Chapter 1825: Ang Dominanteng Magkapatid (6)
Simula noong bumalik si Qin Chu at magkasama na ulit ang pamilya ni Huo Mian, galit na galit si Tang Chuan.
Kahit na paulit-ulit siyang pinapakalma ni Wei Liao, nagsasabi pa rin ng mga masasakit na salita si Tang Chuan kay Huo Mian dahil prangka ang pagkatao niya.
"Chuan, 'wag mo sabihin yun. Nandito si Mian at ang pamilya niya para makita si Yu at sigurado akong matutuwa siya pag nakita niya sila," sabi ni Mrs. Su.
"Auntie…" Hindi pa rin kuntento si Tang Chuan.
Noon din, lumabas ang doktor ni Su Yu mula sa patient room.
"Doctor, kamusta ang anak ko?" tanong agad ni Mrs. Su.
"Nag-stabilize na si Young Master Su, kaya dapat okay lang siya… Pero hindi siya kumakain at nagpapahinga nang maayos kaya humina ang immune system niya… Binigay ko sa kanya ang mga tamang needles at nakukuha na niya ang nutrition fluids niya ngayon. Pumasok lang kayo kung gusto niyo siya makita."
"Salamat, doctor!"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com