Chapter 1728: Pinaka-cute Na Mga Sanggol (9)
"Qin Zhaozhao, at Qin Mumu," Mabagal na sabi ni Huo Mian [Tl note: Sa Chinese nangangahulugan ang "Zhaozhao" ng "tuwing umaga", at ang "Mumu" ay nangangahulugan ng "tuwing gabi"]
"Zhaozhao, Mumu? Espesyal naman ng mga pangalan na 'to…" Sabi ng isa sa mga nars habang nakangiti.
"Napakaganda ng poetic naman ng mga pangalan…. Mayroong tula na may linyang ganito, 'If love between both sides can last for aye, why need they stay together night and day?'….Wow… Ms. Huo, name-miss niyo na ba ang ama ng mga bata?" Pabirong tanong ng isang pang nars.
Ngumiti si Huo Mian pero hindi na ito nagsalita. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanyang ina.
"Ma… ano sa tingin mo sa pangalan nila? Maganda, hindi ba?"
"Maganda. Basta naman mahal mo sila, hindi na mahalaga kung ano ang mga pangalan nila. Lalo pa at mga apo ko sila." Tiningnan ni yang Meirong si Huo Mian na puno ng pagmamahal.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com