lumalalim ang pagyeyelo nito.

"Nagyelo ang Deep River?"

Kinuyom ni Marvin ang kanyang ngipin.

Hindi dapat ito nangyayari sa tubig ng Deep River.

Gaano ba kalala ang insidente sa Eternal Frozen Spring? Hindi kaya gumuho na ito?

Kung kayang ma-kontrol ng Final Ghost Mother ang puso ng Eternal Frozen Spring, kahit na nasa kanya ang Demon Subduing Sword, mukhang mababa pa rin ang tyansa nilang magtagumpay!

Gayun pa man, kailangan pa rin nilang paisa-isang hakbang na magpatuloy.

Uunahin muna nilang lutasin ang problema sa kanilang harapan.

Sandaling nag-isip si Marvin bago sinabi kay Jessica na, "Mauuna na ko. Siguradong ako ang pinupunterya ng Black Dragon God.

Hindi na nito hinintay ang sagot ni Jessica at mabilis na itong nauna sa nagyeyelong ilog.

Sumimangot si Jessica pero hindi na ito tumanggi. Sa halip, ginamit niya ang kanyang Fate Power at unti-unting ipinag-isa ang kanyang katawan sa dilim.

Sa napakalamig na ilog na ito, dalawang anino ang papalapit na sa pinakamapanganib na lugar sa mundong ito.

"Parating na sila."

Isang lalaking naka-dekwatro ang nakaupo sa ilalim ng malaking icicle.

Kadiliman ang kanyang mata. Kaya naman nasa buong kapaligiran siya.

Napakarami nitong clone, kaya hindi mahalaga ang pagkawala ng isa sa mga ito.

Isa lang itong kaliskis.

Dahan-dahan tumayo ang lalaki, ang kanyang mata ay nakatingin sa gitna ng dilim sa dakong silangan.

Bahagya niyang nakikita si Marvin na mabilis na kumikilos sa ibabaw ng yelo.

Sa loob ng isang oras ay makakarating na siya sa lugar na ito.

'May isa pa? Nakatago?' Tumingin siya nang mabuti ay isang masamng ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.

Pagkatapos ay ang malawak na itim na balabal nito ay lumutang at naging panatiko ang reaksyon nito:

"Walang magagawa ang pagtatago!"

"Maibabaon kayo sa kadiliman ngayon!"

Ang icicle sa likod niya ay tahimik na nabasag at dahan-dahan na dumulas pababa, maikita ang isang matalim na kuko.