webnovel

Near Yet So Far

Synopsis When fate turned everything upside down, Isabella never stopped on believing in love. Umaasa pa din siya na sa likod ng madilim niyang nakaraan ay may paraan pa din para mabuo ang palagi niyang inaasam na buo at masayang pamilya. But Aristotle doesn't want anything from her. Sa lahat ng ginawa ni Isabella para sa kanya ay kulang pa din to para muling manumbalik ang matamis nilang nakaraan. At mas kinamuhian pa niya ang babae nang malaman ang sikretong matagal na itinago ni Isabella sa kanya. Paano nga ba maaabot ni Isabella ang taong pilit lumalayo sa kanya? Kaya pa ba niyang lumaban kahit sobrang sakit na? Will their hearts meet again and turn back the time when they're still in so much love o talaga nga bang hanggang nakaraan na lang ang pag-iibigan nilang dalawa?

CarpeDiem2019 · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
6 Chs

Chapter 4

De Castro Medical Hospital...

Nasa parking area pa rin si Isabella at hindi makalabas ng kanyang sasakyan. Tensiyonado ito at hindi malaman kung papaano haharapin ang lalaking matagal na niyang pinanabikan makita at makasama.

Ayon kay Dr. Anton, palagi na nasa opisina ang lalaki at nagpapakasubsob sa trabaho. Anytime pwedeng puntahan ito sa kanyang opisina.

"Nasabihan ko na ang personal secretary ni Aris na pupunta ka doon anytime at alam na rin niya na personal ang reason mo kaya need mo makausap si Aris. Pakilala ka na lang." huling salita nito bago tapusin ang usapan nila kahapon ng doctor.

"It's now or never Isabella... Take it whatever it takes." bulong nito sa sarili.

Bago lumabas ng kotse nito muli niyang pinasadahan ang kanyang hitsura sa salamin. Pinaghandaan niya talaga ang paghaharap nilang dalawa. Nag-spray pa muna ito ng kanyang fave na perfume na Jo Malone atsaka kinuha ang kanyang bag at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.

Habang naglalakad dinial niya ang number ni Anton.

"Hello, where are you?" tanong agad nito sa babae

"I'm here na, papasok ng building. Nasa office na ba siya? Anton, kinakabahan ako masyado baka kapag nakita ko siya hindi ko magawang magpaliwanag sa kanya ng maayos." huminto muna ito sa isang tabi upang makahinga ng maayos.

"Yes, nasa loob na siya. Don't worry aabangan kita sa secretary's desk. Hindi muna ako aalis hangga't `di natatapos pag-uusap ninyo. Sige na habang wala pang pasyente sa loob." sagot ni Anton sa kabilang linya.

"Okay, malapit na ako. Thanks. Bye!" paalam ni Isabella sa Doctor at tumawid na ito ng kalsada.

Sa kabilang banda...

Habang nasa tapat si Aristotle sa kanyang bintana may namataan siyang isang magandang dalaga na tumawid mula sa parking area at tila papasok ng building.

"No! This can't be... Nagha-hallucinate lang ako." ipinilig-pilig niya ang kanyang ulo at pumikit ng mariin. Muli nanubig ang kanyang mga mata dahil sa imaheng rumehistro sa kanyang isipan.

"Bullshit! Hanggang kelan mo ako pahihirapan Isabella! Alaala mo pa lang durug na durog na ako!" halos kapusin na siya ng hininga sa isiping iyon.

Muli ay umupo siya sa kanyang swivel chair at kinalma ang kanyang sarili. Lalabanan niya ang kanyang emosyon kung ayaw niyang masira na ito buong araw.

"Hi!" tipid na bati ni Isabella kay Anton at nakipag gantihan ito ng halik sa pisngi.

"Pakisabi kay Aris may importanteng tao na papasok ngayon sa office niya para kausapin siya. Huwag mong sasabihin ang tunay na pangalan ni Isabella. Sabihin mo Lady Pediatrician na mag-ooccupy sa kabilang room." utos nito sa secretary.

"Yes, Doc." kaya tinawagan nito sa phone ang doctor at pumayag naman na papasukin ito.

"Halina po kayo Doctora, pasok na raw po kayo." sabi ng secretary nito bago buksan ang pinto.

"Excuse me po Doc, nandito na po siya." bungad ng babae pagkapasok sa pinto. Sinenyasan niya si Isabella na pumasok na.

Ngunit bago pa man maihakbang ni Isabella ang kanyang paa papasok ng pinto... Hinawakan pang muli siya ni Anton upang palakasin ang loob ng babae.

Pumasok na sa loob si Isabella at mabilis naman lumabas ang secretary at pininid ang pinto.

At long last, muli nakaharap na ni Isabella ang lalaking pinakamamahal niya ng ilang taon. As much as she wanted to run closer to him para yakapin ito hindi niya magawa.

Buong katawan niya ay nanginginig sa takot.

Samantala kababakasan ng pagkabigla ang mukha ni Aristotle ng mapagmasdan niyang mabuti kung sino ang nasa kanyang harapan.

Kahit gustung-gusto niyang tumayo sa kinauupuan nito at mabilis na lapitan ang babae at siilin ng halik, hindi niya magawa. Nanaig sa kanya sa mga oras na ito ang biglang buhos ng galit at hinanakit para kay Isabella.

"This is not real, Aristotle! Wake-up!" bulong nito ngunit may diin na hindi naman nakatakas sa pandinig ni Isabella.

"T-totoo ang nakikita mo, b-baby." kandautal na sagot ni Isabella sa lalaki.

"Get out!!!!" sigaw nito na ikinagulat ni Isabella.

Takot man pero pinatatag pa rin niya ang kanyang sarili at lumapit ito kay Aristotle ngunit nasa tapat pa lang siya ng desk muli itong nagsalita.

"Don't come near me, woman!" matalim ang titig nito sa babae na anytime ay pwede itong sumabog.

"No, Aris. I came here to explain. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo napapakinggan ang dahilan kung bakit ako lumayo saiyo noon." nanginginig man ay diretso pa rin ang mata niyang nakatitig sa mga mata nito. Nakikipagtagisan ng titig.

"Wala akong pakikinggan na anuman mula saiyo. Tahimik ang buhay ko noon pero noong makita kita gumulo na ang sistema ko, minahal kita at ready akong i-give up ang lahat pero ano ginawa mo? Sinira mo ako!!! Hindi lang sinira kundi dinurog mo ako ng pinong-pino! Ngayon gusto ko ng mag-move-on magpapakita ka para ano muli akong durugin o wasakin? Alam mo ba kung gaano kahirap pulutin ang piraso ng puso ko!? Hindi mo alam! Wala kang alam! Wala na Isabel! Wala na!!!" mabilis na lumapit ito sa babae at hinila ang braso nito.

"Now, get lost! Forever!!" halos magdikit na ang mukha nila sa isa't isa sa sobrang galit na nararamdaman ni Aris sa kanya.

Nasasaktan man si Isabella sa higpit ng hawak nito sa kanyang mga braso pero mas nanaig pa rin ang sakit ng kanyang puso sa mga oras na ito dahil sa mga sinabi ni Aristotle sa kanya.

Kailangan niyang magpakatatag...

"No, baby don't push me away." pakiusap nito sa lalaki habang tuloy-tuloy na ang paglandas ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"Hindi lang ikaw ang nahirapan maging ako! Kaya please pakinggan mo naman ako, parang awa mo na." pagmamakaawa nito sa lalaki habang pinipilit niyang makawala sa pagkakahawak nito.

Nang matitigan ni Aristotle ang mukha ni Isabella na puno ng luha para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Gustong-gusto na niya itong yakapin at lunukin na lamang kung anuman ang namuong galit sa puso niya para sa babae pero hindi ganoon kadali para sa kanya.

"No..." may diin ngunit halos pabulong na lamang na nasambit nito ng lalaki.

Kaya ng lumuwag ang pagkakahawak ni Aristotle sa braso ni Isabella, sinamantala ito ng babae at niyakap ng mahigpit.

"Please forgive me baby, just one more chance!" subsob ang mukha niya sa dibdib ni Aristotle at mahigpit niya itong niyakap.

Ramdam na ramdam ni Aristotle ang katawan ni Isabella habang yakap siya nito, napapikit siya ng mariin at tila nanigas sa kanyang katawan.

Sobra man ang panginginig ng katawan ni Isabella, kahit gustuhin man niyang gantihan ito ng yakap at saluhin anumang oras na bumigay ang katawan ng babae ay hindi niya magawa.

Kaya naglakas loob siyang hawakan ito sa kamay upang alisin ito sa pagkakayakap sa kanya ngunit bakit tila siya rin ay pawang nauubusan ng lakas. Sa bawat pagtangka niya na alisin ang kamay ng babae ay lalo pa nitong hinihigpitan ang yakap sa kanya.

"No, please don't do this to me. I still love you baby! Soooo much. Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa Aris. Hindi ako susuko! Hindi kita susukuan hanggang sa tuluyan nang bumigay ang puso ko!" pagmamakaawa niya sa lalaki at wala na siyang pakialam kung ano na ang kanyang hitsura sa mga oras na ito.

Sobrang labis na sakit ang kanyang nararamdaman dahil nanatili pa rin itong tahimik at walang kakilos-kilos. Bumitiw si Isabella sa pagkakayakap niya sa lalaki at pinagmasdan ito.

Nakapikit ito at dumadaloy ang mga luha nito sa pisngi.

Nang dumilat ito kitang-kita niya ang pait at sakit na rumehistro sa mukha ng lalaki na lalong nagpadurog sa puso ni Isabella. Tila siya naman ang parang nanigas sa kanyang kinatatayuan.

"I'm sorry, i don't think i can. Patayin mo na lamang ako!" yumuko ito at tinalikuran siya.

At iniwan...

"Baby!" tanging nasambit niya habang sinusundan ito ng tingin papalabas ng pintuan.

Tila ang langit ay bumagsak sa kanya at tuluyan ng bumigay ang katawan ni Isabella, napaupo ito sa sahig at sinubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay at tumangis...

"Aaaaahhhh! Putang-ina!" sigaw ni Aristotle pagkalabas ng building.

Pinagsusuntok niya ang pader at 'di niya ito nilubayan hangga't `di namamanhid at umaagos ang dugo nito sa kamay...

"Isabel!!!!" tigmak ng luha ang kanyang mga mata na nanlupaypay na napaupo siya sa garter ng kalsada.