"Hi." Parang di niya kilala si Ning Zhiyuan base sa tunog ng pagkakabati nito.
"Bakit ka nandito? Hindi ba't nagtatrabaho ka na sa South Side?"
"Oh, off ko ngayong araw kaya bumisita ko."
"Kamusta ka naman doon?"
"Ayos naman."
"Narinig ko na na-promote ka bilang chairman ng Huo Foundation, naiinggit ako sayo."
"Wala kang dapat ika-inggit, regular na empleyado pa rin ako. Titulo lang ito."
"Ang galing mo talaga sa trabaho mo at naniniwala ako na magiging magaling kang doktor balang araw." ALam ni Ning Zhiyuan dati nung nasa unibersidad pa sila na ang pangarap ni Huo Mian ay maging isang doktor at hindi nurse.
"Huwag mo akong biruin, masaya ako sa pagiging head nurse ngayon at ayoko na maging doktor. Sige na, kailangan ko na umalis kasi may gagawin pa ako."
"Sandali, Mian." Halatang ayaw ni Ning Zhiyuan na paalisin si Huo Mian.
"May iba ka pa bang kailangan, Doctor Ning?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com