Chapter 1338: Young Master Su, interesado ka bang makipag-sosyo? (9)
Ang naramdaman niyang pandidiri ay tila kapag nakakita ng isang uwak ang tao sa umaga.
"Kailangan kitang makausap…" Aroganteng pagkasabi ni Song Yishi.
Maingat na tiningnan ni Huo Siqian ang kapaligiran bago sinabing, "Pasok ka."
Tama, isa siyang maingat na tao. Mahilig magtago ang mga paparazzi ng mga maliit na pahayagang dyaryo sa labas ng bahay ng mga mayayamang tao at lagi silang kumukuha ng mga litrato kapag mayroon silang pagkakataon.
Sinundan ni Song Yishi si Huo Siqian papasok sa kanyang condo; nakasuot ito ng cashmere coat na kulay wine at boots na lagpas tuhod at may takong na pitong pulgada.
"Anong kailangan mo…"
"Kelan tayo pwedeng magdiborsyo?" Direktang tanong ni Song Yishi/
"Hindi pa ito ang tamang oras."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com