Chapter 1436: Honey, Magpakasal Tayo? (7)
"Sabihin mo sa kanila kalimutan na nila, hindi ko sila i-sisign kahit libre sila. Hindi ako tanga, hindi ako magiging scapegoat."
Para kay Su Yu, parang hot potatoes ang dalawang babae. Sinisiraan na ng mga tao ang GK, kaya kung kinuha niya sila, parang inamin na rin niya ang mga akusasyon.
Salamat sa rejection ni Su Yu, napunta ang dalawang babae sa company ni Huo Siqian.
Simula noong kumalat ang wedding plans nina Qin Chu at Huo Mian, masama ang mood ni Su Yu. Sumigaw pa siya sa lahat ng executives sa meeting ng kompanya niya noong hapon na iyon.
"President Su… may meeting po kayo kasama si President Guo ng Zhihe Media in half an hour…" maingat na paalala ni Assistant An.
"I-cancel mo."
"Pero, President Su…"
"Hindi ako makikipagkita kahit kanino ngayong araw, at lalabas ako para uminom ngayong gabi. 'Wag mo ako gululhin," sabi ni Su Yu. Kinuha niya ang jacket niya at umalis.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com